Sew Happy – (DIY: Scarf Blouse)

O ha! Maniwala ba kayong nagawa ko ang dilaw na blusa kong itetch sa loob ng 3 oras lang kahapon? Wa istir! Short time lang, sir! – 3 hours!

Antutink na hand-sewn ko lang ‘to kasi wala akong pagmamay-aring sewing machine. Kaya nga payagan nyo kong magyabang sa accomplishment kong ‘to kasi kinamay ko lang ang pagbuo nito, kahit simpleng blouse lang ‘to.

Maru In Yellow

Sa halagang 50 petot ay may blusa na ang Mamaru. Kasi tig- 25 petot lang naman ang piraso ng scarf na ‘to.

yellow scarves

Wala akong paper pattern na ginamit. Tantiyahan lang ang ginawa ko sa paggupit ng desinyo. Siempre, sa tulong ng isang tasang kape, gunting, tape measure, needles, pins, thread, kabataan, ganda, alindog at common sense –tagumpay ang proyekto ko. 😛

DIY blouse

Back-stitching lang ang gamit ko para medyo pulido ang tahi. Aynaku, matutuwa ang titser ko sa Home Economics noong high school, kung saka-sakaling malaman nya na hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga turo nya sa akin noon. Nga pala, alam nyo bang ako mismo ang nagtahi ng graduation dress ko noong high school?

backstitching

Well, well, well! Alam nyo naman si Mamaru, hindi lang maraming alam na katalentaduhan na taglay sa kusina…sa kama (kama? ows?)…o sa buhay. Eto nga, may kakayahan din akong magtahi.

Inpak, hindi lang ng damit. Marunong din ako magtahi-tahi ng mga kwento. Joke!

backstitching

Ayan ang malapitan na chura ng back-stitching ko.

DIY scarf blouse

Ang dali-dali lang gawin at tahiin. Like ko ang mga ganitong style ng blouse kasi napaka presko.

DIY scarf blouse

Dyaraaaaan! For P50.00, may bagong pang-rampa na ako sa pamamalengke ko!

Maru In Yellow Blouse

I’m sew happy! As in!

 

oOo

“Ang babaeng hindi natutumba, ay dating konduktora” – Ai Ai de las Alas, Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008)