Dear DJ

 

From Dj milan

Ms maru pd b malaman recipe ng fresh lumpia by timpla tnx

 

Dear Dj Milan,

Pansamantalang pinuputol ko muna ang pagiging bisi-bisihan ko ngayon para pagbigyan ka sa request mong Fresh Lumpia Recipe ng TIMPLA Cookbook. Kita mo naman, kahit inabala mo ko sa kasulukuyan kong pagpapayaman ay OK lang. Yun ay dahil sa mahal ko mga readers ko – mahal kita. Charot! Hihi! Oks lang uy!

Eto na po, with matching kodak pa ha. Hindi ko pa nasusubukan ang gumawa ng fresh lumpia, hopefully balang araw ay makapag-try din nito.

fresh lumpia by TIMPLA

FRESH LUMPIA

INGREDIENTS:

FILLING

  • 2 tablespoons oil
  • 1 teaspoon garlic,chopped
  • 1/2 piece onion, chopped
  • 1 piece carrot, peeled and cut into strips
  • 250 grams togue
  • 1 head small cabbage, shredded
  • 250 grams tokwa, cooked and cut into cubes
  • 200 grams shrimps, boiled and peeled
  • 3 tablespoons UFC Liquid Genie

LUMPIA WRAPPER

  • 1 1/2 eggs, beaten
  • 2 1/4 cups water
  • 1 1/2 cups all-purpose flour
  • 3/4 teaspoon fine salt
  • 1/2 tablespoon oil

LUMPIA SAUCE

  • 1 1/2 cups water
  • 1/2 cup brown sugar
  • 1 tablespoon cornstarch
  • 4 1/2 tablespoons UFC Liquid Genie
  • 2 teaspoons soy sauce
  • 1/2 head of garlic, chopped

PROCEDURE:

  1. To make the lumpia filling, heat 2 tablespoons of oil in a pan and saute garlic and onions.
  2. Add carrots, togue, cabbage and tokwa. Cook for 3 minutes.
  3. Season with UFC Liquid Genie. Set aside.
  4. To make the batter for the lumpia wrapper, combine eggs, water, all-purpose flour, salt and oil.
  5. Heat a small non-stick pan and ladle out 1/3 cup measure of the lumpia wrapper batter.
  6. Cook one side and then slide out of the pan. Set aside and continue with the rest of the batter.
  7. To make the sauce, combine water, brown sugar, cornstarch, UFC Liquid Genie, soy sauce and garlic in a saucepan. Simmer until the mixture thickens. Set aside.
  8. Measure about 2 tablespoons of vegetable filling per wrapper and top with shrimp. Roll and serve with Lumpia Sauce.

Recipe Source: TIMPLA Cookbook

 

oOo

"Minsan nga lang ako umibig, sa maling tao pa" – Boots Anson-Roa, MINSAN LANG KITA IIBIGIN (2011)

Sir, Tenkyu!

Ang weird ng Facebook account ko.

Minsan kasi tsine-tsek ko ang FB account ko sa selpon ko. At pangalawang beses na nangyari sa akin ang ganito: sa selpon ko, may natatanggap at nababasa akong messages sa INBOX ko, pero pag sinilip ko naman ang INBOX ko sa computer ko…waley! As in wala ang mga messages dun. Kalurks!

Gaya na lang neto…may message sa akin ang isang Mr. Junalabdullah Lami-in. Hindi ko tuloy ma-replayan agad ng pasasalamat kasi hindi ko ‘to makita dun sa PC ko.

From Junalabdullah Lami-in: 1 day ago

Mga 2 weeks na rin siguro akong nagbabasa ng blog mo at di ko talaga maiwasan i-share sa mga officemates and friends kong pinoy. Nakakatuwa kasi.

Nakakatanggal pagod. Kakaiba yung banat mo.

Through your blog, napapasaya mo kaming mga Pinoy dito sa UAE.
Sana tuloy-tuloy pa rin po ang pagpo-post nyo.

Sir, maraming salamat po. Bilibit or not, simple at maiksi lang ang email mo pero kinilig ako. Hindi talaga ako nagsasawa tumanggap at magbasa ng mga ganitong klaseng mensahe. Sana sa susunod ay damihan nyo pa ang pag-email. Hehe! Sensya na, gusto ko lang po mamihasa. 😛 Masarap na kunswelo kasi.

Balik-balik Sampaloc lang kayo dito sa blog ko, sir. Uulitin ko, maraming salamat lalo na sa pagpapalaganap. Harinawa ay magkaroon pa ako ng maraming followers at sana ay maging isang ganap na kulto ang Maruism. Weee!

Hays…sana pag naging ganap na kulto ang Maruism, ay gawin nyo kong diosa. Na ang attire ay naka-pekpek shorts lang at nakasuot ng boots na gawa sa purong balat ng et*ts. Chos!  

 

oOo

 

Friday Thoughts