Kangkungan

 

Hindi bago sa akin ang lugar na ‘to. Masyadong pamilyar. Alam nyo bang muntikan ko ng maging peborit ang lugar na ‘to?

Oo, yun ay dahil kumbaga sa laro at kwento ng buhay ko, ay may mangilan-ngilan na mga episodes o eksena din na dito ako napupulot  – sa kangkungan! Haha!

Haaays…ang layp nga naman, sobrang napaka-interesante!

Heniweys, hindi naman tungkol sa buhay ko ang chuva ko ngayon. Literally, tungkol talaga sa kangkong.

Kangkong

Dito kasi sa may hindi kalayuan ng mansion ni Mamaru….ay may kangkungan. Dati, dinededma ko lang ‘to, siguro dahil sa marami naman kangkungan dito sa amin sa probinsya.

Habang nasa supermarket ako kahapon, naimbyerna lang kasi ako dun sa presyo ng isang tali ng kangkong. P15.00!!!! isang tali???? Que barbaridad!!! (Sensya na, ganun talaga at kelangan maraming question mark at exclamation point kasi nagulat talaga aketch.) Ewan ko kung sadyang kuripot lang ako pero namahalan talaga ako. Yung dating P5.00 ang tali…15 petot na ngayon?! Waw! Ginto!

Hindi ako bumibili ng kangkong sa palengke o sa supermarket kasi dito lang ako sa amin kumukuha. Eh kasi nga may plantasyon ng kangkong sa may malapit lang sa amin. Libre o hinihingi lang.

Malunggay, tanglad, pandan leaves, atbp… kukunin o hihingin lang sa tabi-tabi o sa kapitbahay.

Kangkungan

Alam ko kahit yata sa Manila ay wala kang mabibili na 5 petot na kangkong. Mas lalo naman na wala kang mahihingi na libre dun. Lahat ay binibili. Kalokah!

Kaya naisipan kong i-post ngayon ang tungkol sa kangkong ay dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay napaka-ingrata ko pala at hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Papa Jesus sa mga biyayang nasa paligid lang namin dito sa probinsya. Chos!

Kangkungan

Kaya naman kanina, ninamnam kong pagmasdan ang kangkangan kangkungan. Sabay kodak shempre. Medyo bumulong na rin ako ng pasasalamat kasi may mga bagay pa sa mundo ngayon na nakukuhang LIBRE.

Kangkong

Ang dating dinededma ko lang na kangkungan, ay importante na sa akin ngayon. Sana nga magtagal pa ang ‘tong kangkungan sa amin.

Madalas akong kumuha nito dahil naniniwala akong kelangan talaga ang gulay sa wankata. Mas berde na kulay ng gulay ay mas mabuti.

Ginisang Kangkong

Ginisang kangkong with matching taktaktak ng konting lite soy sauce….solb na ako! 😛

 

 

oOo

One thought on “Kangkungan

  1. mahalia mendez nga ng kangkong, dito 15 din sa grocery. pag sinabi palang pinulot ka lang sa kangkungan, di na ganong offending, mamahalin na kangkong e 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.