Archive for 13 May, 2011

Aylabit

Lab lab lab ko ang bagong throw pillow covers ko sa living area namin. Na-shoplift ko ‘to last week sa isang korean store sa halagang 30 petot bawat isa.

O di vah, halata ba na walang kahilig-hilig sa matitingkad na kulay si Mamaru?

DSC03179_2

“Cute” daw sabi ni Keziah na pinakiusapan kong maglagay ng mga cover.

Pero kay Kevin, aprub ba ang mga nabili ko? Nagtanong pa ang mokong bakit daw ako pumili ng mga ganitong kulay. “Bakit?” tanong ko. Sagot ng kritiko ko, “Eh kasi parang Jolinang-jolina ang dating eh.” Haha! Namintas pa ang Kevintot. Hmp!

 DSC03176_2

Bucket bah! Eh gusto ko lang naman magkaroon ng bale accent (accent daw o!) ang living area namin. Para madagdagan ang sigla bagah.

DSC03178_2

Maganda naman di ba? Haha!

 

 

oOo

"Nakakapagod magtaray. Dapat pumapatay na lang eh" – Eugene Domingo, Ang Tanging Ina Mo… Last Na ‘To (2010)

 

.

Sayang Pero Tama Lang

vic and pia Ala ey! Engaged na pala si Pia Guanio sa non-showbiz bf nya. Nabasa ko lang naman ‘to kanina.

Tsk! Sayang yung matagal na relasyon nila ni Vic Sotto ha! Boto pa naman ako Pia dahil tingin ko ay labs na labs ni Pia si Vic at mukang aalagaan nya talaga si Bossing. Pero tingin ko lang naman yan ha! Di ako sure sa sinasabi ko kasi hindi naman nila ako kasa-kasama sa relasyon nila at hindi rin nila ako ini-inform lagi. Lol!

Pero tama lang yun! Na kumalas na ang babae at tuluyang nag move on na. Bakit nga ba naman sya maghihintay at magtitiyaga kay Vic Sotto kung hindi rin naman sya mapanindigan. Mahirap magkaroon ng relasyon na walang patutunguhan. Sayang ang araw eh ang iksi-iksi na ng buhay ngayon. Ano naman gusto ni Vic Sotto, bf-gf lang sila habambuhay? Ganun?

Howel, malamang sa totoo, hindi lang talaga sapat ang lab ni lalaki kay babae. Ganun lang naman yun. Pag mahal mo ng totoo ang tao at gusto mo makasama habambuhay – all you have to do is DECIDE at manindigan. Wala ng pero-pero pa.

Via: http://ph.omg.yahoo.com/blogs/omgphnewsblog/pia-guanio-engaged-businessman-boyfriend-020737510.html

 

 

oOo

"For once… for once lang… ipaglaban mo ako" – Sharon Cuneta, Walang Kapalit (2003)

 

.

SMS Jokes 2011-201

Magkaharap sina Adan at Eba nang biglang tinigasan si Adan.
Pareho silang nabigla sa nangyari, kaya biglang sumigaw si Adan, "Tabi ka riyan, hindi ko alam kung hanggang saan ito tatama!"

Ang card ni Juan..
INAY: “Juan, bakit may red color ang grades mo?”
JUAN: “Naubusan kasi ng black ballpen ung titser namin eh.”
INAY: “Ui! May apat na ‘F’ dito ah… Ano yun?”
JUAN: “Inay, ang meaning po nun ay FASADO.”
INAY: “Aah, akala ko pa naman FERFECT!”

Pagalingan sa Espada
CHINESE: “Hyaaaah! Patay agad ang langaw.”
HAPON: “Hyaaaah! Putol ulo ng langaw.”
PINOY: “Hyaaaah! Lumipad ang langaw.”
CHINESE at HAPON: “Haha… Bobo ka pala eh!”
PINOY: “Ha! Papatayin pala akala ko tutuliin lang!”

Read more

Thursday Thought

DSC03019

Napagod ang Mamaru. Dahil sa daming tanggap na labada ng lola.

When Shopping For Insurance

When shopping for policy and with over hundred of insurance company policies on the market, it is suggested that one smart  move to do  is  always get quotes  from  companies at least then compare. Each insurance company has different benefits, premiums and application requirements thus, it really pays to do comparison shop.  You like to receive an accurate term life insurance quote? Wholesaleinsurance.net will provide you, help you meet your insurance needs. Visit the website for more details.

SMS Jokes 2011-200

NEWSBOY: “Dyaryo kayo dyan! Dalawang bading ang naloko! Diyaryo! Diyaryo!”
BAKLA: “Hi! Pabili nga ng diyaryo! Magkano?”
NEWSBOY: “Twelb pesos po.”
BAKLA: (ginalugad agad ang diyaryo) “Hoy! Wala naman akong mabasang dalawang bading na naloko dito ah!”
NEWSBOY: “Diyaryo! Diyaryo! Tatlong Bading ang naloko. Diyaryo kayo dyan!”

LOLO: “Kuhaan mo nga ako ng ice cream sa ref.”
LOLA: “Ok.”
LOLO: “Tandaan mo, wag ulyanin, ice cream ha?”
LOLA: “Oo ice crean. Gusto mo ba ung Mango flavor.”
LOLO: “but of cors.”
Pagbalik ni Lola.
LOLA: “Eto na ang hotdog.”
LOLO: “Sabi na nga ba, ulyanin ka na e!”
LOLA: “Bakit?”
LOLO: “Asan yung ketsup?”

Nipa hut, even though it is small, the plants there are various. Turnip and eggplant, winged bean and peanut, string bean, hyacinth bean, lima bean. Wax guard, loofah, white squash and pumpkin. And there are also radish, mustard, onion, tomato, garlic and ginger. And all around are full of sesame seeds.
BAHAY KUBO
Uyy! Babasahin nya uli yan. Titingnan nya english ng mga gulay. :p

Habang tayo’y nabighani sa ganda ni Kate, humanga at namangha sa marangyang kasal, huwag po nating kalimutan..
SUPOT SI PRINCE WILLIAM!

** All of the above SMS Jokes courtesy of MIKE.

Isang bahay may nakasulat na “Ice for sale”
BATA: "Pabili!"
YAYA: "Ano bibilin mo?"
BATA: "Kendi nga po."
YAYA: "Wala."
BATA: "Coke"
YAYA: "Wala!"
BATA: "Juice"
YAYA: "Wala nga! Kita mong "Ice for sale" yung nakasulat, malamang Ice lang tinitinda namin!! tanga mo talaga!"
BATA: "Ikaw nga ung mas tanga kita mong ice lang tinitinda nyo nagtatanong ka pa kung ano bibilhin ko tanga!"

QUESTION and ANSWER portion.
HOST: "Miss Bulgaria!"
MISS BULGARIA: "Yes?"
HOST: "How old are you?"
MISS BULGARIA: "Im 20 years old."
HOST: "What would you be expecting after 5 years?"
MISS BULGARIA: "I`d be 25."

Read more

Testi

Nagsinungaling ako.

Ang totoo, mami-miss ko ang Friendster na magsasara na sa May 31. Sino ba naman ang hindi makaka-miss sa naging uso noon na “testi”. Mga testimonials na punong-puno lang naman ng ka-charotan at ka-eklatan. Haha!

testi

Heto ang mangilan-ngilan sa mga “testi” sa akin noon galing sa mga may “testicles” kong mga ka-Friendster.

Current mode: Aliw!

1. Duanne May 12 2005, 08:03 AM

>>> cErtiFieD hOtcHicK <<<
"kayA aLL thE bOys Out dEr
yOu beTteR watcH Out diS girL
bEcaUsE tHis girL caN
rOcK yOur wOrLd haha"
tiLL hErE seXy sEe yAh. . . =D

**You better watch out. Better not cry. Better not pout.  I’m telling you why. Charot!

2. joseph calvin Jun 18 2005, 08:17 AM

to someone who is very mysteriuos……..
always take care………

**Pa-epek ko lang yan! Ang magpa-mysteriUOs.

3. John Aug 16 2005, 02:16 PM

Deep woman — Sexy picture.
Home to get to know you and hear from you very soon have a nice day —
and keep on being so sexy!

**Home to know you as well. Home sweet home!

4. owyeahhh Aug 26 2005, 06:37 AM

But friendship is precious, not only in the shade, but in the sunshine of life; and thanks to a benevolent arrangement of things, the greater part of life is sunshine.
see yahh… ms sexy :)

**Syet! Anong sinabi ng Ocean Deep sa lalim ng message?!

5. jyetti Nov 19 2005, 08:20 PM

makes us go hot nd hwny……. she can make men become her slaves

**(Maru – may hawak-hawak na LATIGO habang binabasa ang testi.)

6. POLDO May 15 2006, 10:31 AM

Hi. Ms. maruja.
actually di ko sya kilala personally..
kahet nakilala ko sya as ganun.
nakita ko naman sa kanya ang kabaitan nya.
i like her as my ka friendster
and i love her BLOG napaka inspiring at
malapet sa PUSO….
thank you for adding me here.
i hope na maging ok ka always…
and be happy.
take care always at sa iyong mga children…
Happy Mother’s DAY

**Me ganun? Anong ganun? Wag naman ganun. Hindi naman kita ginaganun. Tapos gaganunin mo ko? Sana wag tayo mag-ganunan.

7. Vincent I Jul 15 2006, 07:13 AM

C ms. maruja dati ko pa ina-admire! una ko pa lng naka usap sa chat at nakita sa webcam.sobra me natulala at natahimik sa kinauupuan ko sa office. 100%
—-C-E-R-T-I-F-I-E-D—-hot chick!

and now, nalaman ko sa testimonials na 100% real and good mommy for her children..
sana makilala pa kita ng lubusan maruja!!
thanks po uli…til next testi po….c",)

**Hmnn..natulala? Akala siguro, isa akong bakla. Oist! 100% chick ako noh at 100%  certified HALAL pa! Lol! Parang beef burger lang ako – 100% real. Chos! 

8. cali Jan 30 2007, 08:01 AM

c maru tagal ko ng nakilala sa chat yan.. grabeh sarap kasma sa chat walang ka boring boring kadalasan wala ng kainan basta busog ang mata nyahaha joke :p di very friendly tong c mamaru hay nakew maru wala akong masabi hehehe basta wag ka lang mamaru hirap gumawa ng testi erase mo na lang :D

** Onga! Halata naman, wala kang masabi. (Nahilo)

9. nE!L Feb 15 2007, 02:31 PM

maru?
shes malufet.. maganda sexy!! wala ka nang mahanap pah!!>. grabe talagah yan!! at mabait… pag sa chat… d ko pa siya na meet peru i think im in luv nah… cge ingat nlng maru… miss u soo much….

** Grabe talagaH ha!

10. Chester Feb 18 2007, 05:30 PM

Maru Maru Maru… she’s awesome girl!!! flawless at nice. Hope u still remember me. Mizz yah maru medyo bz na sa work kaya e2 d na rin ol. just take care. mwah tsup…..:D thanks 

** Mwah na! Tsup pa! San ka pa!

11. arthur Apr 10 2007, 04:05 PM

hi maruja..you are one wonderful gurl.. how i wish i will be able to meet you..
M – Magnificent woman i long to meet
A – Angelic yet devilish in love
R – Ravishing beauty beyond compare..
U – Unparalled by anyone on earth
J – Joy to behold when you see her..
A – Athena of my fantasy
that’s you maruja.. take care my love..

** You had me at “ravishing beauty beyond compare”. (Tumambling!)

12. Paolo Apr 28 2007, 03:56 PM

Hi Miss Maruja,
Sa pics pa lang napakasexy na.. Siguro sa personal talaga sexy ito.

** O ha! Marami talaga akong nauto ha!

13. Aristotle May 26 2007, 10:28 AM

hi maruja, thanks for adding me ha! i know i’ll be in the company of someone who see’s life as a game, a play. yet, inspite of that outlook yuo have that quality of being a true person, you have that creative side that draws other people, either by mysticism, poetry, charm, fun or simply foolishness. I’m glad that i have found you! you are a symbol of life…. ha ha ha!

**Hanudaw? (Blag! Hinimatay.)

14. Bay Garden Sep 05 2007, 03:06 AM

Thank you very much for adding me. Sorry I am not well versed with the various beautiful and animated testi I see with others. Anyway a heartfelt thanks for your friendly gesture. I am sincerely offering any form of assistance with my professional background in sales, marketing, legal, etc. Basta kaya ko, just email me asap sa webbiz_ph@yahoo.com. Madami akong alam gawin at lakarin!

** Nenerbyos ako. Akala ko noon bebentahan ako ng memorial plan at sa dami nyang alam gawin, kulang na lang sabihin na hitman for hire din sha.

15. A?? -jc-sfxlx07 Oct 24 2008, 09:39 AM

Mucha’s graciA’s sexy maMaru”’ this girl represents the passion of a real woman… in this world no else can take you away if u truely love this person! maruja is a very passionate woman simple, but erresistable… & you can count on always… kind, sweet, understanding… if you guy’s give her a head pls step back ok!… coz she’s very… intimate woman ehhehe… keep safe Always… james hir… mwahhhhhhhh hope you like this song…

** ”…if you guy’s give her a head pls step back ok!…” <— mamatay man, nalukring ako dito.

16. A?? -jc-sfxlx07 Dec 05 2008, 09:44 AM

I LOVE YOURE PICTURES… LUK GREAT… KEEP SAFE… JAMES HIR

** “…luk great, keep safe, …”, in fairness parang nag-rhyme naman.

oOo

"No speak, because the people have speaken!" – Vic Sotto, Pak! Pak! My Dr. Kwak! (2011)

From My Keziah

An artwork…“portrait” ni Mamaru, pinadala sa Gmail galing sa unica hija kong si Keziah. Pang-Mother’s Day artwork niya sa akin. Hehe! Di ko napigilan mangiti kasi yung gupit ng hair ko ngayon ay kuhang-kuha dito sa drawing nya. At ang payat ko dito ha! Eyelabit! Kunsabagay, nabawasan din talaga ako ng timbang. Higit sa lahat, natawa ako kasi naka-dress nga ako pero naka-tsinelas naman. Howel, ang totoo ay madalas kasi naka-tsinelas lang talaga ako. (Mas kalurkey naman kung nasa bahay lang naman ako tapos naka-heels lagi?!)

 Picture-2 (1)

H A P P Y  M O T H E R’s  D A Y

 

oOo

Ang Mother’s Day Ng Single Mom

single parent Mother’s Day na bukas. Eto ang isa sa mga "special day" ko (kasama na yung Valentines Day at Birthday),  na madalas ay mas gusto kong sana ay lumipas na lang agad.

Ang Mother’s Day para sa isang single mom na gaya ko ay kung tutuusin ay wala naman masyadong pinagkaiba sa ordinaryong araw. Walang mister/boyfriend na makikita na magpapaka-aligaga para ipaghanda ako ng kunyari isang breakfast in bed, walang inaasahang surprise gift, flowers o card,  at wala din naman akong inaasahang magte-take over sa daily routine ko bukas.

Gustuhin ko man na mapa-iba ang araw ko bukas, halimbawa eh bigyan ng regalo ang sarili ko, (hmmmn…iniisip ko, bagong iPad kaya? Charot!) o kaya i-treat ang wankata ko ng kahit simpleng body massage sa SPA clinic ay isang malaking HINDI PWEDE. Bummer, kasi kelangan isantabi muna ang pampering at kaartehan na yan dahil nalalapit na ang pasukan sa school ng mga junakis ko. Tiyak umaatikabong gastusan na naman ang darating at kelangan paghandaan ni Mamaru. Eh mas importante naman yun sa akin noh.

Heniways, sa loob ng 20 years ng pagiging single mom ko, sinubukan ko rin naman noon na ayain ang mga bagets ko na kumain sa labas para mag selebreyt kuno. Kaso sa totoo lang, parang hindi ko nalalasahan ang kinakain ko at para bang the sentiment is lost ng Mother’s Day ko pag ako rin ang nagbabayad ng bill pagkatapos ng lafang namin. Haha! Ewan ko ba, pakiramdam ko nawawala ang pagiging special ng araw pag ako ang gumagastos. Haaays…buhay-single mom nga naman.

Pero don’t get me wrong ha. I hope hindi ako tunog-ampalaya o bitter. Ang point ko lang naman dito ay…ang Mother’s Day para sa amin na mga single mom ay medyo naiiba – pero slight lang naman. O baka sa akin lang. Hehe!

Siempre, happy at kinikilig din ako pag binabati o hinahalikan ng mga anak ko sa Araw ng mga Madir. Oo naman, hindi naman ako ingrata at alam kong mas dapat kong isipin na I am blessed. Sabi ko nga, pinagpala ako pagdating sa mga anak. I have awesome Kevin and Keziah sa buhay ko.

Fact of life, hindi lahat ng babae ay pwedeng magbuntis. Hindi lahat ng babae ay nabibiyayaan ng anak at hindi lahat ng nanganak ay pwede tawagin na INA. Hindi lahat ng tao ay may nabubuhay na may kasa-kasama pang nanay hanggang sa ngayon. Ang pagkakaroon ko ng dalawa at hindi lang isang anak ay isang malaking biyaya na sa akin. Isip-isip ko, siguro nga ay sapat na yun na maging rason para gunitain ko rin kahit sa simpleng paraan ang importansya ng Mother’s Day bukas.

Kaya magmukha man akong trying hard, I will celebrate my day tomorrow. At kung paano? Alaws pa akong idea. Well, bahala na si Batman!

proud single mom

Paano Naimbento Ang Salitang BOOB

Ganito lang yun ka-simple.

 

boob

 

 

oOo

"May ganda naman ang Mommy mo… kaya lang… hindi pa uso. Pero may ganda!" – John Lapus, Who’s That Girl (2011)

 

.