Bob Marley On How To Love A Woman

Ni-reblogged ko Ďto kagabi mula sa ka-Tumblr kong si monch-austria.

bob marley

Bob Marley on how to love a woman.

You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? Sheís not perfect – you arenít either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break – her heart. So donít hurt her, donít change her, donít analyze and donít expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when sheís not there.

– Bob Marley

OA na kung OA pero habang nagbabasa ako, di ko napigilan ang sarili ko na maluha at tuluyang napaiyak na nga nang tumama ang mata ko dito sa linya na Ďto:

She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break – her heart.

Hindi ko alam kung bakit napa-emote ako pero marahil dala lang ng matinding inip dahil hindi ako makabalik ng tulog kagabi. Pero shet, na kerid-away talaga ako ha! Buti na lang at nakahiga ako. Kung nakatayo ako na nagbabasa, malamang sa matinding emote ko ay napasandal ako sa dingding…nakakuyom ang kanang palad na nakatapat kaliwang dibdib… at dahan-dahang dumadausdos ang likod na napapaupo.

O ha! Siempre, with matching crayola slash hagulhol din yun. Hihihi! Magagaya ko kaya ang mga emote scenes ng mga teleserye sa acting-actingan ko?

Hmmn. . . makapag-power nap na nga muna! Antokyo japan na ang lola.

 

P.S.

Parang ang dumi ng kuko ni Bob Marley sa piktyur a. Haba pa ng kuko. Yak! Lol!

 

 

oOo

“I can never hate the woman who made me smile again!” – Sam Milby; Babe, I Love You (2010)

.

Puyaters

Ang ganda kong puyat ngayon! Chos!

Kalurks! Napuyat ako samantalang kagabi mga 9pm pa lang ay ipinahinga ko na ang pagal pero katakam-takam (me ganun talaga?) kong katawan. Tinapos ko lang ang teleserye ng kinaaaliwan kong si Anna Manalastas at hindi na nga ako nanood ng Mara Clara (kasi nabubwisit lang ako sa bait-baitan ni Mara) para ‘kako ay makarami ako ng islip.

Maayos naman ang umpisa ng ginawa kong comatose mode sa sarili nang suddenly (may suddenly talaga ha!) nagising ako. Kala ko mga 5am na kasi mga ganun oras talaga ang gising ko. Yes, maaga muhlach po ako kung gumising. At nang tiningnan ko ang mala-Big Ben kong orasan…ay puki! 12 am pa lang?! Close your eyes ulit ang Mamaru. Kaso ‘la na…bigo na ako. Nagtampo at hindi na ako binalikan ng antok. Lech!

No_Sleep_For_You

Bakit kaya meron ganun ‘no? Kuya Kim, ano ba ang explanation sa mga ganitetch? Bigla ka na lang magigising sa kalagitnaan ng gabi at kahit anong pilit na bumalik sa patay-patayan mode eh waley na talaga. Kung anu-ano na ginawa ko, nag text-a-friend na ako para may makausap (kaso dedma lang ni friend si Mamaru). Nag-internet ulit, browse ng browse, read ng read, at nanood na nga ako ng porn ha! Weeeee! Kaso mas lalo lang nabuhay hindi lang ang katawang-lupa ko kundi pati na rin ang balintataw ko. (Ok, define: balintataw!).

Anyhow, haw haw de carabao, may kasabihan nga tayo na mas mabuti na ang walang tulog kesa walang gising. Pasalamat pa rin ako kay Papa Jesas at nagising ako.

Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Pero wag ka, gaganti ako! Since kagabi ay dinedma ako ng dinedma ni antok, mamaya pag dinalaw niya ako, pahihirapan ko rin sha. Matinding ISNAB ang aabutin nya suckin. Hah! Lintek lang ang walang ganti! Char!

O sha! Komokorni na ang Mamaru. Hihi! Suma-side effect na sa akin ang pagiging puyaters ko.

 

 

oOo

"Mag-alis kayo ng panty kung gusto ninyo but my panty stays right where it is!" – Jennifer Cortez, Temptation Island (1981)

.