Avocado Toast

Na-try nyo na ba ‘to?

Juice ko! Eto ang brekky ko ngayon. Pagka-lafang ko, ensigueda eto ang nasambit ko: “Lord, nasa langit na ba aketch?” Charot! 

Wa istir, di ko akalain na magugustuhan ko ‘to. Havey na havey para sa akin (o baka naman gutom lang ako). Lol!

avocado toast

Kalahating avocado lang naman ang need mo. Tas mga dalawang pirasong tinapay, kahit anong tinapay. Toasted bread ang meron si Mamaru kanina.

avocadotoasted bread 

Ganito lang: slice da avocado in chunks, make patong-patong sa bread, tas sprinkle it with S & P (salt and pepper). Yun na yun!

avocado toast sprinkled with salt and pepper

Pagka-lami gayud! (Ang sarap talaga!)

avocado toast

Pero kung ayaw mo naman ng chunky dahil nuknukan ka ng arte, pwede mo rin i-mash at i-spread.

mashed avocado spread

Mapapadalas ang paggawa ko neto kasi mura lang naman dito sa kuta namin ang avocado. Ideal din ‘to na pang snack para sa mga health-conscious o kaya sa mga nagda-diet.

avocado spread in a toast 

Masarap na. Nutricious pa! San ka pa?! Chos!

 

 

oOo

Thursday Thoughts

DIY Project: Deco Vase

One reason for me to smile today. Ang makita ang mga ‘to…

DIY flower vases

Kinilig ako dito sa project kong ‘to. Gawa ‘to ni Mamaru na sinimulan noong weekend.

Re-styled recycled bottles parang maging flower vase na pwedeng pang-dekorasyon o centerpiece sa mesa. Marami akong naipon na mga bakanteng bote ng ketchup at oyster sauce. Bukod sa pwede silang ibenta sa mga magbobote aba eh pwede rin pala mapakinabangan para sa ibang bagay ang mga itetch.

DIY deco bottles

May nakita na akong ganitong kaartehan sa isang magazine at dun ako nagka-inspirasyon na gumawa din. Kaso dun sa mags, spray paint ang ginamit.

Since wala akong spray paint at ayaw kong bumili at gumastos pa, yung mga naitabi kong tirang pintura na lang noon ang pinagdiskitahan ko. Nakatiwangwang din lang ang mga yun sa likod ng bahay ko.

Konting pintura lang naman ang kelangan. Halos mga 3 kutsara lang ang ilalagay bawat bote then you make ikot-ikot da bote na hanggang  sa mapinturahan ang buong loob.

 recycled bottles

Ayan, mukha na silang mga milk bottles. Hihi! Ibinilad ko sa araw ang loob ng bote for one day.

painted bottles

Kanina pagkagising, mega pitas-pitas naman ng mga ligaw na bulaklak sa labas ang Mamaru.

decorative vases

Voila! 😛 Cute naman di ba?

 

 

Source: etsy.com via Maru on Pinterest

SMS Jokes 2011-219

Mga Salawikain ni Aling Dionisia:

Ang di lumingon sa pinanggalingan, natulala sa aking kagandahan.

Aanhin pa ang droga, kung sa akin pa lang naadik na sila!

Ang taong walang kibo, crush ako!

Madali ang magpacute, mahirap maging cute!

Bakit kailangan pang magsimba kung nasa harap mo na ang dyosa!

ALING DIONY: (kumakanta)
ERAP: “Mareng Dionesia, alam mo ang ganyang boses, mahirap mapulot yan..”
ALING DIONESIA (natuwa): “talaga? Bakit naman?”
ERAP: “basag eh!”

Nagtalik sa motel ang magsyota:
BF: “Hindi mo muna ako makikita.”
GF: “Bakit? Huwag mo ko iwan! Mahal na mahal kita hndi ko kaya mawala ka!”
BF: “Tange! Patalikod naman!”

A girl and her parents were having dinner.
The little girl said, "Daddy, you’re the Boss, aren’t you?"
The Dad smiled, pleased, and said yes.
The little girl continued, "That’s because Mummy put you in charge, right?"

Continue reading

Comfort Food: Fudgy Brownies

Sumasadsad ang pakiramdam ko ngayon. Sumasayad sa sobrang baba. Sa ingles, I’m feeling down and low. Feeling ko aping-api ako ngayon. Chos!

Eto ang panahon na naghahanap ako ng kakampi, ng taong pwede ko dakdakan ng detalye ng mga angal ko sa buhay. Mga angal na wish ko lang ay may napagsasabihan sana ako – may katuturan man o wala. Yung tipong no holds barred na pagrereklamo bagah. But since I don’t have anyone to turn to…pinagdiskitahan ko na lang ang paggawa ng isang maituturing kong comfort food ko –

Fudgy Brownies.

fudgy brownies

Bukod sa crying, therapeutic din sa akin ang baking. Hindi man makakapagbigay ng deretsong solusyon ang fudgy brownies kong ‘to sa mga pinagdadaanan ek ek ko ngayon …kahit papano ay napapagaan naman ang loob ni Mamaru. 

fudgy brownies

Kaya naman, I want to thank MYSELF for everything. Hahaha! For being there when I needed ME most. For helping me not to be scared. And for drying up my tears. For catching when I see ME falling. And for always knew how to turn my frown upside down. Naloko na! Tunog may sayad na yata ako. Halata na bang bumibigay na ako? Hehe!

fudgy brownies

Heniweys, subukan nyo ‘tong brownie recipe. Tsalap-tsalap sya. 30 minutes lang ang baking time.

fudgy brownies   

Ganito talaga ang gusto kong brownies…fudgy.

fudgy brownies 

INGREDIENTS:

  • 1/2 cup butter
  • 1/2 cup Dutch cocoa powder
  • 2 eggs
  • 1/2 tsp salt
  • 1 cup sugar
  • 1 tsp vanilla
  • 2/3 cup sifted all-purpose flour
  • 1/4 tsp baking soda
  • 1/2 cup chopped nuts (any nuts)

Preheat oven to 350F. In a saucepan, over low heat, melt the butter. Stir in cocoa until smooth. Set aside to cool slightly. In a bowl beat the eggs with the salt. Add the sugar and vanilla. Beat until smooth. Fold in the chocolate mixture. Blend in the flour and baking soda. Pour into the baking pan and spread evenly. Top with nuts. Bake for 30 minutes. Cool then cut into bars.

oOo

"Paano ko ibibigay sa’yo sarili ko, when I don’t feel complete?" – Sam Milby, You Are The One (2006)

 

SMS Jokes 2011-218

GORIO: “Anong hayop ang nagsisimula sa letrang "X?"
JUAN:  “Meron ba yun?”
GORIO: “Meron.”
JUAN: “Eh, ano?”
GORIO: “X-wife ko! Hayop yun! Inubos ang pera ko!.”

“Hindi lang ang mga in love ang pwedeng kiligin…
…ang mga umiihi din.”

OLD MAN: “Doc, I’m so upset. I’ve lost one of my hearing aids. Those things cost a couple of thousand a piece.”
DOCTOR: “I think I know where you can find it. You’ve got a suppository in your ear.”

WIFE: “You have changed after our marriage.”
HUSBAND: “I told you before our marriage that I’m not interested in married women!”

QUESTION: Why is a blow job a win/lose situation?
ANSWER: You may have her on her knees but she has you by the balls!

TRIVIA
A man’s testicles manufactures ten million sperm cells each day… enough to repopulate the earth in only six months! NAMAN!

Continue reading

Pinoy VS Chekwa

spratly island Habang kumakain kami ng hapunan noong isang araw, nagdiskusyon kami ulit ni Kevin ng tungkol sa isyu ng Spratly Island. Sa pagkakataon na yun, kasama na sa pinag-usapan namin ang tanong na pag sumiklab ang gyera, sino kaya ang kakampihan ng Amerika? Ang Pilipinas o ang Tsina?

‘Kako, hindi naman sa minamaliit ko ang lahi natin. Pero siempre kung gigyerahin ng mga chekwa ang mga noypi…walang tayong panalo kahit pa ipinagsisigawan noon ng singer na si Bamboo na may anting-anting at agimat ang dugo ng Pinoy.

MARU: "Sus, sa laki ng population ng mga chekwa…outnumbered tayo. Palagay ko nga, mula China pag napagtripan nilang lahat ang magsabay-sabay umihi doon…eh wala na, olats na tayey! Sa ihi pa lang nila ay baka bahain at magka-tidal wave na dito sa Pilipinas!" (exajs!)

Dagdag ko pa, ano naman ang gagamitin natin sa digmaan laban sa mga singkit? Sumpak? Eh yung mga pambili natin ng mga modernong sandata at mga sasakyan pang-digmaan ay nawaldas na ng mga Euro Generals noon. Napunta na rin ang milyon-milyon na datung natin as PASALUBONG at PABAON lang ng mga nyetang AFP Generals natin na ang kakapal at papangit naman ng mga pagmumukha!

Kelangan talaga natin ng kakampi. Sana nga ay panigan tayo ng ‘Merika kung sakaling magkarambulan. Hehe! Pero bakit naman tayo mas kakampihan ng mga kano laban sa mga chekwa?

Nakapag-imagine na lang tuloy kami ni Kevin ng anik-anik mula sa tanong na…ano kaya kung  naging isa na lang tayo sa mga states ng ‘Merika?

MARU: "Naku! Sana nga nasakop na lang tayo. O di ba, eh dollars sana ang pera natin ngayon." 😀

KEVIN: "Sus, kung nag pa-under lang sana tayo sa U.S. mula noon, may SNOW na rin sana tayo dito sa Pilipinas ngayon."

MARU: (natameme)

 

Ano kaya ang tinira ng anak ko? Lakas amats!

 

oOo

"Bakit ba mainit ang ulo mo? Tine-ternohan mo ba ang panahon?" – Joy Viado, BFF: Best Friends Forever (2009)

.