Vice Ganda Twitter Q & A

Bago pa man sumikat ng todo si Vice Ganda, peborit na namin ng mga kapatid at pamangkin ko ang panoorin siya sa Punchline comedy bar sa Quezon City. Walang mintis, sakit sa panga lagi ang napapala ko sa sobrang kakatawa pag si Vice na ang nakatoka para magperform. Halos kita na tonsil ko pag humagalpak ng tawa sa batuhan nila ng banat o hirit kasama ang iba pang mga stand up comedian dun.

Kung konserbatibo ka, mahina ang puso at hindi sanay ang tenga mo sa mga green jokes at walang patumanggang murahan nila sa isa’t isa dun sa stage – pwes, hindi ka pwede dun. Mas lalong baka hindi mo kayanin pag natsambahan kang pagtripan para okrayin nila kahit audience ka lang. Kawawa ka talaga pag nalait ka. Haha! :D 

Heniweys, pagdating talaga sa barahan, okrayan at kung anu-anong echosan, wala na yata tatalo kay Vice. Napaka-witty na bakla! Ambilis mag-isip! Ganyan daw pag mabilis mag-isip – matalino daw.

Bago na-hack ang Twitter, Facebook at email account ni Vice Ganda kahapon, buti na lang nadikwat ko ang ilan sa mga Q & A kulitan at barahan nya with his Twitter followers. Share ko sa inyo ‘to kasi yung ibang mga sagot ni Vice sa mga tanong sa kanya eh bentang-benta talaga sa akin.

Basa!

  • “baket hurado ang tawag sa inyo sa Showtime?” - anu ba dapat, sundalo?
  • “kamukha mo ba nanay mo?" - yung kumare nya.
  • “vice baket akala mo maganda ka?" – dahil alam kong panget ka.
  • “baket nanay po tawag sau ni ryan?" - dahil ako ang kanyang ama.
  • “bakit di mo try magpakalalaki ulit?" – bat di mo try wag mangialam?
  • “Pano ako magkaka-koreanong boyfriend katulad ni Ryan Bang??!" - punta kang japan
  • “bakit pantalon ang tagalog ng jeans?" - sinu naman ang nagsabi sayo?!
  • “Anong gagawin mo kapag LUMOBO yung SIPON mo sa harapan ng CRUSH mo??" - paliparin m0 sa ere
  • “sabi ng nanay ko maganda ako e bakit loveless pa rin ako…cnungaling ba ang nanay ko…?" – uto uto ka lang
  • “ANO PO BA MAGANDANG DAHILAN KUNG BAKIT DI NAKAPASOK SA TRABAHO?" - namatay ka
  • “vice kung babae ka cnu papakasalan mu sa showbiz…?" – pepe smith
  • “ano ba dapat gawin ko para mapansin ako ni bieber? adVICE please?" – kidnapin m0 nanay nya
  • “have you ever encounter na malasing ka then my girl na binalak kang halayin or pagnasaan???" – oo bago ko nakulong
  • “Ano ba tama Longanisa O Langonisa??"- nakarinig ka na ba ng LANGsilog?
  • “Nagkaroon knaba ng GF??"- bastos! Malaswa! Malaswa! Malaswa! (Sa tono ni aling dionisia)
  • “mahirap ba maging sikat?"- kwento ko sayo pag sumikat na ko." – SIKAT KA NA KAYA."- chismis lng yan
  • “Bakit Gising Ka Pa?"-anung proof m0?
  • “anong pagkain ang di mo kinakain?" - yung panis
  • “bakit po may fire exit, eh wala namang fire entrance?"- papagawa ako sa tapat ng bahay nyo.
  • “ano sinusuot mo brief or panty?" – paper bag
  • “bkit di mo try tumakbo? :) malay mo, panalo.. peace"- bat di m0 try manalo malay m0 mapatakbo ka.
  • “ano favorite brand mo for clothes? So fahionista mo kasi!" - oshkosh bgosh
  • “may balak kang mag anak?" – sa binyag
  • “cno pipiliin mo si vhong o si john avila" - si vhong avila
  • “anong gamit mong pabango??" - ambi pur
  • “anong buhok ang pumuputok?"- anung joke ang luma?
  • “Kung mawala ang Showtime, ano balak mong gawin?" - eh di magpa-blotter.
  • “why did the chicken cross the road?" - ask the MMDA
  • “kalbo ka ba vice at nakaextension? haha"- kung kalbo ba may kakapitan ang extensions?
  • “sana sayo mag mana baby ko, cute mo kc teh." – ako ba nakabuntis sayo?
  • “anong gamit na toothpaste ng mga kabayo? Hahaha" - tanong m0 sa hinete sila bumibili e.
  • “hi vice! Pag tulog ka ba nakapikit ka din? Hahaha!" - naka-split
  • “vice ikaw b talaga ito?"- hindi hindi! Sila talaga to!
  • “anong gamit mong bath soap? haha."- likas papaya with chinese bagoong
  • “ano ba real score sa inyo ni jon_avila??? Curious lng :))" - 1 all
  • “Sana kunin kang model ng red horse!"- sana kunin ka na ni Lord! Chozzz!?
  • “kanino ka takot makipagbarahan :)))" - sa tubero
  • “kumain ka ba ng arabic food nung nandito ka sa doha?"- yes! Favorite ko yung tinola!
  • “éxtension lng Pu b ung bangs Nyu?"- hindi. Kathang isip lang.?
  • “Vice bakit gising ka pa?" - tulog nako wag ka maingay.
  • “tulog ka na, maaga pa karera mo mamaya :p"- cancelled walang tumaya.
  • “Hi vice u always look pretty on showtime.."- naku sira lang tv nyo. Haha! Thanks!?
  • "their" dads? you mean there’s a lot of them?"- just a few. Hahaha!
  • “vice , suplada ka po ba sa personal ? -  bakit , may suplada ba sa picture ?

 

oOo

vice ganda 
Related Posts with Thumbnails

4 Comments

  1. Hay maru every sunday ako nanood ng Gandang Gabi Vice…sumasakit din panga ko..pati asawa ko napapatawa sa tawa ko..lol

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Akuden. Wala pa akong pinalalagpas na episode ng “Gandang Gabi Vice” since noong nagsimula. Lafftrip talaga! Katabi ko lagi daughter ko pag nanonood. :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge