Anak ko, Napapariwa?

Si Kevin ko. Bente anyos. Panganay. Nag-iisang anak kong lalaki.

Kevin

Pogi. Gwapo. At wala kang pakialam kung purihin ko. Nanay ako. 😛

Kevin Poo

Isa sa dalawang anghel ng buhay ko.

Kevin The Archangel

Ang heartthrob ko.

Kevin Bubuyog

Proud ako sa anak kong to. Walang masamang bisyo. Hindi umiinom ng alak. Hindi naninigarilyo.  Matalino. Maayos na nag-aaral. Hindi pasaway. At higit sa lahat kengkoy!

Flying high Kevin

Frisbee, soccer at basketball ang mga sports na kinalolokohan.

Green-haired Kevin

Marunong pumili ng barkada.

Oks na oks talaga tong unico hijo ko.

Kaso. . .

.

.

.

.

Ano toooooooo?

Waaaaah! Ang anak ko! Napapariwara yata!

Kevin naka-tupis

Wahahaha! ‘Kingina! Muntik na ako himatayin sa katatawa nang pinakita nya sa akin ang mga piktyurs na to.

Mga kuha to noong minsan na nag-outing ang Frisbee team nila bago natapos ang summer.

Kevin en Prends

Kaya naman pala nanghiram sa akin ng tupis. May katarantaduhang-gimik pala silang naiisip ng mga ka-team nya habang naglalaro ng Frisbee.

Kevin

Labas brip! Tragis talaga! Nakakalokah tong anakis ko.

Kevin

Hahaha! Impernes, flawless ha!

Saan kaya natutong mag-pose tong anak ko?

Hindi ko naman tinuruan at hindi ko rin masasabi na sa akin nagmana.

Ako feh!

ang madir

Ako feh! Ako feh, na walang kahilig-hilig mag-pose! Susme! Ano ba pruweba nila? 😀

 

 

oOo

"Nung minahal kita, isa lang ang ginusto ko para sa’yo. Ang maging masaya ka, para maging masaya tayo" Claudine Baretto, MILAN (2004)

9 thoughts on “Anak ko, Napapariwa?

  1. haha kala ko kung anong napariwara naman, buti naman joke lang 🙂

    ang sexy ni kevin ha, at cute nga! dalasan mo nga pag lagay ng pics nya hotmamamaru, naging crush ko na sya e 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.