Szechwan Chicken

Minsan pag napapadami na ang mga naiipon kong condiments galing sa mga fastfood “take out” namin…napipilitan akong mag-isip kung anong lutuin ang nababagay paggamitan para nga naman mapakinabangan ko sila.

condiments

Ang mga Chowking’s toyomansi condiments, alam nyo bang nagagamit ko sila minsan pang-marinade ng boneless bangus ko?

Dito sa naisip kong lutuin na Szechwan Chicken, kelangan ang sangkap na 1/4 cup na banana catsup. ‘Kako, tamang-tama ang dami ko ng banana catsup in sachets sa ref.

szechwan chicken

Siempre, ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang pinagtiyagaan ko buksan ang mga sachet isa-isa hanggang sa mapuno ko ang pangtakal na 1/4 tasa.

breaded chicken slices

Kahit yung 2 kutsarang brown sugar na inilagay ko dito…thru the courtesy din ng mga nai-uuwi kong mga brown/white sugar galing sa mga coffee shops.

Kahit nga yung mga salt and pepper na kasama sa mga sine-serve na food sa eroplano, walang kawala yun sa akin. Inuuwi ko kaya! Yes, napapakinabangan ko rin sila pang-timpla sa mga niluluto ko. Bakit ba! Hihi!

stir-fry chicken

O di vah! Sa panahon ngayon, diska-diskarte lang naman ang kailangan para makatipid. Hindi man Surf ang gamit kong sabon na panlaba, iba pa rin siempre ang nanay na wais gaya ni Mamaru! Charing!

szechwan chicken

Szechwan Chicken

  • 2 cups cubed chicken breast fillets
  • 1/4 cup cornstarch
  • 2 tbsps oil
  • 3 tbsps chili-garlic paste
  • 1/4 cup vinegar
  • 1/4 cup banana catsup
  • 1/4 cup water
  • 2 tbsps brown sugar
  1. Dredge the chicken in the cornstarch.
  2. Heat the oil in a pan then fry the cubed chicken until lightly browned. Set aside.
  3. In the same pan, heat the chili-garlic paste. Add vinegar, catsup, water and brown sugar. Bring to a boil.
  4. Lower heat to a simmering then add back the fried chicken pieces. Cook until chicken is tender and sauce has thickened.

Makes 3-4 servings.

Recipe Source: In Good Taste Cookbook

 

oOo

"Siguro nu’ng nagbuhos ng katalinuhan ang Diyos, nakapayong ka!" – Jay Ilagan, Kakabakaba Ka Ba? (1980)

.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge