Mahirap Bang Gawin Ang Tama?

Etoh na nman puh aq. Iritang-iritah n nman s lecheng txt speak n yn!

Ewan ko ba, hindi talaga ako makapag-getober sa pa-usong text speak na yan hanggang ngayon. Mga naka-ilang beses na rin ako nag-post ng tungkol dito noon.

Kanina lang sa YM ko ay may bumulaga sa akin para makipag-chat pero wa ko knows kung sino siya. I usually don’t respond to strange handles na wala naman sa contact list ko. Blame it to my hormones pero kanina pinatulan kong sagutin ang jejemon na ‘to. 😛

 

7-26-2011 9-38-40 AM

 

Hanggang diyan lang ang nakayanan kong i-reply. Kalurkey! Kahit medyo iritado ay natawa pa rin ako habang sumasagot kanina.

Ang post na ‘to ay hindi tungkol dun sa mga sinabi ni Kolokoy na seksi ako kasi alam ko na po yan, fetus pa lang ako – seksi na. Charoz! Ang gusto ko lang i-punto dito ay yung style/klase ng pagta-type nya ng mga words…ng mga spelling.

If you read this aloud, “syang aman apakaseksi mu p aman….”, maiisip mong ngongo ang ka-chat ko. Kaya naman sinagot ko rin siya ng pa-ngongo. Kitams, siya man ay hindi nya maintindihan ang sagot ko. 😀

Kung 1983 isinilang ‘tong ka-chat ko, ibig sabihin 28 years old na siya ngayon at hindi na bagets. Tanders na rin maituturing ang 28 years old, di ba? Pero parang walang pinagkatandaan. Hehe!

Hindi ko talaga lubos maisip, bakit ba hindi natin makuha ang mag-type ng BUO, SAKTO at TAMA na mga salita sa chat at sa mga social networking site?

Eto na naman ako sa mga tanong ko. Bakit ba tinitipid ang paggamit ng mga vowels? Ang madalas na katwiran eh shortcut daw yan. Para daw mabilis o mapadali. Eh, bakit ba kelangan madaliin ang pagta-type ng TAMA? May karera ba para magmadali? May humahabol?

Ok lang kung sa phone o sa Twitter ay iniiklian ang mga words kasi limited lang talaga ang characters na pwedeng i-type dun. Pero bakit kelangan ibahin o I-MALI ang TAMANG spelling ng mga salita?

AKO – AQ?

MASYADO – MAXXADO?

MO – MU?

PO – PU? PUH?

Tuloy, namimihasa tayo sa MALI.

Hindi nyo ba napapansin, ang nagiging epekto nyan ay hindi na rin natin natututunan ang tamang paggamit gaya halimbawa ng:

NG vs NANG

RIN vs DIN

RITO vs DITO

THEIR vs THERE

YOUR vs YOU’RE

Aminado ako, guilty din ako. Oo, andun yung nakakalimutan ko rin ang paggamit ng mga TAMANG salita. Nai-engganyo rin ako minsan mag-text speak kahit sa chat. Pero excuse me…hindi naman po ako yung tipong gumagamit ng xxobra-xxobra at maxxadong-maxxado – yung nakakasakit na ng ulo pag binasa. Nakakabobo na kaya yun!

Seryoso, huwag sana natin kunsintihin ang mga sarili na masyadong masanay sa MALI. Sana pilitin pa rin natin ang maging matiyaga pa rin na mag-type ng mga salita kahit sila ay mahaba. Doon po tayo sa TAMA. Kahit mahirapan basta natututo. Yun lang. Bow!

 

 

oOo

“Sana ang PAGMAMAHAL ay parang paglilinis ng BAHAY, na kahit PAGOD ka na, ipahinga mo lang. Magiging OKEY na!”

7 thoughts on “Mahirap Bang Gawin Ang Tama?

  1. ganyan talaga tayong mga tumatanda na maruja hehehe. ganyan din ang mga magulang natin noon ng maimbento ang mga salitang bongga, chaka, etc hehehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @pareng boy, loko! Ibang usapan naman kasi yung GAY LINGO. Parang synonyms lang naman sila ng isang word. Tsaka hindi sila ginagamit talaga ng mga kabataan.

    Eh eto naman kasi sa Text Speak at yung style ng mga Jejemon eh ibang-iba talaga. Iniiba ang spelling at nakakasanayan ng mga bata.

    [Reply]

    boy_himudNo Gravatar Reply:

    kung sabagay TOMO este tama ka. bakit nga ba akala ng mga jejemon na to e cute ang ganyan. saka nga pala ung mahilig sa kuya at ‘te ang tawag daw ay…tetemon???hehehe

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @boy_himud, Bwahahaha! Tetemon ka diyan! Tuwad!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *