Organizing Idea 1: Matchsticks Keeper

Sa wakas, nagawan ko rin ng paraan para matigil ang paminsan-minsan hide and seek namin ng posporo ko dito sa bahay. Buset na buset talaga ako pag di ko agad mahagilap ang maliit na kahon lalo na pag brownout. Napapa-paksyet ako!

At eto pa ang nakakahayblad. Minsan andun pa yung hindi agad sumisindi ang mga lintek na palito dahil siguro sa panis na ang pulbora. (Panis? Napapanis ba ang mga palito?)

Panis na pulbora – pag sa katagalan ay hindi nagagamit, siempre nag i-expire din ang bisa nyan noh! Lalo na pag dumaan na sa pagkabasa o nahamugan. Kaya ang solusyon ko?

Heto, i-ginarapon ko na ang mga palito namin!

 matchsticks in a jar

Bihira kami gumagamit ng posporo sa pagluluto dahil may automatic igniter naman ang kalan namin. Kaso siempre, kelangan pa rin ang posporo sa bahay sa maraming rason.

big box of matchsticks empty coffee jar

Heniwey, para na rin ‘to sa mga mommy diyan na may mga bulilit pa. Magandang ideya ‘to para maiwasan ng mga anakis nyo ang mapaglaruan ang posporo. Pag nasa bote, hindi agad nila mabubuksan ‘to.

Tsaka sa mga bahay na bahain ang lugar, aba eh praktikal na paraan din ‘to para hindi mabasa o mahamugan ang posporo nyo. Para manatiling dry ang mga matchsticks for quicker ignition.

matchsticks in a jar

Maliit na garapon lang naman ang kelangan. Gupitin ang sandpaper o kiskisan ng palito mula sa gilid ng kahon ng posporo at idikit sa loob ng takip ng bote para iwas-basa.

matchsticks in a coffee jar

Ganun lang.

Pero lagyan na rin ng konting ribbon ang garapon para. . .para . . .para . . .- MASAYA! Wala lang! πŸ˜›

matchsticks in a coffee jar

O ha! Pwedeng pang deco-display na rin ‘to sa ibabaw ng ref.

 

 

oOo

3 thoughts on “Organizing Idea 1: Matchsticks Keeper

  1. ay maganda talaga. pde u na nga pang gift saken yan sa xmas eh :).. ok nman c mid. sakit ng ulo minsan pero may lalake bang inde? kaya cguro parang posporo din minsan kung kelang kelangan saka ayaw magsindi! Lols. dpat ata mamaru may show ka na sa home network! kalabanin u c Martha S! πŸ™‚

    • @MINE, hahaha! Ayaw ba sumindi ni Mid pag kinakailangan ng pag aalab minsan? Abah! Putulan na rin yan at ig-arapon! Sus, pasalamat ka at kahit papano may pangsindi ka sa buhay mo. πŸ™

  2. ay inde dun ayaw sumindi sis, pagdating dun parang auto igniter.Lols! pero sa mga ibang aspect hays nako. ewan ko ba bat mga guys eh w/o a clue talaga. πŸ™‚ may Kups k nmn di ba? πŸ™‚ d2 ako sa work, pag nahuli ako eh lagot! hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.