Archive for 7 July, 2011

Sew Happy – (DIY: Scarf Blouse)

O ha! Maniwala ba kayong nagawa ko ang dilaw na blusa kong itetch sa loob ng 3 oras lang kahapon? Wa istir! Short time lang, sir! – 3 hours!

Antutink na hand-sewn ko lang ‘to kasi wala akong pagmamay-aring sewing machine. Kaya nga payagan nyo kong magyabang sa accomplishment kong ‘to kasi kinamay ko lang ang pagbuo nito, kahit simpleng blouse lang ‘to.

Maru In Yellow

Sa halagang 50 petot ay may blusa na ang Mamaru. Kasi tig- 25 petot lang naman ang piraso ng scarf na ‘to.

yellow scarves

Wala akong paper pattern na ginamit. Tantiyahan lang ang ginawa ko sa paggupit ng desinyo. Siempre, sa tulong ng isang tasang kape, gunting, tape measure, needles, pins, thread, kabataan, ganda, alindog at common sense –tagumpay ang proyekto ko. :P

DIY blouse

Back-stitching lang ang gamit ko para medyo pulido ang tahi. Aynaku, matutuwa ang titser ko sa Home Economics noong high school, kung saka-sakaling malaman nya na hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga turo nya sa akin noon. Nga pala, alam nyo bang ako mismo ang nagtahi ng graduation dress ko noong high school?

backstitching

Well, well, well! Alam nyo naman si Mamaru, hindi lang maraming alam na katalentaduhan na taglay sa kusina…sa kama (kama? ows?)…o sa buhay. Eto nga, may kakayahan din akong magtahi.

Inpak, hindi lang ng damit. Marunong din ako magtahi-tahi ng mga kwento. Joke!

backstitching

Ayan ang malapitan na chura ng back-stitching ko.

DIY scarf blouse

Ang dali-dali lang gawin at tahiin. Like ko ang mga ganitong style ng blouse kasi napaka presko.

DIY scarf blouse

Dyaraaaaan! For P50.00, may bagong pang-rampa na ako sa pamamalengke ko!

Maru In Yellow Blouse

I’m sew happy! As in!

 

oOo

“Ang babaeng hindi natutumba, ay dating konduktora” – Ai Ai de las Alas, Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008)

 

SMS Jokes 2011-220

DOKTOR: “Anong problema mo iho?”
JUAN: “Dok, pakiramdam ko po, walang nakakarinig sa sinasabi ko!!
DOKTOR:Anong problema mo iho?”

JUAN: “Dok, pag tinanggal ba ang benda sa kamay ko, makatugtog na ako ng piano?”
DOKTOR: “Oo naman!”
JUAN: “Wow astig! Di kc ako marunong mag-piano!”

PASYENTE: “Dok, kailangan ko na yatang magpagawa ng salamin!”
TELLER: “Kailangan na po talaga lola! Kasi bangko po ito, sa kabila po ang optical!”

Funeral procession.
USI: “Sinong namatay?”
JUAN: “Biyenan ko, napatay ng aso ko!”
USI: “Hmmm, pwede bang mahiram ang aso mo?”
JUAN: “Sa likod ang pila!”

Dear Inday,

Nagsisi ako ng ibreak kita. Pls forgive me. Narealize kong mahal talaga kita!

Love,

Juan.

P.S. Congrats, nanalo ka daw sa lotto!

SELOSA. Naghanap si misis ng buhok ng girl sa jacket ni mister pero walang nakita.
MRS: “Waah!”
MR: “Bakit?”
MRS: “Mambababae ka rin lang, kalbo pa!”

PULIS: “Ano hitsura ng mister nyong nwawala?”
MRS: “Payat, 5-10 at kulot!”
INDAY: “Ate d ba mataba, 5-2 at panot c sir?”
MRS: “Sshh! para d na mahanap!”

Curious lang po, bakit kaya tinawag na…
HAMBURGER pero wala namang ham,
EGGPLANT pero wala namang egg,
QUICKSAND pero lulubog ka unti-unti?

GIRL: “Alam mo pag lumalapit ka sa kin, nagmumukha akong janitor!”
BOY:(mayabang) “Dahil mukha akong artistahin?”
GIRL: “Hindi, mukha kang dustpan!”

DOK: “Kung lagyan ko ng 1 kilong asukal ang dagat, tatamis ba to?”
BALIW: “Hindi po!”
DOK: “Yes!  Magaling ka na!”
BALIW: “Haluin nyo muna para tumamis!”

 

oOo

Dear DJ

 

From Dj milan

Ms maru pd b malaman recipe ng fresh lumpia by timpla tnx

 

Dear Dj Milan,

Pansamantalang pinuputol ko muna ang pagiging bisi-bisihan ko ngayon para pagbigyan ka sa request mong Fresh Lumpia Recipe ng TIMPLA Cookbook. Kita mo naman, kahit inabala mo ko sa kasulukuyan kong pagpapayaman ay OK lang. Yun ay dahil sa mahal ko mga readers ko – mahal kita. Charot! Hihi! Oks lang uy!

Eto na po, with matching kodak pa ha. Hindi ko pa nasusubukan ang gumawa ng fresh lumpia, hopefully balang araw ay makapag-try din nito.

fresh lumpia by TIMPLA

FRESH LUMPIA

INGREDIENTS:

FILLING

  • 2 tablespoons oil
  • 1 teaspoon garlic,chopped
  • 1/2 piece onion, chopped
  • 1 piece carrot, peeled and cut into strips
  • 250 grams togue
  • 1 head small cabbage, shredded
  • 250 grams tokwa, cooked and cut into cubes
  • 200 grams shrimps, boiled and peeled
  • 3 tablespoons UFC Liquid Genie

LUMPIA WRAPPER

  • 1 1/2 eggs, beaten
  • 2 1/4 cups water
  • 1 1/2 cups all-purpose flour
  • 3/4 teaspoon fine salt
  • 1/2 tablespoon oil

LUMPIA SAUCE

  • 1 1/2 cups water
  • 1/2 cup brown sugar
  • 1 tablespoon cornstarch
  • 4 1/2 tablespoons UFC Liquid Genie
  • 2 teaspoons soy sauce
  • 1/2 head of garlic, chopped

PROCEDURE:

  1. To make the lumpia filling, heat 2 tablespoons of oil in a pan and saute garlic and onions.
  2. Add carrots, togue, cabbage and tokwa. Cook for 3 minutes.
  3. Season with UFC Liquid Genie. Set aside.
  4. To make the batter for the lumpia wrapper, combine eggs, water, all-purpose flour, salt and oil.
  5. Heat a small non-stick pan and ladle out 1/3 cup measure of the lumpia wrapper batter.
  6. Cook one side and then slide out of the pan. Set aside and continue with the rest of the batter.
  7. To make the sauce, combine water, brown sugar, cornstarch, UFC Liquid Genie, soy sauce and garlic in a saucepan. Simmer until the mixture thickens. Set aside.
  8. Measure about 2 tablespoons of vegetable filling per wrapper and top with shrimp. Roll and serve with Lumpia Sauce.

Recipe Source: TIMPLA Cookbook

 

oOo

"Minsan nga lang ako umibig, sa maling tao pa" – Boots Anson-Roa, MINSAN LANG KITA IIBIGIN (2011)

Sir, Tenkyu!

Ang weird ng Facebook account ko.

Minsan kasi tsine-tsek ko ang FB account ko sa selpon ko. At pangalawang beses na nangyari sa akin ang ganito: sa selpon ko, may natatanggap at nababasa akong messages sa INBOX ko, pero pag sinilip ko naman ang INBOX ko sa computer ko…waley! As in wala ang mga messages dun. Kalurks!

Gaya na lang neto…may message sa akin ang isang Mr. Junalabdullah Lami-in. Hindi ko tuloy ma-replayan agad ng pasasalamat kasi hindi ko ‘to makita dun sa PC ko.

From Junalabdullah Lami-in: 1 day ago

Mga 2 weeks na rin siguro akong nagbabasa ng blog mo at di ko talaga maiwasan i-share sa mga officemates and friends kong pinoy. Nakakatuwa kasi.

Nakakatanggal pagod. Kakaiba yung banat mo.

Through your blog, napapasaya mo kaming mga Pinoy dito sa UAE.
Sana tuloy-tuloy pa rin po ang pagpo-post nyo.

Sir, maraming salamat po. Bilibit or not, simple at maiksi lang ang email mo pero kinilig ako. Hindi talaga ako nagsasawa tumanggap at magbasa ng mga ganitong klaseng mensahe. Sana sa susunod ay damihan nyo pa ang pag-email. Hehe! Sensya na, gusto ko lang po mamihasa. :P Masarap na kunswelo kasi.

Balik-balik Sampaloc lang kayo dito sa blog ko, sir. Uulitin ko, maraming salamat lalo na sa pagpapalaganap. Harinawa ay magkaroon pa ako ng maraming followers at sana ay maging isang ganap na kulto ang Maruism. Weee!

Hays…sana pag naging ganap na kulto ang Maruism, ay gawin nyo kong diosa. Na ang attire ay naka-pekpek shorts lang at nakasuot ng boots na gawa sa purong balat ng et*ts. Chos!  

 

oOo

 

Friday Thoughts