Sayang Pero Tama Lang

vic and pia Ala ey! Engaged na pala si Pia Guanio sa non-showbiz bf nya. Nabasa ko lang naman ‘to kanina.

Tsk! Sayang yung matagal na relasyon nila ni Vic Sotto ha! Boto pa naman ako Pia dahil tingin ko ay labs na labs ni Pia si Vic at mukang aalagaan nya talaga si Bossing. Pero tingin ko lang naman yan ha! Di ako sure sa sinasabi ko kasi hindi naman nila ako kasa-kasama sa relasyon nila at hindi rin nila ako ini-inform lagi. Lol!

Pero tama lang yun! Na kumalas na ang babae at tuluyang nag move on na. Bakit nga ba naman sya maghihintay at magtitiyaga kay Vic Sotto kung hindi rin naman sya mapanindigan. Mahirap magkaroon ng relasyon na walang patutunguhan. Sayang ang araw eh ang iksi-iksi na ng buhay ngayon. Ano naman gusto ni Vic Sotto, bf-gf lang sila habambuhay? Ganun?

Howel, malamang sa totoo, hindi lang talaga sapat ang lab ni lalaki kay babae. Ganun lang naman yun. Pag mahal mo ng totoo ang tao at gusto mo makasama habambuhay – all you have to do is DECIDE at manindigan. Wala ng pero-pero pa.

Via: http://ph.omg.yahoo.com/blogs/omgphnewsblog/pia-guanio-engaged-businessman-boyfriend-020737510.html

 

 

oOo

"For once… for once lang… ipaglaban mo ako" – Sharon Cuneta, Walang Kapalit (2003)

 

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *