Preparasyon

Bago ako natutulog sa gabi, iniisip ko na muna kung ano ang lulutuing almusal kinabukasan. Mentally, kelangan may preparasyon na ako sa mga gagawin pagkagising. Nahihiya kasi ako sa mga amo kong bagets pag nale-late sila sa school pag hindi ako agad nakakapag-luto ng almusal. Tsaka mahirap na, hindi ko pinapangarap na masisante as dakilang longkatots nila, teh!

Nai-post ko na dati ang recipe sa paggawa ng homemade longganisa. Klik nyo na lang kung interesado kayo.

Heniweys, eto balik-diskarte na naman ako kung paano mapapagaan ang buhay ko at kung paano maging petiks lang sa pinakamamahal kong bokasyon – ang maging ina.

Weekend pa lang…inihahanda ko na ang mga ganito – paggawa ng longganisa at mag stock sa ref.

 longganisa

Mas gusto ko talaga ang gawang-bahay lang na longganisa at tocino kasi mas malaki ang natitipid ko. I can save almost 50% sa presyo kumpara dun sa mga komersyal.

Naubusan ako ng wax paper para pambalot ng longganisa ko nung weekend…and since diskarte queen aketch…pinilas-pilas na cellophane na lang ang ginamit ko.

longganisa

Once a month lang ako gumagawa ng longganisa at once a week ako nagluluto nito kasi ayaw ko naman purgahin ang mga amo ko sa paulit-ulit na longganisang ulam sa isang linggo.

homemade longganisa

Kayo? Anong preparasyon ang ginagawa nyo? Paano kayo bumuo ng meal planning na swak lang sa budget? Share naman!

 

oOo

"Ang hirap pala, kasi habang tumatagal, lalong bumabalik lahat-lahat ng pagmamahal ko sayo, pero lahat din ng galit"Aga Muhlach, In The Name Of Love (2011)

.

5 thoughts on “Preparasyon

  1. pic pa lang parang nalalasahan ko na ang special longganisa 🙂 kahit araw araw ganyan ulam ok lang sa akin 🙂

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Masarap talaga yan, Zai. Pero mas masarap ang Mamaru shempre.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *