Buhay-Promdi

Kaninang umaga, masarap ang kain ng Royal Family (kami yun!). Ganado! Sino ba naman ang hindi gaganahan eh sinangag, scrambled eggs with grated cheese at sparkled salted fish with sweet tomato (na pinigaan ng kalamansi) ang brekky namin. Hahaha! Parang havey na havey pakinggan pag binibigkas…sparkled salted fish with sweet tomato. Hanep! Yun pala eh itlog at tuyo lang ang ulam namin.

Asahan mong nakataas ang paa ni Mamaru sa upuan at nakakamay kami na kumakain ni Keziah pag eto ang ulam namin. Maliban kay Kevin na hindi ko maintindihan kung bakit naka-kutsara’t tinidor pa rin kahit tuyo ang ulam namin. Kalurks!

Tuyo at KamatisBakit kaya ang mga Pinoy, hindi ko nilalahat, kahit saang bansa mapunta ay andun yung hahanap-hanapin talaga ang pagkain ng tuyong isda. Alam ko, sa abroad ay walang masyadong kalayaan ang mga Pinoy na magprito ng tuyong isda sa tinitirhan nila maliban na lang kung ang inu-okupahan nila ay isang single detached na hauslalo.

Pero pag ang accomodation mo ay nasa isang building, tiyak ko maraming magwawala na mga porenger na nebor pag humalimuyak na ang pritong tuyo – na malamang aakalain nilang sa amoy pa lang ay may pinipritong pekpek ang nebor nilang Pinoy. Hahaha!

Heniweys, ako, nililimitahan ko ang pagkain ng tuyo dahil umiiwas ako sa alat nya. Parang mga once in every two months na lang kung kumain kami ng tuyo.

Pagkatapos ng almusal namin kanina, dinalaw kami ng isang Manang na suki ko sa exchange program. Naks! Exchange program! Taga-bukid si Manang at tuwing bababa sya dito sa bayan ay may bitbit syang basket na puno ng kung anik-anik na prutas. Ipagpapalit nya sa akin ang mga bunga ng mga lumang damit namin. Barter trade bagah.

Hindi na uso ang ganitetch sa Manila at sa ibang malalaking siyudad ng Pinas. Pero dito sa amin sa probinsya kahit papano ay meron pa.

fruits

Eto ang laman ng basket ni Manang kanina. Kamote, makopa, langka, at ang daming saging. Saging na berde, saging na dilaw, saging na saba. Kaya nga hindi kami nagkaka-pimples dito kasi may supplier kami ng saging. Hehe!

Iba pa rin talaga ang buhay-promdi sa totoo lang. Simple lang at payak. Presko ang hangin at kahit papano hindi stressful ang paraan ng pamumuhay araw-araw.

Mga taga-promdi man kami kung tawagin, eh kahit papano di naman kami nahuhuli kung ano ang nangyayari sa bansa o ang pinag-uusapan ng mundo. Naka-WiFi at keybol kaya kami dito sa mansiones namin noh! At kahit papano eh naka-aircon kaya banyo namin! Jowk! Weee! Tamang-angas ang Mamaru. Iba yata ang naging epekto sa akin ng nakain kong pritong tuyo a!

 

 

oOo

"True love always deserve a second chance. I don’t wanna blow that second chance with you"Diether Ocampo, Sa’yo Lamang (2010)