SMS Jokes 2011-208

screenshot_149

 

 

MAX: “Pare mahilig pala pamilya mo sa music! Kasi pag naliligo kayo, lahat kumakanta!”
JUAN: “Anong mahilig? Kailangan lang kasi sira lock ng banyo!”

ANTON: “Pare, tanungin mo ako sa English, sasagutin kita ng Spanish!”
MARIO: “Sige, What is more important, heart or mind?”
ANTON: “Spanish!”

BARISTA: “Sir, bakit bawat lagok nyo, sinisilip nyo ang litrato ni misis?”
JUAN: “Check ko lang kung kaya ko pa! Pag maganda na sya, lasing na ko!”

JUAN: “Nay dami nyo ng puting buhok!”
INAY:”Kasi sa bawat KALOKOHAN ng anak, PUMUPUTI ang buhok ng ina!”
JUAN: “Ah kaya pala puti LAHAT buhok ni lola!”

Sabi ng nanay ko, ang LOL daw ay Lots Of Love. After a few days, nagtext sya sa kin, sabi nya“Si Lola mo namatay na LOL!”

Paano mo sasabihin sa girl na mukha siyang boy na di sya magagalit?
SAGOT: “Cute mo! kamukhang-kmukha mo TATAY mo, LOLO mo at KUYA mo! Kala ko nga sila eh!”

ANAK: “Nay, alam nyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay upuan ko sa babae!

INAY: “Anak, magandang asal yun!”
ANAK: “Kahit nakakandong po ako kay itay?

DOK: “Balita ko di mo na kinakausap sarili mo!”
BALIW: “Dok dapat lang na di ko kausapin sarili ko!”
DOK:(magaling na ata!) “Bakit?”
BALIW: “Magkagalit kami eh!”

Sa lugawan.
BATA: “Isa pong lugaw!”
TINDERA: “May laman o wala?”
BATA: “Hello? Mangunguya ko ba yang mangkok? Lagyan mo kaya ng laman!”

MAN: “Si sir mo to, nabangga ako, I need cash!”
INDAY:”Aru! Dugo-dugo gang ka no?”
MAN: “Inday, si sir mo to!”
INDAY: “Wee, si sir ang tawag sa kin CUPCAKE!”

INAY: “Binigay na ba card nyo?”

ANAK: “Opo nay, gud news wala na po ako line of 7!”

INAY: “Patingin! English-65 Math-60 Science-69 Pilipino-67..Ala nga!”

MAX: “Pag nag-aaway kami ni Mrs, YUMUYUKO sya sa takot!”
JUAN: “Misis ko naman TUMITINGALA!”

MAX: “Bakit?”
JUAN: “Sabi nya, Hoy! Bumaba ka dyan sa APARADOR!”

LOLO: “Hoy apo, si Corazon lang ang NABABAGAY sa iyo dahil meron silang malawak na NIYOGAN!”
APO: “Lolo naman, kailan pa po ako naging KUDKURAN!”

ANAK: “Tay, sa hirap ng buhay ko sa Manila, ang brief ko BUTAS na!
TATAY: “Mas hirap buhay ko sa province, yung suot ko CARTER brief, GARTER na lang!”

AMO: “Inday nstanggal mo ba yung mantsa sa barong ko?”
INDAY: “Opo kuya, tanggal na tanggal!”
AMO: “Gud! ano pinantanggal mo?”
INDAY: “GUNTING po!”

PEDRO: “Nay, puede po ba ako sumama sa NIGHT SWIMMING ng mga kaklase ko?”

NANAY: “Ok lang anak, basta wag ka MAGPAPAGABI ha?”
PEDRO: “Opo nay, promise!”

May nahit-and-run, pinagkukumpulan. Para makita, umeksena si JUAN “Paraanin nyo ko, KAPATID ko yan!” Nakarating si Juan sa biktimang UNGGOY!

JUAN: “Pare, dati MAYABANG ako pero ngayon HUMBLE na ko!”
PEDRO: “Wow, talaga? Kailan mo pa nabago yan?”
JUAN: “Simula nung naging PERFECT ako!”

Tinolang Manok Na May Mais

Hindi man kami abot dito sa pinagkukutaan ko ng kasalukuyang luxury typhoon na si Chedeng, pero makulimlim at may manaka-nakang pagbuhos ng ulan naman dito sa amin sa Iligan lalo na pag bandang hapon na.

Uy, ingat-ingat lang po tayo. Sabi nga ni Kuya Kim Atienza sa Twitter nya:

kuyakim_atienza 

tweeps, lumalapit si chedeng. huwag maliitin ang bagyong ito. seryoso. sa mga taga samar, bicol, aurora at cagayan, maghanda po tayo.

Wag naman sana maging mala-Ondoy ang bagyo na to. 🙁

Habang patuloy na nagbabasa ng timeline ko sa Twitter, natawa ako dito sa isang Twitter follower ni Kuya Kim. Nabara lang naman.

kuyakim_atienza 

weather: typhoon chedeng mas lumakas sa max winds na 160 kilometers per hour at gustiness na 195 nasa 200+ kilometers east of catanduanes.

welverder 

E bakit ang araw?!

kuyakim_atienza 

susme, malaki ang pilipinas, the philipines is not your barangay. RT @welverder E bakit ang araw?!!!! RT chedeng mas lumakas sa max 160 km

Hehehe!

Heniweys, kagabi nga eh maulan din dito sa amin, masarap humigop ng sabaw, kaya tiempo tong nadikwat kong recipe mula sa Yummy food magazine (August 2008). Tinolang may twist of flaked chicken at corn kernels.

Try nyo tomedyo kid-friendly ang lasa ng lutuin nato kaya sigurado magugustuhan ng mga bulilit ninyo.

Tinolang Manok na may Mais

Ingredients:

  • 2 tbsp cooking oil
  • 1 tbsp crushed garlic
  • 1 thumb-size ginger, crushed
  • 1/4 cup sliced onion
  • 500g chicken breasts boiled and flaked
  • 1 can corn kernels, drained liquid reserved
  • 1 piece sayote, cubed
  • 2 pcs broth cubes
  • 1 liter water
  • Salt and pepper to taste
  • 1 cup sili leaves

Sayote, flaked chicken, corn kernel, sili leaves

Procedure: Heat cooking oil. Saute garlic, onion and ginger until limp. (Eto ang peborit kong kombinasyon pag nag-gigisa bawang, sibuyas at luya. Kasi ang bangooooo!)

garlic,onion,ginger

Stir in chicken and corn kernels.

chicken and corn kernels

Add sayote and cook for another 3 minutes.

cubed sayote

 Pour in reserved corn kernel liquid. Stir in broth cubes. Add in water and bring to a boil.

 DSC03343_2 

Season with salt and pepper. Add sili leaves and remove from heat. Serve hot.

oOo

"Mas mabuti na yung ma-miss kita, kesa naman umabot pa sa hindi na kita gustong makita"Judy Ann Santos, KayTagal Kang Hinintay (1998)