Pinoy VS Chekwa

spratly island Habang kumakain kami ng hapunan noong isang araw, nagdiskusyon kami ulit ni Kevin ng tungkol sa isyu ng Spratly Island. Sa pagkakataon na yun, kasama na sa pinag-usapan namin ang tanong na pag sumiklab ang gyera, sino kaya ang kakampihan ng Amerika? Ang Pilipinas o ang Tsina?

‘Kako, hindi naman sa minamaliit ko ang lahi natin. Pero siempre kung gigyerahin ng mga chekwa ang mga noypi…walang tayong panalo kahit pa ipinagsisigawan noon ng singer na si Bamboo na may anting-anting at agimat ang dugo ng Pinoy.

MARU: "Sus, sa laki ng population ng mga chekwa…outnumbered tayo. Palagay ko nga, mula China pag napagtripan nilang lahat ang magsabay-sabay umihi doon…eh wala na, olats na tayey! Sa ihi pa lang nila ay baka bahain at magka-tidal wave na dito sa Pilipinas!" (exajs!)

Dagdag ko pa, ano naman ang gagamitin natin sa digmaan laban sa mga singkit? Sumpak? Eh yung mga pambili natin ng mga modernong sandata at mga sasakyan pang-digmaan ay nawaldas na ng mga Euro Generals noon. Napunta na rin ang milyon-milyon na datung natin as PASALUBONG at PABAON lang ng mga nyetang AFP Generals natin na ang kakapal at papangit naman ng mga pagmumukha!

Kelangan talaga natin ng kakampi. Sana nga ay panigan tayo ng ‘Merika kung sakaling magkarambulan. Hehe! Pero bakit naman tayo mas kakampihan ng mga kano laban sa mga chekwa?

Nakapag-imagine na lang tuloy kami ni Kevin ng anik-anik mula sa tanong na…ano kaya kung  naging isa na lang tayo sa mga states ng ‘Merika?

MARU: "Naku! Sana nga nasakop na lang tayo. O di ba, eh dollars sana ang pera natin ngayon." 😀

KEVIN: "Sus, kung nag pa-under lang sana tayo sa U.S. mula noon, may SNOW na rin sana tayo dito sa Pilipinas ngayon."

MARU: (natameme)

 

Ano kaya ang tinira ng anak ko? Lakas amats!

 

oOo

"Bakit ba mainit ang ulo mo? Tine-ternohan mo ba ang panahon?" – Joy Viado, BFF: Best Friends Forever (2009)

.