Organizing Idea 2: Plastic Bag Keeper

Mga palangga kong mambabasa, mula sa araw na to ay tawagin nyo na po ako bilang si Martha Maru Stewart! Charot!

Pssssst! Mga kapwa ko josa, may mga empty tube ba kayo ng paper towel, aluminum foil, cling wrap, cooking paper o kahit yung empty tissue box diyan sa haws nyo? Ay! Wag itapon mga ateng! Kasi mapapakinabangan nyo yan.

DSC03753_2

Pwedeng organizer yan ng mga reusable plastic bags para hindi makalat tingnan sa kusina. Sa isang tube lang, alam nyo bang 12 pieces of small plastic bags na ang maitatago nyo sa loob? Binilang ko kaya.

DSC03774_2DSC03755_2

Shempre. para naman hindi maging fangit tingnan ang empty tube, balutin nyo ang tube ng kahit anong lumang gift wrapper o kahit na anong pambalot na gusto nyo.

DSC03754_2

Ganito ang magiging itsura nila pagkatapos.

DSC03773_2

Ayan! Hugot-hugot na lang ang magiging drama nyo pag need nyo ng plastic para pambalot ng basura at ng mga anik-anik pa.

DSC03770_2

See! There will be no more obvious clutter of plastic bags. Pwede nyo na ulit ibalik ang mga empty tubes sa kitchen drawer nyo kasama ang iba pang gamit nyo na pang-wrap imbes na basta na lang sila itapon.

DSC03772_2

Aminin natin, maaliwalas sa pag-iisip pag maayos ang kapaligiran natin, di ba?

 

 

oOo

Organizing Idea 1: Matchsticks Keeper

Sa wakas, nagawan ko rin ng paraan para matigil ang paminsan-minsan hide and seek namin ng posporo ko dito sa bahay. Buset na buset talaga ako pag di ko agad mahagilap ang maliit na kahon lalo na pag brownout. Napapa-paksyet ako!

At eto pa ang nakakahayblad. Minsan andun pa yung hindi agad sumisindi ang mga lintek na palito dahil siguro sa panis na ang pulbora. (Panis? Napapanis ba ang mga palito?)

Panis na pulbora pag sa katagalan ay hindi nagagamit, siempre nag i-expire din ang bisa nyan noh! Lalo na pag dumaan na sa pagkabasa o nahamugan. Kaya ang solusyon ko?

Heto, i-ginarapon ko na ang mga palito namin!

matchsticks in a jar

Bihira kami gumagamit ng posporo sa pagluluto dahil may automatic igniter naman ang kalan namin. Kaso siempre, kelangan pa rin ang posporo sa bahay sa maraming rason.

big box of matchsticks empty coffee jar

Heniwey, para na rin to sa mga mommy diyan na may mga bulilit pa. Magandang ideya to para maiwasan ng mga anakis nyo ang mapaglaruan ang posporo. Pag nasa bote, hindi agad nila mabubuksan to.

Tsaka sa mga bahay na bahain ang lugar, aba eh praktikal na paraan din to para hindi mabasa o mahamugan ang posporo nyo. Para manatiling dry ang mga matchsticks for quicker ignition.

matchsticks in a jar

Maliit na garapon lang naman ang kelangan. Gupitin ang sandpaper o kiskisan ng palito mula sa gilid ng kahon ng posporo at idikit sa loob ng takip ng bote para iwas-basa.

matchsticks in a coffee jar

Ganun lang.

Pero lagyan na rin ng konting ribbon ang garapon para. . .para . . .para . . .- MASAYA! Wala lang! 😛

matchsticks in a coffee jar

O ha! Pwedeng pang deco-display na rin to sa ibabaw ng ref.

 

 

oOo