Sir, Tenkyu!

Ang weird ng Facebook account ko.

Minsan kasi tsine-tsek ko ang FB account ko sa selpon ko. At pangalawang beses na nangyari sa akin ang ganito: sa selpon ko, may natatanggap at nababasa akong messages sa INBOX ko, pero pag sinilip ko naman ang INBOX ko sa computer ko…waley! As in wala ang mga messages dun. Kalurks!

Gaya na lang neto…may message sa akin ang isang Mr. Junalabdullah Lami-in. Hindi ko tuloy ma-replayan agad ng pasasalamat kasi hindi ko ‘to makita dun sa PC ko.

From Junalabdullah Lami-in: 1 day ago

Mga 2 weeks na rin siguro akong nagbabasa ng blog mo at di ko talaga maiwasan i-share sa mga officemates and friends kong pinoy. Nakakatuwa kasi.

Nakakatanggal pagod. Kakaiba yung banat mo.

Through your blog, napapasaya mo kaming mga Pinoy dito sa UAE.
Sana tuloy-tuloy pa rin po ang pagpo-post nyo.

Sir, maraming salamat po. Bilibit or not, simple at maiksi lang ang email mo pero kinilig ako. Hindi talaga ako nagsasawa tumanggap at magbasa ng mga ganitong klaseng mensahe. Sana sa susunod ay damihan nyo pa ang pag-email. Hehe! Sensya na, gusto ko lang po mamihasa. 😛 Masarap na kunswelo kasi.

Balik-balik Sampaloc lang kayo dito sa blog ko, sir. Uulitin ko, maraming salamat lalo na sa pagpapalaganap. Harinawa ay magkaroon pa ako ng maraming followers at sana ay maging isang ganap na kulto ang Maruism. Weee!

Hays…sana pag naging ganap na kulto ang Maruism, ay gawin nyo kong diosa. Na ang attire ay naka-pekpek shorts lang at nakasuot ng boots na gawa sa purong balat ng et*ts. Chos!  

 

oOo

 

Friday Thoughts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.