Puyaters

Ang ganda kong puyat ngayon! Chos!

Kalurks! Napuyat ako samantalang kagabi mga 9pm pa lang ay ipinahinga ko na ang pagal pero katakam-takam (me ganun talaga?) kong katawan. Tinapos ko lang ang teleserye ng kinaaaliwan kong si Anna Manalastas at hindi na nga ako nanood ng Mara Clara (kasi nabubwisit lang ako sa bait-baitan ni Mara) para ‘kako ay makarami ako ng islip.

Maayos naman ang umpisa ng ginawa kong comatose mode sa sarili nang suddenly (may suddenly talaga ha!) nagising ako. Kala ko mga 5am na kasi mga ganun oras talaga ang gising ko. Yes, maaga muhlach po ako kung gumising. At nang tiningnan ko ang mala-Big Ben kong orasan…ay puki! 12 am pa lang?! Close your eyes ulit ang Mamaru. Kaso ‘la na…bigo na ako. Nagtampo at hindi na ako binalikan ng antok. Lech!

No_Sleep_For_You

Bakit kaya meron ganun ‘no? Kuya Kim, ano ba ang explanation sa mga ganitetch? Bigla ka na lang magigising sa kalagitnaan ng gabi at kahit anong pilit na bumalik sa patay-patayan mode eh waley na talaga. Kung anu-ano na ginawa ko, nag text-a-friend na ako para may makausap (kaso dedma lang ni friend si Mamaru). Nag-internet ulit, browse ng browse, read ng read, at nanood na nga ako ng porn ha! Weeeee! Kaso mas lalo lang nabuhay hindi lang ang katawang-lupa ko kundi pati na rin ang balintataw ko. (Ok, define: balintataw!).

Anyhow, haw haw de carabao, may kasabihan nga tayo na mas mabuti na ang walang tulog kesa walang gising. Pasalamat pa rin ako kay Papa Jesas at nagising ako.

Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Pero wag ka, gaganti ako! Since kagabi ay dinedma ako ng dinedma ni antok, mamaya pag dinalaw niya ako, pahihirapan ko rin sha. Matinding ISNAB ang aabutin nya suckin. Hah! Lintek lang ang walang ganti! Char!

O sha! Komokorni na ang Mamaru. Hihi! Suma-side effect na sa akin ang pagiging puyaters ko.

 

 

oOo

"Mag-alis kayo ng panty kung gusto ninyo but my panty stays right where it is!" – Jennifer Cortez, Temptation Island (1981)

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *