Balik-Eskwela, Balik-Saya

  • Opisyal ng back-to-school kanina ang dalawa kong amo.
  • Responsable na nga ang amo kong babae, di na ako inaabala sa pag-asikaso ng mga gamit-eskwela nya.
  • Kahapon, kusang inilabas na ang mga lumang uniform nya para plantsahin.
  • Ako taga laba ng uniform nya, sya naman ang taga-plantsa.

DSC03451_2

 

  • Tapos na ang extended hours ng pagulong-gulong namin sa bed sa umaga.
  • Balik 5:30 na naman ang gising namin ni doter.
  • Balik panis-laway na naman ako dahil buong araw na naman akong walang kausap dito sa hauslalo.
  • Maririnig ko lang ulit ang sarili kong golden voice sa pag-uwi ng mga amo ko sa hapon. 
  • Pag school days, wa-lunch ang Mamaru.
  • Hindi nakakatuwa ang kumain mag-isa.
  • Dalawang beses na lang ulit ako na magluluto sa isang araw.
  • Mami-miss ko ang pagiging aligaga sa pagluluto ng lunch.
  • Nagpapaka-plastik lang ako.
  • Binabawi ko.
  • Hindi ko mami-miss ko ang pagluluto ng lunch.
  • Kunyari lang.
  • Charot lang.
  • Saya ko kaya. šŸ˜›

 

oOo

"Aanhin ko naman ang magandang buhay kung hindi ako masaya?" – KC Concepcion, When I Met U (2009)

2 thoughts on “Balik-Eskwela, Balik-Saya

  1. nalulungkot na ako sa part na namimiss mong magluto ng lunch, biglang binawi haha šŸ™‚ mas masaya nga naman bumili na lang, wala ng hassle šŸ™‚

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @zaizai, balik skyflakes na naman ako. Skyflakes…malutong kahit paa ang ipatong. šŸ˜€

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *