SMS Jokes 2011-225

Reasons why senior citizens are given discounts:

FOOD-marami ng bawal.
TRANSPO-hirap nang sumakay.
GROCERIES-di na makabuhat.
SINE-malabo na ang mata.
GAMOT-di na magtatagal.
CONCERTS-hirap na ang pandinig.
MOTELS-ano pang gagawin dun?

Enjoy life while still young, don’t wait for discounts!

(SMS courtsey of Grashiela)

LALAKI: "Nawawala ang misis ko!"
TELLER: "Bangko po ito, hindi police station!"
LALAKI: "Sori, sa sobrang tuwa ko, di ko malaman kung kanino ikukuwento!"

ANDOY:"Sori po, di ako makakabayad ng upa this month!"
LANDLORD:"Ano? Yan din ang sinabi mo last month!"
ANDOY:"Ako po kasi ay taong may isang salita!"

DEATH ROW.
WARDEN:"Patay ka na bukas ng alas-singko ng umaga!"
KRIMINAL:"Hahahaha!"
WARDEN:"Bakit ka tumatawa?"
KRIMINAL:"Alas-otso ako nagigising!"

  •  

INAY:"Ano gusto mong kurso?"
ANAK:"POLITICAL SCIENCE po para linisin ang kalat sa lipunan!"
INAY:"Yung kalat mo sa bahay di mo malinis, sa lipunan pa?"

INAY:"Sabi ng titser mo lagi ka daw late?"
BATA:"Kasalanan po ng iskul!"
INAY:"Bakit?"
BATA:"Lagi po nilang pinapatunog ang bell bago ako dumating!"

  •  

BATA:"Mamang pulis, awatin nyo po ang itay ko!"
PULIS:"Sino ba dyan sa dalawang nag-aaway ang tatay mo?"
BATA:"Yan nga po ang pinag-aawayan nila!"

BOSS:"Ang kailangan kong tao ay responsable!"
APLIKANTE:"Ako na po yan sir! Kasi pag may palpak sa dati kong trabaho, ako daw ang responsable!"

MAX:"Kung may reincarnation, ano gusto mong "maging" sa next life?"
MARIO:"Ipis!"
MAX:"Bakit naman?"
MARIO:"Ipis lang kasi kinatatakutan ng misis ko!"

  1. English ng PIGHATI?  – PORKCHOP
  2. "Miss KITA"  – sinabi sa babaeng maikli ang suot
  3. "CUTE + THING" – pusang maliit
  4. "BASTA!"  -sagot ng taong may inililihim.

KASABIHAN:

  1. "Hindi lahat ng AHAS nasa gubat , yung iba nasa TABI mo lang."
  2. "Hindi lahat ng KARIBAL mo ay kontrabida , minsan kasi feeling api ka lang pero ang totoo, ikaw talaga ang panira sa LOVE STORY."
  3. "Walang PANGIT na babae sa mata ng MATINONG lalaki."
  4. "Kung di kayang MAHALIN, wag mong LANDIIN."
  5. "Walang malayong TAHANAN basta PAGKAIN ang pupuntahan."
  6. "Ang taong may SABIT , dapat walang KABIT."

 

oOo

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge