Whole Wheat Dinner Rolls

May idea ako kung paano ang breadmaking (babymaking nga alam ko, breadmaking pa kaya?), pero yung gumawa talaga ng aktwal na tinapay ay hindi pa. Not until yesterday.

Matagal na akong atat subukan kung paano gumawa ng tinapay lalo na ang homemade pandesal. Minsan sa kalilibot ko sa cyberspace kasama si bespren Google, may nakita akong recipe  – hindi ng pandesal. Natuon ang atensyon ko dun sa recipe ng DINNER ROLLS.

Ang chika ng site na napuntahan ko, eh Worlds Best Dinner Rolls daw itetch. Bah! Talaga lang ha! Sige nga, masampolan nga!

Pero imbes na All-Purpose flour, Whole Wheat flour ang ginamit ko para lang maiba. Tsaka kumpara dun sa pinagkopyahan ko, mas malalaki ang size ng dinner rolls ko. Hindi ako sure kung malaki ang hiwa ko (hmmn..bakit parang ang laswa pakinggan?) sa dough o maalsa lang talaga ang whole wheat flour.

Heniweys, saludo ako dito sa recipe na to. Totoo ang claim, mga ateng! Dabest sha! These rolls – so soft and light indeed. Ang lembot pisil-pisilin, parang ako. Hihi!

Kahapon ko to ginawa.

freshly baked whole wheat dinner rolls

Kung papansinin, hindi makinis ang ibabaw ng dinner rolls ko dahil yan sa wheat flour ang ginamit ko.

whole wheat dinner rolls

Siempre, sinunod ko naman ang mga instructions dun pinagkuhanan kong site.  Gaya ng sabi na takpan ang dough ng malinis na tela at paalsahin ng 1 hour. Tsek!

cover with a clean towel

Kakatuwa silipin na after an hour, halos doble na nga ang itinubo.

 allow to rise 1 hour

Deat Ate Vicky Morales, wish ko po magkaroon ng Breadmaker machine. Penge po. Yung maganda ha? Labs, Mamaru, Hehe!

Hays tama na muna ang wish-wish na yan.

Since isang magandang poorita lang si Mamaru at walang breadmaker machine, mano-mano lang muna ang ginawa kong paghahalo at pagmamasa ng tinapay ko.

roll dough and cut to 12 equal-sized pieces

Pagkatapos hiwa-hiwain ang dough at naipwesto sa kahit anong baking pan (depende sa trip mo) tinakpan at pinaalsa ulit sa loob ng 30 minutes tas isinalang ko na sa oven.

cover and let dough rise for 30 minutes

Mula pagkaluto at pagkahango, mga ilang minuto lang ay tinapyasan ko na agad ng dalawang piraso ang tinapay. Hindi na nakayanan ang pagtitiis, lafang na agad ang Mamaru habang mainit-init pa.

Nagustuhan to ng unico hijo kong si Kevin. Hindi na siya nagkanin kagabi at kaninang umaga. Kumain siya ng dinner rolls na may palaman na corned beef and with corned tuna naman kanina ang naging trip nya. (Tanong: pag kumain ba ng dinner rolls sa breakfast, dinner rolls pa rin ang tawag?)

O ha! Marunong na ako ngayon gumawa ng dinner rolls! Pwede na akong mag-asawa ng porener! Weeee! Sa sunod yung pandesal naman. 😛

whole wheat dinner rolls

Kahapon, habang pinagmamasdan ko ang mga nagawa kong tinapay, nangingiti ako na may halong yabang sa sarili akong naramdaman. 

Seryoso, mas lalo akong nakumbinsi ngayon na madali lang talaga ang humanap ng HAPPINESS sa buhay. Kahit sa pagluluto lang, may makukuha ka na.

 

Recipe source here.

oOo

"Ang tao dapat sulitin ang buhay. Gawin ang gustong gawin. Maranasan ang dapat maranasan" – Roldan Aquino, Pagdating Ng Panahon (2001)

Baby Keepsake

Me likey this.

If only I have a time machine and could make myself come back to those days when my children turned one year old, I will surely make this kind of keepsake for my baby.

Isn’t it so cute? A framed baby photo with his hand prints and footprints, I find this perfect as babys first birthday remembrance. A brilliant creation of memory in their first milestone in life. Great gift idea too.

Goggles

If you have a sports loving husband, boyfriend or a brother, he is certainly going to love this gift – HD digital camera mx goggles.

If your partner likes motocross for example, then you may purchase the said accessory. I have personally checked the selling price of this item, and the price is reasonable and won’t cost you a fortune. Also, consider to buy the sports gift online because sometimes it is cheaper than offline shopping plus you don’t have to deal with any pushy salespeople.