Baked Macaroni

All-time favorite food ‘to ng mga amo ko. Mapa-spaghetti, carbonara, lasagna o baked macaroni… basta pasta, para sa kanila – wapak na wapak!

baked macaroni slice

Madalas tayong mga pinoy, nagluluto lang ng ganitong lutuin pag may birthday, Pasko, New Year, fiesta at iba pang okasyon.

baked mac cream topping

Sa pamilya ko…napag isip-isip ko, hindi ko na dapat hinihintay na dumating muna ang mga espesyal na okasyon para magluto neto dahil gusto ko magsawa sa kakakain ang mga anak ko ng baked mac kahit sa ordinaryong araw.

baked mac cheese topping

Pag may party kasi o okasyon….sa dami ng kinakain natin na mga handa, andun yung hindi na natin nalalasahan ang sarap ng isang putahe dahil sa kabusugan o hindi na halos matikman pa ang iba. Hindi natin mapagsawaan ang mga peborit natin na pagkain.

baked mac in the oven

Aminin natin, minsan mas masarap kumain ng halimbawa ganitong pagkain pag nalilipasan na ng isang araw. Yun bang kinabukasan ay iniinit mo na lang sa microwave ang leftovers.

baked macaroni

Maniwala ba kayo na kaming tatlo lang ang umuubos sa laman ng dalawang container na ‘to? Pagdating sa pasta…ang mga anak ko parang binudburan ng Ajinomoto ang mga bibig.

baked macaroni2

Walang puwang ang “amag” at “panis” pag eto ang niluluto ko. Ina-almusal at pang-meryenda nila ‘to araw-araw hanggang sa maubos. Matagal na siguro ang 3-4 na araw na sentensya.

baked macaroni3

Baked Macaroni recipe HERE.

 

oOo

"Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mo namang mawawala rin sa’yo?"KC Concepcion, Forever And A Day (2011)

2 thoughts on “Baked Macaroni

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *