Para-Paraan Lang Yan

Dun sa sinundan ng entry na ‘to, nabanggit ko ang paminsan-minsan talent (ows?) ko sa pagiging resourceful at pag u-utilize ko ng mga anik-anik na meron ako dito sa kaharian ko. Howel, heto pa ang isa din sa mga ginagawa kong para-paraan para maka-save sa budget ng kahit barya-barya lang. 

‘Nga pala, sensya na po kung puro ako may bahid ng “pagtitipid” ang tema ng mga chuva ko ngayon. Eh kasi naman, alam naman natin na unano na lang ang hindi tumataas ngayon, di ba? Puro taasan na lang kasi ng presyo ng mga bilihin ang nangyayari. Leches!

Hindi ako swelduhan na madre. (Madre de pamilya po). Walang increase na kita dun sa trabahong pinapasukan ko – ang pagba-barker. Lol! At hindi suportado ng gobyerno ng Pilipayns ang mga pretty single moms na gaya ni Mamaru. (Me ganun talaga ha? Pretty?) Kaya naman todo-diskarte talaga ako. Kelangan mapanatili at wag ako lumagpas sa nakalaan  kong million petot budget ko sa mga pangangailangan namin mag-nanay.

McCormick Herbs and Spices 

Heniweys, fan ako ng McCormick products. Pagdating sa herbs and spices… McCormick  talaga ang Mamaru (plugging?). Pag naubos at kesa itapon, matiyaga ako mag-ipon ng mga empty bottles nila kasi ginagamit ko ulit sila for refilling.

More or less nasa mga ten petot din ang nababawas pag refill pack ang binibili ko kesa bumili ako ulit panibagong bote ng naubos na herbs and spices.

McCormick Refill Packs

At para hindi ako mawindang sa kahuhula kung ano ang naisalin kong spices sa empty bottle, shempre kelangan may label. Ang ginagawa ko, mega-tuklap ko na lang yung sticker label ng refill pack para hindi maging chaka ang chura ng bote.

Refiilled Bottles

At gamit ang kapangyarihan ng clear scotch tape…ayan, may instant waterproof label na aketch.

McCormick Herbs and Spices

Mabuti na lang karamihan ng mga manufacturers ngayon, hindi lang McCormick, ay abelabol na rin in refill packs, sulit packs, tipid packs, bonus packs at kung anik-anik pang mga moneysaver packs yung ibang produkto.

Salamat naman at nakikiisa din ang mga producers sa pagtitipid ng mga consumers gaya ko. Nakakaintindi sila sa mga pinagdadaanan namin. Kaya ako, mas prefer ko talaga ang bumili ng mga produkto in refill packs. Kayo ba ay ganun din? O ako lang ang kuripot? Lol! Kasi di ba, bukod sa nakakamura tayo…nakakatulong pa tayo sa pag aalaga ng kalikasan. Bow!

Hays..kulang na nga lang talaga ay magkaroon na rin ng mabibiling refillable na kuryente…na mai-iskor lang sa mga suking tindahan sa kanto. O, di ba? Tarush nun!

 

 

oOo

"Ang pag-ibig talaga parang ipis na tinapakan. Akala mo patay na ‘yun pala buhay pa" – Janus del Prado, I Do (2010)

.

Szechwan Chicken

Minsan pag napapadami na ang mga naiipon kong condiments galing sa mga fastfood take out naminnapipilitan akong mag-isip kung anong lutuin ang nababagay paggamitan para nga naman mapakinabangan ko sila.

condiments

Ang mga Chowkings toyomansi condiments, alam nyo bang nagagamit ko sila minsan pang-marinade ng boneless bangus ko?

Dito sa naisip kong lutuin na Szechwan Chicken, kelangan ang sangkap na 1/4 cup na banana catsup. Kako, tamang-tama ang dami ko ng banana catsup in sachets sa ref.

szechwan chicken

Siempre, ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang pinagtiyagaan ko buksan ang mga sachet isa-isa hanggang sa mapuno ko ang pangtakal na 1/4 tasa.

breaded chicken slices

Kahit yung 2 kutsarang brown sugar na inilagay ko ditothru the courtesy din ng mga nai-uuwi kong mga brown/white sugar galing sa mga coffee shops.

Kahit nga yung mga salt and pepper na kasama sa mga sine-serve na food sa eroplano, walang kawala yun sa akin. Inuuwi ko kaya! Yes, napapakinabangan ko rin sila pang-timpla sa mga niluluto ko. Bakit ba! Hihi!

stir-fry chicken

O di vah! Sa panahon ngayon, diska-diskarte lang naman ang kailangan para makatipid. Hindi man Surf ang gamit kong sabon na panlaba, iba pa rin siempre ang nanay na wais gaya ni Mamaru! Charing!

szechwan chicken

Szechwan Chicken

  • 2 cups cubed chicken breast fillets
  • 1/4 cup cornstarch
  • 2 tbsps oil
  • 3 tbsps chili-garlic paste
  • 1/4 cup vinegar
  • 1/4 cup banana catsup
  • 1/4 cup water
  • 2 tbsps brown sugar
  1. Dredge the chicken in the cornstarch.
  2. Heat the oil in a pan then fry the cubed chicken until lightly browned. Set aside.
  3. In the same pan, heat the chili-garlic paste. Add vinegar, catsup, water and brown sugar. Bring to a boil.
  4. Lower heat to a simmering then add back the fried chicken pieces. Cook until chicken is tender and sauce has thickened.

Makes 3-4 servings.

Recipe Source: In Good Taste Cookbook

 

oOo

"Siguro nu’ng nagbuhos ng katalinuhan ang Diyos, nakapayong ka!" – Jay Ilagan, Kakabakaba Ka Ba? (1980)

.

SMS Jokes 2011-206

screenshot_142
JUAN: “Huh? Nagugunaw na ang mundo! Ahhh! Araay! Ang init! araay!”

NANAY: “Hoy batugan, gumising ka na! Ala-una na! Tirik na sa mukha mo yung araw!”

JUAN: “Nung panahon ko, P50 lang dala ko sa mall, meron na akong t-shirt, pants, panyo, medyas.”
ANAK: “Eh ngayon po?”
JUAN: “Mahirap na, dami na CCTV camera!”

DOC: “Pwede mo lang kainin ay mga hayop na lumalangoy.”
JUAN: “OK!”
(after 1 week)
DOC: “Asan pasyente ko?”
MAID: “Nasa pool po tinuturuan LUMANGOY yung baboy!”

BF: “Sigurado ka ba na ako ama ng dinadala mo?”
GF: “Hoy, kelan kita niloko? 3 na tinanong ko, di daw sila, ikaw na lang natitira kaya iyo to!”

Old Museum.
GIRL: “Miss wala ba multo dito!”
GUIDE: “Tagal ko na dito wala pa ako nakitang multo!”
GIRL: “Gaano na kayo katagal dito?”
GUIDE: “450 years na!”

JUAN: “Maam, sori po wala ako kahapon kasi nanganak inay ko!”
GURO: “In English!”
JUAN: “Maam, sori I lost yesterday becoz my mom is born!”
GURO: “Gud! Set down!”

JUAN: “Ale, PALIMOS po!”
ALE: “Manong, bakit DALAWA ang LATA nyo?”
JUAN: “Ah ito ba? umaasenso din naman tayo! Nakapagbukas na ng bagong BRANCH!”

JUAN: “Mag a-apply po akong BOY.”

AMO: “Ok, ang job mo i-feed ang aso ng HAM sa umaga STEAK sa tanghali at SAUSAGE sa gabi.”
JUAN: Mag a-apply po akong ASO!”

DOK1: “Grabe yung inoperahan ko kanina, nakakuha ako ng 3 ROSES sa tiyan!” DOK2: “Ha? Saan daw galing yun?”
DOK1: “Ewan ko, walang ksamang card eh!”

JUAN: “Pare, puyat na puyat ako sa napanaginipan ko kagabi!”
MAX: “Paano ka napuyat na natutulog? Ano ba panaginip mo?”
JUAN: “SEKYU daw ako na NAKA-DUTY!”

JUAN:(sawi) “Lolo, masakit po ba talaga ang magmahal ng LUBOS?”
LOLO: “Apo, mayaman tayo! Ayos lang kahit magmahal ang PULBOS! Wag na umiyak, ok?”

JUAN: “Dok, bakit pag umiinom ako ng coke sumasakit sikmura ko pero pag LIBRE hindi?”
DOC: “Normal yan.. MANIPIS ATAY mo kahit MAKAPAL MUKHA mo!”

ADDICT: “Payag ka na bang magpakasal sa akin?”
GRO: “Oo pero ok lang ba sa iyo kung meron akong past?”
ADDICT: “Ok lang, wala nman akong future eh!”

Sa pilahan ng jeep…
JUAN: “Manong, di pa ba tayo aalis?”
DRIVER: “Mayamaya po, wala pang LAMAN eh!”
JUAN: “Eh ano po tawag nyo sa akin SABAW?”

KONDUKTOR: “Lolo bayad nyo po?”
LOLO: “Magkano ba?”
KONDUKTOR: “Nasa tiket po tingnan nyo na lng!”
LOLO: “Lokong bata eto, paano ko makikita e pinagbubutas mo!”

MAX: “Pare, ano una mo tinitingnan pag nakakasalubong ka ng magandang girl?”
JUAN: “Una ko tinitingnan yung mata ng misis ko, mahirap ng magulpi!”

TATAY: “Anak, totoo ba na sa school, nagbibigay-galang ang lahat pag dumadaan ka? Astig ah! Ano sabi nila?”
JUAN: “Mabuhay ang mahal na reyna!”

JUAN: “Tay, kainis po yung kalaro ko, sabi nya mukha daw po akong SAWA!”

TATAY: “Aba! Di tama yun! Buti di mo PINULUPUTAN at TINUKLAW!”

Mango Float

Parehong may sweet tooth ang amo kong lalaki at babae.

Chocolates, cookies, cakes, candies, pag meron kami nyan dito sa bahaywalang puwang ang amag! Ako naman, moderate lang sa pagkahilig sa sweets kasi nga eh di ko na kelangan ang sweets sa pagkatao ko – Im sweet enough noh. Tot!

Da last time na nag-grocery kami ni Keziah, nag-50% OFF ang isang brand ng all-purpose cream. Sinipat ko kung bakit, ayunlapit na pala ang expiration date nya. Sus!

Well, sinamantala ko na rin at pumik-ap ako ng dalawang paks, kako makapag-MANGO FLOAT nga.

mango float slice

graham crackers

mango float layering

mango float

mango float with chopped nuts topping

slice of mango float

M A N G O  F L O A T

Ingredients:

  • 1 cup heavy cream, chilled
  • 2/3 cup sweetened condensed milk, chilled
  • 1/2 cup mashed ripe mango
  • 1 tsp. vanilla extract
  • Thin slices of ripe mangoes
  • Graham Crackers

Garnish: (optional)

  • Mango slices or any chopped nuts you may prefer to use.

Instructions:

  1. Blend cream and sweetened condensed milk together. Add mashed mango. Add vanilla. Set aside, preferably keeping it chilled until needed.
  2. In a square 9 x 9-inch or a rectangular 9 x 13-inch Pyrex or any transparent dish, assemble graham crackers and cream mixture by arranging the crackers on the bottom of the dish.
  3. Spread one third of the cream mixture, arrange some mango slices, then put another layer of the crackers. Repeat the process, ending with the cream mixture on top.
  4. Sprinkle with chopped nuts (optional).
  5. Chill before serving.

oOo

Joey: "C.I.A…. Central Intelligence Agency?" Rene: "Dili man dong, Cebu Intelligence Agency" Smith & Wesson (1988)

Pinatisang Manok

Sana sa mga sunod-sunod kong post na to ay hindi magmukhang food blog ang website kong itetch. Eh kasi naman, bukod sa mga outdoor activities kong shoplifting at bungee-jumping medyo interesado lang talaga ako sa cooking.

Sows, as if naman may choice ako noh. Siempre pwersado akong matuto talaga magluto dahil may dalawa akong amo na kelangan pakainin, buhayin at pagsilbihan.

Pinatisang Manok1

Once upon a time ay nakapagluto na ako ng pinatisang manok noon. Kaso medyo naintriga ako dito sa version ng recipe na to ng dahil dito – sa sahog na mashed hard boiled egg yolk.

boiled eggyolk

Bukod sa napakadali hagilapin ng mga sangkap.

  • 700g chicken drumstick or thighs
  • 1 hard boiled egg yolk
  • 1 1/2 cups chicken broth
  • 120 g fresh ginger, julienned
  • 120 g fresh chili leaves, removed from the stems and cleaned
  • 2 tbsp vegetable oil
  • 2 tbsp fish sauce

pinatisang manok with sili leaves

Napa-simple pa ng paraan ng pagluluto. Talagang tseken lang bagah sa dali.

  1. In a wok, heat the oil over medium high heat, until it begins to shimmer. Add the ginger and saute until fragrant. Add the chicken pieces and half the fish sauce. Turn up the heat to high and cook the chicken to a golden brown.
  2. Reserve a little of the chicken broth and pour in the rest in the wok. Bring the broth to a boil. Lower the heat and simmer for 2o minutes or until the chicken is tender.
  3. In a small mixing bowl, mash the egg yolk and add the reserved chicken broth. Once the mixture achieves a paste-like consistency, add it to the cooking chicken broth.
  4. Remove the chicken from the heat and add the chili leaves. Taste the broth and add the remaining fish sauce if deemed necessary.

pinatisang manok 

*P I N A T I S A N G  M A N O K (Chicken stewed in Fish Sauce)

Nasorpresa ako sa pagiging istariray ng mashed egg yolk sa lutuin na to sa totoo lang. Hindi ko maipaliwanag ang tsalap, parang nakalimutan ko nga ang name ko eh. Chos! Yung naging lasa ng broth? WAGI!

 

*Recipe Source:  Kulinarya: A Guidebook to Philippine Cuisine

 

oOo

"Men are like dogs, hahabulin ka ‘pag tinakbuhan mo" – Nanette Inventor, Walang Kapalit (2003)

For Hopeless Romantics

 

…including me.

 

Rose On Wood BW

L O V E!

A good relationship is not a game that we play or an ego trip we take. It is about love and two people. Loving someone can give us the greatest joy we can ever know but it can also hurt us more that we can ever believe. If we love someone we should be ready to experience not only happiness but heartache as well. That’s the reward and risk that it takes. Unless we are willing to experience it, we will never really know what it’s like to love and be loved.

Sharing love is probably the most valuable and meaningful experience a person can ever have.  And there is a difference between being in love with someone and loving someone.  It’s the difference between a love that’s fickle, wild and short-lived and a love that’s tender, passionate and lasting.  The first is easy.  The second, the one that really matters to us all, takes work —- because it’s about keeping the relationship.

Loving someone takes efforts. We have to be able to communicate with each other. Nobody can read anyone else’s mind. We always presume that our partner knows what we think and feel. Maybe in time we might be able to predict or sense each other’s thoughts but it’s never perfect and it takes time to develop.

Getting the chance to love and be loved by someone is a blessing.  Respect him/her for who he/she is, and not what you want him/her to be   No one is perfect.  It’s true love that closes the gap of imperfectness to form a smooth surface of acceptance for each other.  True love sees and accepts a person for who he/she is.  It is also true love that makes a person change for the better.

Although the power of true love is undeniable, a relationship needs commitment too.  What is love without commitment from each other anyway?  It’s like principles and values.  Everyone has them but they only mean as much as we are willing to stand for them.  The same goes for our commitments to relationships and to the person we love.

"Love is like an antique vase.  It’s hard to find, hard to get, yet easy to break."

Everyday, everywhere…people fall in love. But just how many of these relationships are self-sacrificing love, and not just relationships which are formed only for the intense feeling of falling in love? I know hundreds of friends who say the magical words "I love you"…but more often that not, the truth is just — I am IN love with you. There is a difference between being in love with someone and loving someone.

If a person says he/she is in love with you, he/she means that he/she likes you for who you are now and he/she fell in love with you because of the present you. This kind of love is temporary and will only lasts as long as the fairytale lasts.  When fairy godmother comes in at night to whirl us back in reality, we see the heartache of such a relationship.

But if a person says he/she loves you, he/she means that he/she loves you unconditionally for who you are now, who you were you in the past and who you might be in the future. When he/she says he/she loves you and really means it, you have to ask yourself if you love him/her too or if you are only in love with the idea of being in love. It is very hard to see the difference through logical thinking.

May you be blessed on your soul-mate searching journey.

Author Unknown

 

Have a lovely Friday everyone!

 

oOo

"Love should not be a heavy feeling, it should not make you suffer" – Sharon Cuneta, P.S. I Love You (1981)

SMS Jokes 2011-205

Little_Peanut

GURO: Children, gayahin nyo ang mga ants, puro sila trabaho at di naglalakwatsa!
JUAN: Eh bakit po nung magpunta kami sa Luneta, andun din sila?

JOSE: Pare sa sobrang kalasingan ko kagabi, naibenta ko ang misis ko ng di ko alam!
JUAN: Mas sobrang kalasingan ko pare, di man lang ako nakatawad!

JUAN: (naliligaw) Magtatanong lang po, saan po ba papunta ang daan na to?
TASYO: Iho, tumanda na ko dito pero di ko pa nakitang umalis ang daan na yan!

TANONG: Paano mo sasabihin sa tao na bad breath sya ng di sya mao-offend?
SAGOT: “Nakainom ka ba ng tubig-imburnal? Sipilyo ka agad para di ka malason!”

TANONG: Paano mo sasabihin sa BF mo na ang pangit nya na di sya mao-
offend?
SAGOT:”Alam mo, ikaw ang pinakamagandang lalaki sa ilalim ng lupa!”

AMO: Inday, titira dito biyenan ko ng 3 buwan. Ito listahan ng favorite nyang pagkain.
MAID: Opo sir!
AMO: Pag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

Continue reading

Bob Marley On How To Love A Woman

Ni-reblogged ko to kagabi mula sa ka-Tumblr kong si monch-austria.

bob marley

Bob Marley on how to love a woman.

You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? Shes not perfect – you arent either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break – her heart. So dont hurt her, dont change her, dont analyze and dont expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when shes not there.

– Bob Marley

OA na kung OA pero habang nagbabasa ako, di ko napigilan ang sarili ko na maluha at tuluyang napaiyak na nga nang tumama ang mata ko dito sa linya na to:

She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break – her heart.

Hindi ko alam kung bakit napa-emote ako pero marahil dala lang ng matinding inip dahil hindi ako makabalik ng tulog kagabi. Pero shet, na kerid-away talaga ako ha! Buti na lang at nakahiga ako. Kung nakatayo ako na nagbabasa, malamang sa matinding emote ko ay napasandal ako sa dingding…nakakuyom ang kanang palad na nakatapat kaliwang dibdib… at dahan-dahang dumadausdos ang likod na napapaupo.

O ha! Siempre, with matching crayola slash hagulhol din yun. Hihihi! Magagaya ko kaya ang mga emote scenes ng mga teleserye sa acting-actingan ko?

Hmmn. . . makapag-power nap na nga muna! Antokyo japan na ang lola.

 

P.S.

Parang ang dumi ng kuko ni Bob Marley sa piktyur a. Haba pa ng kuko. Yak! Lol!

 

 

oOo

“I can never hate the woman who made me smile again!” – Sam Milby; Babe, I Love You (2010)

.

Puyaters

Ang ganda kong puyat ngayon! Chos!

Kalurks! Napuyat ako samantalang kagabi mga 9pm pa lang ay ipinahinga ko na ang pagal pero katakam-takam (me ganun talaga?) kong katawan. Tinapos ko lang ang teleserye ng kinaaaliwan kong si Anna Manalastas at hindi na nga ako nanood ng Mara Clara (kasi nabubwisit lang ako sa bait-baitan ni Mara) para ‘kako ay makarami ako ng islip.

Maayos naman ang umpisa ng ginawa kong comatose mode sa sarili nang suddenly (may suddenly talaga ha!) nagising ako. Kala ko mga 5am na kasi mga ganun oras talaga ang gising ko. Yes, maaga muhlach po ako kung gumising. At nang tiningnan ko ang mala-Big Ben kong orasan…ay puki! 12 am pa lang?! Close your eyes ulit ang Mamaru. Kaso ‘la na…bigo na ako. Nagtampo at hindi na ako binalikan ng antok. Lech!

No_Sleep_For_You

Bakit kaya meron ganun ‘no? Kuya Kim, ano ba ang explanation sa mga ganitetch? Bigla ka na lang magigising sa kalagitnaan ng gabi at kahit anong pilit na bumalik sa patay-patayan mode eh waley na talaga. Kung anu-ano na ginawa ko, nag text-a-friend na ako para may makausap (kaso dedma lang ni friend si Mamaru). Nag-internet ulit, browse ng browse, read ng read, at nanood na nga ako ng porn ha! Weeeee! Kaso mas lalo lang nabuhay hindi lang ang katawang-lupa ko kundi pati na rin ang balintataw ko. (Ok, define: balintataw!).

Anyhow, haw haw de carabao, may kasabihan nga tayo na mas mabuti na ang walang tulog kesa walang gising. Pasalamat pa rin ako kay Papa Jesas at nagising ako.

Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Pero wag ka, gaganti ako! Since kagabi ay dinedma ako ng dinedma ni antok, mamaya pag dinalaw niya ako, pahihirapan ko rin sha. Matinding ISNAB ang aabutin nya suckin. Hah! Lintek lang ang walang ganti! Char!

O sha! Komokorni na ang Mamaru. Hihi! Suma-side effect na sa akin ang pagiging puyaters ko.

 

 

oOo

"Mag-alis kayo ng panty kung gusto ninyo but my panty stays right where it is!" – Jennifer Cortez, Temptation Island (1981)

.

SMS Jokes 2011-204

Modernong Talasalitaan
Indirect Bribery:
Ang pagnanakaw ng mahigit tatlong daang milyong piso mula sa kaban ng bayan. See "plunder."
Plunder: Wala nang gano’n. Hindi na uso ‘yan. Kapag nagnakaw ka ng limampung milyong piso o higit pa mula sa kaban ng bayan, ibalik mo lang ang kalahati at ayos ng ang buto-buto. See "indirect bribery."

  •  

Imagine living with three wives in the same compound and never leaving the villa for five years!
Maybe Osama himself called the U. S. Navy SEALS!

  •  

WIFE: "Nanaginip ako na nago-auction daw sila ng titi. Ang malalaki P1,000.00, ang makakapal P2,000.00.
HUSBAND:"Magkano yong parang sa akin?"
WIFE (ngumingisi):"Pinamimigay lang nila."
HUSBAND (gaganti): Ako rin nanaginip.. nago-auction sila ng pekpek.. Yong magaganda P10,000.00, pag-masikip P20,000.00."
WIFE: "Talaga? Eh, magkano yong sa akin?"
HUSBAND: "Doon ginanap ang auction!" Hahahaha!!! Sobra na luwang.

  •  

After experiencing the discomfort & embarrassment of a prostate test in the US, my friend decided to have his next test made in Thailand where the beautiful nurses are gentle & accommodating.
As usual he was asked to strip off, he lay naked on his side on the bed & the nurse began the examination.
"At this stage of the procedure it’s quite normal to get an erection" said the nurse.
"I haven’t got an erection" said the man.
"Not you, me" replied the nurse.

  •  

BOY: Hubad tayo.
GIRL: Ayoko nga noh.
BOY: Sige na!
GIRL: Oh sige na nga.
BOY: You muna.
GIRL: No, kaw muna.
BOY: Ok sabay na lng tayo, 1, 2, 3, Huuubbaaadd!
After a while
BOY: What’s that?!?!?
GIRL: Well just like yours fafa.

  •