DIY Project: Liquid Hand Soap

Malakas ako gumamit ng liquid hand soap. Lalo na sa kusina namin.

Kahit sa pagligo, mas gusto ko ang gumamit ng liquid soap. Kasi sabi nga nila eh mas hygienic ek-ek daw ang paggamit ng liquid soap kontra bar soap.

DIY Liquid Hand Soap

Paubos na ang mga liquid hand soap namin. Sa Watsons ako madalas bumibili kasi mas mura. The last time na bumili ako, tig-P99.00 ang isang bote. 😀 Tatlo ang binibili ko para tig-isa para sa 2 bathroom namin at isa naman para sa lababo sa kusina.

Eto yung peborit ko… ang amoy-strawberry na liquid soap. Kaya naman mapapansin sa pic sa ibaba na nangangalahati pa lang yung nasa GITNA kasi inu unti-unti ko lang ang paggamit at baka maubos agad. 😛

Watsons Liquid Hand Soap

Walang Watsons dito sa Iligan City at kinakailangan ko na mag-refill ng liquid hand soap sa may kusina namin. Sa kakuriputan ko…naghanap ako ng paraan para makapag save.

Sa tulong ni bespren Google, nalaman ko kung pwede naman pala gumawa ng liquid soap mula sa bar soap. Tamang-tama naman, may mga naipon akong bar soap na FREE na ikinakabit mula sa ibang produkto pag nag go-grocery ako. Tipid!

Eto ang mga kailangan sa paggawa ng liquid hand soap:

  • 1 cup grated bar soap,(kahit anong brand, depende sa trip mo)
  • 1.5 liter water
  • 1 tablespoon glycerin

Extract Papaya Calamansi Bar Soap

Para mapakinabangan, etong freebie na EXTRACT Papaya Calamansi bar soap na ginamit ko. This is 65 grams. Isang bar lang ang kinudkod ko kasi first time pa lang at bale expirement ko pa lang ‘to.

Grated Bar Soap

Wag kalimutan siempre ang glycerin. Nabili ko ang glycerin na ‘to sa Mercury Drugstore sa halagang P30.25. Ang glycerin ay madalas na sangkap sa mga sabon, shampoo, moisturizers at iba pang beauty products.

Pure Glycerine

Ihalo ang 1 cup grated bar soap sa 1.5 liter na tubig + 1 tbsp glycerin. Isalang sa mahinang apoy lang o kaya sa loob ng microwave oven ng mga 1-2 minutes hanggang sa matunaw yung mga flakes.

500ml water

Palamigin at isalin sa empty containers. Ganun lang!

Liquid Hand Soap

500ml lang ang empty container ko kaya sobra-sobra ang isang litrong liquid hand soap na nagawa ko. Ayan at may stock na akong pang refill din.

Kaya wag nyong itatapon yung mga empty container with dispenser ng mga lotion nyo kasi may paggagamitan din kayo nyan balang araw.

Liquid Hand Soap

P99.00 ang 500ml liquid hand soap kung bibilhin ‘to sa merkado. Ang total na gastos ko dito? P30.25, yung glycerin lang. Moneysaver talaga!

Next time, susubukan ko ang DOVE soap…para pang-body wash naman. 😀

 

 

oOo

TUESDAY THOUGHTS

SMS Jokes 2011-221

Panget vs. Maganda
Pag girlfriend mo PANGET: pwede na yan sa McDo, Jollibee o kaya Ling Nam
Pag MAGANDA: dapat SOFITEL, Shangri-la, o Mandarin
Pag PANGET: ok na kahit di ka masyadong mag-dress up
Pag MAGANDA: kelangan japorms ka lagi
Pag PANGET: "wife material"…in other words, free katulong in the future
Pag MAGANDA: "girlfriend material"… prinsesa in short
Pag PANGET: wala kang ka-agaw
Pag MAGANDA: lahat kaagaw mo kaya bakuran mo

BOSS TO SECRETARY: “Di ba ang sabi ko sa yo ang speech na gawin mo 10 mins lang? Bakit 20 mins to?
SEC: 10 mins yan Sir, kasi pati duplicate binasa mo.”

Sa Isang Jeep:
May LaLaki at babae na magkasakay.  Di aLam ng LaLaki na bukas ang ZiPPER nya pa-formal na sinabi ni babae:
"Sir bukas po ang zi.. City Hall nyo." Pa-simpleng isinara ng lalaki zipper nya at sinabi:
"Eh, ineng, nakita mo bang dumungaw si Mayor?"
BABAE:"Hindi po… Pero lumabas po yung 2 matandang konsehal."

The best kiss?
Ay yung tip0ng hindi mu gust0ng huminto ngunit kailangan…
dahil kailangan mung..
…maghubad!

Continue reading