Bombshell Of All Time

Kung siguro hindi agad sinundo ni Lord ‘tong si Marilyn Monroe, 85 years old na sana sya ngayon.(June 1, 1926 – August 5, 1962)

Ewan ko ba, noong nagsabog si Lord ng SEX APPEAL ek-ek na yan, para bang nakatingala talaga sa langit ang babaeng ‘to at nasalo na nya lahat.

(Nangiti naman ako sa tsura ng suot nya dito…ang laki at ang luwang. Parang puro padding lang. Hindi kaya nanghiram lang sha sa suot nyang ‘to?)

marilyn-monroe-158

O ha! Yan ang tunay boobs! Masasabi mong hindi pinagkakitaan ng doktor ang boobs nya.

Kagandang babae talaga neto.

marilyn_monroe_on_long_island_1956

Isang lumang pelikula lang niya ang napanood ko, yung The Seven Years Itch (1955) at ang seksi nya talaga dun!

Sex symbol na kung sex symbol! She’s truly HOT! Bombshell of all time ngarud!

Ini-imagine ko…ano kaya ang tsura ni Marilyn Monroe sa edad na 85? Pag binanggit kasi ang pangalan nya…yung mga ganitong imahe lang ang nagpa pop-up sa isip natin.
 

Marilyn-Monroe

Minsan naiisip ko, OK din pala talaga yung natitigok ang tao na medyo bata pa, kasi ang maaalalang imahe sa isip ng mga naiwan mo ay yung kagandahan pa talaga ng tsura mo. (Yun ay kung may ganda ka nga talaga ha!)
 
Meron naman ibang Hollywood celebrities na buhay pa hanggang ngayon  pero mukang naaagnas na ang mga fez. Hehe!
 
 
 
oOo
 
"Minsan may tao kang mahal, pero kahit ano pang gawin mo, hindi ka nila mamahalin pabalik" – Andi Eingenmann, MLKI (2011)