Organizing Idea 2: Plastic Bag Keeper

Mga palangga kong mambabasa, mula sa araw na ‘to ay tawagin nyo na po ako bilang si – Martha Maru Stewart! Charot!

Pssssst! Mga kapwa ko josa, may mga empty tube ba kayo ng paper towel, aluminum foil, cling wrap, cooking paper o kahit yung empty tissue box diyan sa haws nyo? Ay! Wag itapon mga ateng! Kasi mapapakinabangan nyo yan.

DSC03753_2

Pwedeng organizer yan ng mga reusable plastic bags para hindi makalat tingnan sa kusina. Sa isang tube lang, alam nyo bang 12 pieces of small plastic bags na ang maitatago nyo sa loob? Binilang ko kaya.

DSC03774_2DSC03755_2

Shempre. para naman hindi maging fangit tingnan ang empty tube, balutin nyo ang tube ng kahit anong lumang gift wrapper o kahit na anong pambalot na gusto nyo.

DSC03754_2

Ganito ang magiging itsura nila pagkatapos.

DSC03773_2

Ayan! Hugot-hugot na lang ang magiging drama nyo pag need nyo ng plastic para pambalot ng basura at ng mga anik-anik pa.

DSC03770_2

See! There will be no more obvious clutter of plastic bags. Pwede nyo na ulit ibalik ang mga empty tubes sa kitchen drawer nyo kasama ang iba pang gamit nyo na pang-wrap imbes na basta na lang sila itapon.

DSC03772_2

Aminin natin, maaliwalas sa pag-iisip pag maayos ang kapaligiran natin, di ba?

 

 

oOo

One thought on “Organizing Idea 2: Plastic Bag Keeper

  1. OC ka ms.maru? hehe! πŸ™‚ nice! best in art-chitecture ka talaga! hehehe! kaso samin kasi ay ipinagbabawal na ang plastic. kaya (maraming) mapapel na saamin. hehehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.