SMS Jokes 2011-213

Pag sa gabi nakakita ka ng BIG STAR, ihanda ang camera.
Pag mataas, kunan mo, baka VEGA o SIRIUS yun!
Pag sobrang mababa, wag na, CALTEX yun!

Paano sasabihin sa tao na maasim ang amoy nya na hindi sya magdaramdam? SAGOT:”May dugong bughaw ka ba? Ka-smell mo kasi si Datu Puti!”

Basahin sa Alpabetong Pilipino: B, K, W, L, K, M, G, W, P, R, M, S, Y, T, W, K, H, H, H, T, W, P, H, H, H, T, M, N, P, R, K, N, T, NGa!

ZOO.
MAX:"Pare bakit kaya anlaki ng butas ng ilong ng gorilya?"
JUAN: "Kasi anlaki ng daliri nila! Kung maliit butas, paano sila mangungulangot?"

PASYENTE: "Dok, gusto kong PUMOGI pero wala akong pera! May paraan pa ba n mas mura?"
DOC: "Meron!"
PASYENTE: "Paano po?"
DOC: "Tumabi ka sa MAS PANGIT sa yo!"

DODONG: "Doc, totoo bang makakabasa ako kung magpagawa ako ng salamin sa mata?"
EYE DOC: "Oo naman!"
DODONG: "Hay salamat! NO READ NO WRITE kasi ako eh!"

BATA: "Manong, bayad po!"
DRIVER: "Saan to galing?"
BATA: "Sa NANAY ko po!"
DRIVER: "Mukha b kong nakikipagbiruan sa yo?"
BATA: "Sori po, sa TATAY ko pala!"

MAX: "Pare may nagbigay sa akin ng sapatos, ang ganda! Ano kaya TATAK nun? Merong CHECK s gilid at likod!"
JOHN:"Yun lang di mo alam? CHECK TAYLOR!"

TONYO: "Pare, napansin ko na lagi mong kinakausap ang sarili mo! Hindi kaya nababaliw ka na?"
FREDO: "Di naman siguro, kasi di ko naman sinasagot eh!"

ALEX: "Last month, ipinakilala ko ang GF ko sa LOLO kong MILYONARYO!"

SAM: "Anong nangyari? Boto ba ang lolo mo?"
ALEX: "Oo! LOLA ko na siya ngayon!"

RYAN:"Pare, ang misis ko, sinabihan akong ISIP-BATA! Sinigawan ko nga!"

JOJO: "Wow astig! Ano sinigaw mo?"
RYAN:"Hindi na kita bati!"

GF: "Ayoko n sa yo, masyado kang makuwenta!"
BF: "Di totoo yan! Dahil kahit 7 beses kitang nilibre at 8 na beses niregaluhan, di kita binilangan!"

MANUEL:"Gusto kita kunin LAWYER sa KASO ko!"
ATTY: "May pera ka ba?"
MANUEL: "Wala pero may car ako pwede ibayad!"
ATTY: "OK! ano ba kaso mo?"
MANUEL: "CARNAPPING!"

GURO: "Class, sagutin ang bugtong na ito: "Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo."
JUAN:Mam, mam, "BOBO" po!

GURO:"Why are you absent?"
ESTUDYANTE: "Mam, may CARDIOVASCULAR DISEASE po ako!"
GURO: Sige i-spell mo ang sakit mo!"
ESTUDYANTE: "Joke lang po, UBO lang po talaga!"

 

oOo

"Time is meaningless, when you’re in-love" – Noel Trinidad, Miss You Like Crazy (2010)

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge