Para-Paraan Lang Yan

Dun sa sinundan ng entry na ‘to, nabanggit ko ang paminsan-minsan talent (ows?) ko sa pagiging resourceful at pag u-utilize ko ng mga anik-anik na meron ako dito sa kaharian ko. Howel, heto pa ang isa din sa mga ginagawa kong para-paraan para maka-save sa budget ng kahit barya-barya lang. 

‘Nga pala, sensya na po kung puro ako may bahid ng “pagtitipid” ang tema ng mga chuva ko ngayon. Eh kasi naman, alam naman natin na unano na lang ang hindi tumataas ngayon, di ba? Puro taasan na lang kasi ng presyo ng mga bilihin ang nangyayari. Leches!

Hindi ako swelduhan na madre. (Madre de pamilya po). Walang increase na kita dun sa trabahong pinapasukan ko – ang pagba-barker. Lol! At hindi suportado ng gobyerno ng Pilipayns ang mga pretty single moms na gaya ni Mamaru. (Me ganun talaga ha? Pretty?) Kaya naman todo-diskarte talaga ako. Kelangan mapanatili at wag ako lumagpas sa nakalaan  kong million petot budget ko sa mga pangangailangan namin mag-nanay.

McCormick Herbs and Spices 

Heniweys, fan ako ng McCormick products. Pagdating sa herbs and spices… McCormick  talaga ang Mamaru (plugging?). Pag naubos at kesa itapon, matiyaga ako mag-ipon ng mga empty bottles nila kasi ginagamit ko ulit sila for refilling.

More or less nasa mga ten petot din ang nababawas pag refill pack ang binibili ko kesa bumili ako ulit panibagong bote ng naubos na herbs and spices.

McCormick Refill Packs

At para hindi ako mawindang sa kahuhula kung ano ang naisalin kong spices sa empty bottle, shempre kelangan may label. Ang ginagawa ko, mega-tuklap ko na lang yung sticker label ng refill pack para hindi maging chaka ang chura ng bote.

Refiilled Bottles

At gamit ang kapangyarihan ng clear scotch tape…ayan, may instant waterproof label na aketch.

McCormick Herbs and Spices

Mabuti na lang karamihan ng mga manufacturers ngayon, hindi lang McCormick, ay abelabol na rin in refill packs, sulit packs, tipid packs, bonus packs at kung anik-anik pang mga moneysaver packs yung ibang produkto.

Salamat naman at nakikiisa din ang mga producers sa pagtitipid ng mga consumers gaya ko. Nakakaintindi sila sa mga pinagdadaanan namin. Kaya ako, mas prefer ko talaga ang bumili ng mga produkto in refill packs. Kayo ba ay ganun din? O ako lang ang kuripot? Lol! Kasi di ba, bukod sa nakakamura tayo…nakakatulong pa tayo sa pag aalaga ng kalikasan. Bow!

Hays..kulang na nga lang talaga ay magkaroon na rin ng mabibiling refillable na kuryente…na mai-iskor lang sa mga suking tindahan sa kanto. O, di ba? Tarush nun!

 

 

oOo

"Ang pag-ibig talaga parang ipis na tinapakan. Akala mo patay na ‘yun pala buhay pa" – Janus del Prado, I Do (2010)

.

Szechwan Chicken

Minsan pag napapadami na ang mga naiipon kong condiments galing sa mga fastfood take out naminnapipilitan akong mag-isip kung anong lutuin ang nababagay paggamitan para nga naman mapakinabangan ko sila.

condiments

Ang mga Chowkings toyomansi condiments, alam nyo bang nagagamit ko sila minsan pang-marinade ng boneless bangus ko?

Dito sa naisip kong lutuin na Szechwan Chicken, kelangan ang sangkap na 1/4 cup na banana catsup. Kako, tamang-tama ang dami ko ng banana catsup in sachets sa ref.

szechwan chicken

Siempre, ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang pinagtiyagaan ko buksan ang mga sachet isa-isa hanggang sa mapuno ko ang pangtakal na 1/4 tasa.

breaded chicken slices

Kahit yung 2 kutsarang brown sugar na inilagay ko ditothru the courtesy din ng mga nai-uuwi kong mga brown/white sugar galing sa mga coffee shops.

Kahit nga yung mga salt and pepper na kasama sa mga sine-serve na food sa eroplano, walang kawala yun sa akin. Inuuwi ko kaya! Yes, napapakinabangan ko rin sila pang-timpla sa mga niluluto ko. Bakit ba! Hihi!

stir-fry chicken

O di vah! Sa panahon ngayon, diska-diskarte lang naman ang kailangan para makatipid. Hindi man Surf ang gamit kong sabon na panlaba, iba pa rin siempre ang nanay na wais gaya ni Mamaru! Charing!

szechwan chicken

Szechwan Chicken

  • 2 cups cubed chicken breast fillets
  • 1/4 cup cornstarch
  • 2 tbsps oil
  • 3 tbsps chili-garlic paste
  • 1/4 cup vinegar
  • 1/4 cup banana catsup
  • 1/4 cup water
  • 2 tbsps brown sugar
  1. Dredge the chicken in the cornstarch.
  2. Heat the oil in a pan then fry the cubed chicken until lightly browned. Set aside.
  3. In the same pan, heat the chili-garlic paste. Add vinegar, catsup, water and brown sugar. Bring to a boil.
  4. Lower heat to a simmering then add back the fried chicken pieces. Cook until chicken is tender and sauce has thickened.

Makes 3-4 servings.

Recipe Source: In Good Taste Cookbook

 

oOo

"Siguro nu’ng nagbuhos ng katalinuhan ang Diyos, nakapayong ka!" – Jay Ilagan, Kakabakaba Ka Ba? (1980)

.