Usap 013

 

K U P S : “mga babae di maintindihan.”
K U P S : “pag sinabihang i love you, ayaw maniwala…pag di naman sinabihan, sasabihin di sila mahal.”
M A R U : “eh ganun talaga.”
M A R U : “eh kasi babae.”
K U P S : “babae ka nga.”
M A R U : “mamahalin nyo ba kami kung naiintindihan nyo kami?”
K U P S : “dapat babae ang 8th wonder of the world eh.”

Oists! Kayong mga lalaki, sa presinto na lang kayo magreklamo. Kung ako nga mismo di ko maintindihan pagkababae ko (nananaig kasi ang pagka-bakla ko minsan), kayo pa kaya?
Pero sorry na lang, um-agree na lang kayo, ang naturalesang pagiging krung-krung namin, yan ang mas lalong nagpapasarap sa aming mga girlash. 😛

Kaya naman mas lalo kaming napapamahal sa inyong mga betlogins ay dahil walang sinabi ang Calculus kung hirap o pagiging kumplikado din lang ang pag uusapan para maintindihan kami. You guys, simply love challenges, di ba?

Uyeh! Panahon na nga siguro na mapabilang kami sa totoong 8th Wonder of the World.

 

 

oOo

“Lalake lang ‘yan… malayo sa bituka” – Empress Schuck, BFF: Best Friends Forever (2009)