Whole Wheat Dinner Rolls

May idea ako kung paano ang breadmaking (babymaking nga alam ko, breadmaking pa kaya?), pero yung gumawa talaga ng aktwal na tinapay ay hindi pa. Not until yesterday.

Matagal na akong atat subukan kung paano gumawa ng tinapay lalo na ang homemade pandesal. Minsan sa kalilibot ko sa cyberspace kasama si bespren Google, may nakita akong recipe  – hindi ng pandesal. Natuon ang atensyon ko dun sa recipe ng DINNER ROLLS.

Ang chika ng site na napuntahan ko, eh World’s Best Dinner Rolls daw itetch. Bah! Talaga lang ha! Sige nga, masampolan nga!

Pero imbes na All-Purpose flour, Whole Wheat flour ang ginamit ko para lang maiba. Tsaka kumpara dun sa pinagkopyahan ko, mas malalaki ang size ng dinner rolls ko. Hindi ako sure kung malaki ang hiwa ko (hmmn..bakit parang ang laswa pakinggan?) sa dough o maalsa lang talaga ang whole wheat flour.

Heniweys, saludo ako dito sa recipe na ‘to. Totoo ang claim, mga ateng! Dabest sha! These rolls – so soft and light indeed. Ang lembot pisil-pisilin, parang ako. Hihi!

Kahapon ko ‘to ginawa.

freshly baked whole wheat dinner rolls

Kung papansinin, hindi makinis ang ibabaw ng dinner rolls ko dahil yan sa wheat flour ang ginamit ko.

whole wheat dinner rolls

Siempre, sinunod ko naman ang mga instructions dun pinagkuhanan kong site.  Gaya ng sabi na… takpan ang dough ng malinis na tela at paalsahin ng 1 hour. Tsek!

cover with a clean towel

Kakatuwa silipin na after an hour, halos doble na nga ang itinubo.

 allow to rise 1 hour

Deat Ate Vicky Morales, wish ko po magkaroon ng Breadmaker machine. Penge po. Yung maganda ha? Labs, Mamaru, Hehe!

Hays… tama na muna ang wish-wish na yan.

Since isang magandang poorita lang si Mamaru at walang breadmaker machine, mano-mano lang muna ang ginawa kong paghahalo at pagmamasa ng tinapay ko.

roll dough and cut to 12 equal-sized pieces

Pagkatapos hiwa-hiwain ang dough at naipwesto sa kahit anong baking pan (depende sa trip mo) tinakpan at pinaalsa ulit sa loob ng 30 minutes tas isinalang ko na sa oven.

cover and let dough rise for 30 minutes

Mula pagkaluto at pagkahango, mga ilang minuto lang ay tinapyasan ko na agad ng dalawang piraso ang tinapay. Hindi na nakayanan ang pagtitiis, lafang na agad ang Mamaru habang mainit-init pa.

Nagustuhan ‘to ng unico hijo kong si Kevin. Hindi na siya nagkanin kagabi at kaninang umaga. Kumain siya ng dinner rolls na may palaman na corned beef and with corned tuna naman kanina ang naging trip nya. (Tanong: pag kumain ba ng dinner rolls sa breakfast, dinner rolls pa rin ang tawag?)

O ha! Marunong na ako ngayon gumawa ng dinner rolls! Pwede na akong mag-asawa ng porener! Weeee! Sa sunod yung pandesal naman. ๐Ÿ˜›

whole wheat dinner rolls

Kahapon, habang pinagmamasdan ko ang mga nagawa kong tinapay, nangingiti ako na may halong yabang sa sarili akong naramdaman. 

Seryoso, mas lalo akong nakumbinsi ngayon na madali lang talaga ang humanap ng HAPPINESS sa buhay. Kahit sa pagluluto lang, may makukuha ka na.

 

Recipe source here.

oOo

"Ang tao dapat sulitin ang buhay. Gawin ang gustong gawin. Maranasan ang dapat maranasan" – Roldan Aquino, Pagdating Ng Panahon (2001)

5 thoughts on “Whole Wheat Dinner Rolls

  1. ay mamaru talagang matagal ka ng pdeng pde mag asawa. imagine nakakagawa k na ng tinapay from scratch. bk nxt tym kaya u na din magpakain ng libong tao sa ilang pirasong tinapay! hehe.. at yep, ay alayb! sobrang bz lng at hirap ng buhay di tulad mo pa beyk beyk lang at panay sa kangkungan ata bz hahaha. mis na kita sobra!

    • @MINE, thenak u so much for taking time to comment. Na miss kita sobra. Sana nga ay magka kwentuhan tayo ulit. ๐Ÿ˜€ Musta si Pareng Mid?

  2. ang sarap mong maging nanay ms.maru! ๐Ÿ™‚ bukod sa talagang alam naman naming lahat na may yummyness kang taglay. eh pati sa cooking,baking,dress making, LAHAT NA! eh talented ka! ako kasi proud na proud kapag nagbe bake nanay ko.:) eh kaso mga once a year lang sya nagbe bake eh. hehehe! patikim naman nyan? hahaha! *more blessing ms.maru!

    • @nhadziebaby, pinaganda mo lalo ang LUNES ko sa mga sinabi mo. Kaya labs na labs kita kasi ang sweet-sweet mo. Mapapahiya ang arnibal sa sweetness mo, walang sinabi. ๐Ÿ˜€

  3. happy monday ms.maru! <3 nagtext nga po sakin si arnibal, hiyang hiya naman daw sya sa ka-sweetan ko. hehehe! ๐Ÿ™‚ thank you! *muah

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.