Ayoko na pagtuunan pa ng pansin o ibuhos ang loob ko sa pakikipag-relasyon. Kasi mula bata pa, mula noong matuto ako magmahal…pansin ko hindi talaga ako pinapalad.
Kulit ko naman kung hanggang ngayon at sa pagkahaba-haba ng panahon ay magpipilit pa rin ako na magkaroon ng mga relasyon chuwariwariwap na yan, di vah? Suko na ako. Ayoko na maging matigas pa ang bungo ko sa mga bagay na alam kong lagi naman akong OLATS.
Aktwali, hindi lang sa relasyon. Pansin ko kahit sa mga pa-raffle ek ek, sa lotto, sa pusoy, sa Lucky 9, sa Bingo, sa Jack Stone, sa sungka, o kahit anong laro, sugal at pustahan…hindi rin ako maswerte.
Ang pakikipag-relasyon ay parang sugal din daw. Araguyy! Kaya siguro hindi din ako nananalo. Hays…bakit kaya pagdating sa relasyon, salat na salat ako sa goodluck? Why oh why? Charot!
Heniweys, tama na siguro yung nagseryoso ako sa pinasukan kong mga relasyon noon. Yung nagmahal ng hebigat at todo-todo talaga. Hindi man ako nabigyan ng tsansa o sinuwerte, well, marami naman akong natutunan. Bleh!
Ayoko na kumplikahin pa ang buhay ko. Walang masama sa pagiging singol poreber. Masarap ang maging simple. Masarap ang buhay na payak. Masarap ang magkaroon ng katawan na tama lang sa luho. Masarap ang magkaroon ng maraming oras. Masarap gumising sa umaga na hindi puyat dahil mahimbing ang tulog mo sa gabi bunga ng walang bumabagabag sa isip at ipinag-aalala.
Mabait ang Diyos. Hindi man ako swerte sa relasyon, dito siento por siento naman ako masuwerte — sa pagkakaroon ng mga anak!
Dito na lang siguro ako magpo-focus dahil dito mas lumulutang ang talent ko at ang abilidad ko. Dito mas na-appreciate ako, at ang pagkababae ko — sa pagiging INA.
oOo
"Kahit hindi tayo meant to be, eh ano? Make a mistake with me. Malay mo, maka-tsamba ka sa maling choice" – Janus Del Prado, I Do (2010)








