May idea ako kung paano ang breadmaking (babymaking nga alam ko, breadmaking pa kaya?), pero yung gumawa talaga ng aktwal na tinapay ay hindi pa. Not until yesterday.
Matagal na akong atat subukan kung paano gumawa ng tinapay lalo na ang homemade pandesal. Minsan sa kalilibot ko sa cyberspace kasama si bespren Google, may nakita akong recipe – hindi ng pandesal. Natuon ang atensyon ko dun sa recipe ng DINNER ROLLS.
Ang chika ng site na napuntahan ko, eh World’s Best Dinner Rolls daw itetch. Bah! Talaga lang ha! Sige nga, masampolan nga!
Pero imbes na All-Purpose flour, Whole Wheat flour ang ginamit ko para lang maiba. Tsaka kumpara dun sa pinagkopyahan ko, mas malalaki ang size ng dinner rolls ko. Hindi ako sure kung malaki ang hiwa ko (hmmn..bakit parang ang laswa pakinggan?) sa dough o maalsa lang talaga ang whole wheat flour.
Heniweys, saludo ako dito sa recipe na ‘to. Totoo ang claim, mga ateng! Dabest sha! These rolls – so soft and light indeed. Ang lembot pisil-pisilin, parang ako. Hihi!
Kahapon ko ‘to ginawa.

Kung papansinin, hindi makinis ang ibabaw ng dinner rolls ko dahil yan sa wheat flour ang ginamit ko.

Siempre, sinunod ko naman ang mga instructions dun pinagkuhanan kong site. Gaya ng sabi na… takpan ang dough ng malinis na tela at paalsahin ng 1 hour. Tsek!
Kakatuwa silipin na after an hour, halos doble na nga ang itinubo.
Deat Ate Vicky Morales, wish ko po magkaroon ng Breadmaker machine. Penge po. Yung maganda ha? Labs, Mamaru, Hehe!
Hays… tama na muna ang wish-wish na yan.
Since isang magandang poorita lang si Mamaru at walang breadmaker machine, mano-mano lang muna ang ginawa kong paghahalo at pagmamasa ng tinapay ko.

Pagkatapos hiwa-hiwain ang dough at naipwesto sa kahit anong baking pan (depende sa trip mo) tinakpan at pinaalsa ulit sa loob ng 30 minutes tas isinalang ko na sa oven.
Mula pagkaluto at pagkahango, mga ilang minuto lang ay tinapyasan ko na agad ng dalawang piraso ang tinapay. Hindi na nakayanan ang pagtitiis, lafang na agad ang Mamaru habang mainit-init pa.
Nagustuhan ‘to ng unico hijo kong si Kevin. Hindi na siya nagkanin kagabi at kaninang umaga. Kumain siya ng dinner rolls na may palaman na corned beef and with corned tuna naman kanina ang naging trip nya. (Tanong: pag kumain ba ng dinner rolls sa breakfast, dinner rolls pa rin ang tawag?)
O ha! Marunong na ako ngayon gumawa ng dinner rolls! Pwede na akong mag-asawa ng porener! Weeee! Sa sunod yung pandesal naman.

Kahapon, habang pinagmamasdan ko ang mga nagawa kong tinapay, nangingiti ako na may halong yabang sa sarili akong naramdaman.
Seryoso, mas lalo akong nakumbinsi ngayon na madali lang talaga ang humanap ng HAPPINESS sa buhay. Kahit sa pagluluto lang, may makukuha ka na.
Recipe source here.
oOo
"Ang tao dapat sulitin ang buhay. Gawin ang gustong gawin. Maranasan ang dapat maranasan" – Roldan Aquino, Pagdating Ng Panahon (2001)