Pissbook

Hindi naman sa nagmamaasim ako o nag-aastang akala mo kung sino, pero sa Maruism Facebook account ko, 98% na nagpapa-add sa akin ay hindi ko kilala personally. Hindi ako namimili ng pag aksep ng friends request. Pag may nagpapa-add sa akin, accept lang ako ng accept kasi ina-assume ko na reader sila ng Maruism.

At pag may nakikipag-chat sa akin sa FB, kung libre din lang ako, sumasagot naman ako dahil gusto kong panindigan ang matagal ko ng suot-suot na SASH na may naka-print na Miss Friendship. 😛

Heniweys, kagabi habang bisi-bisihan ako, biglang may pop-up na ganito sa FB chat ko. Nagulat ako.

8-30-2011 7-04-38 PM

Aminin ko, nairita ako!

Walang pinagkaiba ‘to sa eksenang may unfamiliar number na tumawag sa cellphone mo tapos ni “Hi o Hello!” man lang eh wala, tapos yung caller pa ang may ganang magtanong kung sino ka samantalang sila ‘tong tumawag sa ‘yo. Imbyerna di vah?

Hindi naman sa gusto ko magtaray ha, pero unang-una, HINDI KO SYA KILALA. Siguro naman ay maiintindihan ako sa naging pabarang sagot ko dito sa kumausap sa akin. Patawad. Pero umangat talaga ng 180 degrees ang kanang kilay ko at sa  medyo nagpanting ang mga tenga ko.

Nagplano pa naman ako na lektyuran ko sana siya tungkol sa ETIKETA sa social networking, kaso di na nagreply si ateng. Sayang! 😀

oOo

Burger Steak

Na-miss ko ang Jollibee Burger Steak kaya naman nakapagluto ang Mamaru kanina para maibsan ang cravings. Siempre gaya-gaya ako sa Jollibee. 😀

burger steak

Burger Patty

  • 200g ground meat (70% beef, 30%pork)
  • 2 tbsp soy sauce
  • 2 tbsp finely chopped white onion
  • 1/2 tsp pepper
  • a pinch of salt

1. Combine ingredients to a bowl.
2. Get a spoonful of the mixture, roll into a ball then flatten using your palm.
3. Fry.

Mushroom Sauce (or Gravy)

  • 2 tbsp oil
  • 2 1/2 tbsp flour
  • 1 beef cube dissolved in 2 cups hot water
  • 1 tbsp, chopped white onion
  • button mushroom, sliced
  • salt and pepper

1. Heat oil, saute onion, add mushroom.
2. Add flour, whisk using a wire whisk until no more lumps.
3. Add beef bouillon, salt and pepper,until mixture thickens.

 

oOo

“A successful relationship is about falling in love with the same person over and over again.”

DIY Project: Homemade Laundry Soap

Ipagpatawad nyo kung puro DIY ek-ek na lang ang mga post ko dito sa blog ko. Kasi naman masisisi nyo ba naman ako, sabi nga ni Vice Ganda (sa pinapauso nyang word ngayon), SEVERE na talaga kung magtaasan ang presyo ng mga bilihin ngayon! Kalurkey! Eh isang pobreng alindahaw lang naman ako. Kaya naman kinakarir ko talaga ang paghahanap ng paraan kung saan ako makakatipid sa mga gastusin ko.

Matay man, kung kaya ko nga lang mangitlog tuwing umaga ay ginawa ko na. At kung kaya ko lang gatasan ang sarili kong dede ay ginawa ko na rin para lagi kaming may fresh milk. Haha! Oo, para hindi na ako bibili pa ng itlog at gatas. At kung pwede nga lang magtanim ng palay sa paso namin para hindi na ako bibili ng bigas, ay ginawa ko na rin! Lelz! Exajs!

Heniweys, tama na ang paliwanagan tutal wala naman ako sa presinto.

Sa seryosong hangarin kong mabawasan pa ang mga items na nasa grocery/shopping list ko, nag-ikot ako sa cyberspace kasama si bespren Google para alamin ang mga bagay-bagay sa dako pa roon. (Hanudaw?) At eto nga, napadpad ako sa iba’t ibang site ng mga nanay at napag-alaman ko kung paano gumawa ng Homemade Laundry Soap.

Dalawang klase ang homemade laundry soap ang natagpuan ko at pareho kong ginawa – ang powder at liquid. Para malaman ko rin kung alin sa dalawa ang magugustuhan ko.

Para sa POWDERED DETERGENT ang recipe source ko ay DITO.

Homamade Laundry Soap

Tatlo lang ang sangkap para sa POWDERED DETERGENT:

Medyo mahirap nga lang hanapin ang Zote Laundry Soap kasi hindi ‘to available sa mga supermarket. Swerte ko at may nakita akong Zote sa isang stall sa mall kung saan puro imported items ang mga binebenta nila. P39.00 ang bili ko ng Zote. Laundry soap sya at ambango! Bangong malinis!

ZOTE Laundry soapZote, borax, soda wash

Para sa Borax at Washing Soda/Soda Ash, hindi rin ‘to basta-basta makikita sa mga supermarket lalo na dito sa probinsya namin. Sa isang baking supply store sa palengke ko sila nakita at per kilo ang benta nila. Bumili ako ng tig-kalahating kilo lang muna. (Borax: P58.00/kilo; Soda Ash: P38/kilo)

Ayan, paghahaluin lang daw ang tatlong sangkap.

ONE TABLESPOON per load lang ang ilalagay sa washing machine.

grated Zote laundry soapDSC04137_2

Para sa LIQUID DETERGENT, galing DITO naman ang recipe source ko. Ang sabi ng source ko, pwede kahit anong bar soap na kinudkod ang ihalo. Tiempo naman may mga sample bath soap ako galing sa sister ko. 😀

Aktwali, bukod sa 2 gallon na tubig, pareho lang sila ng sangkap at sa klase lang ng bar soap nagkakaiba.

  • 1 bar of soap (any kind you want)
  • 1 cup of Borax
  • 1 cup of washing soda
  • 2 gallons of water

Homemade Laundry Soap

Kung sanay ka sa commercial laundry soap, malamang hindi mo magugustuhan ang homemade soap na ‘to kasi hindi ‘to bumubula. Pero pakaisipin mo (at agree ako sa sinabi ng source ko) na …SUDS don’t equal clean. Hindi bula ang nakakalinis ng damit. Ang mga commercial laundry soap, may borax at wash soda din na kahalo ang mga yun…dinagdagan nga lang ng pabango at sangkap na pampabula.

ONE HALF CUP per load naman sa washing machine ang pag gamit ko dito sa liquid.

soda ash and boraxborax and soda ash vaseline bar soapgrated bar soap  DSC03897_2DSC03899

Mahigit dalawang linggo ko ng gamit ang parehong laundry soap na ‘to. Hindi ko agad pinost dito sa blog ko kasi inobserbahan ko muna kung talaga bang nakakalinis ang mga ek-ek na ‘to.

Howel, yes! Epektib sila na nakakalinis ng labada at higit sa lahat malaking tipid sa presyo kumpara sa commercial laundry soap. Impernes, tipid din sa consumption ng tubig dahil wala masyadong bula na tatanggalin sa pagbabanlaw.

Homemade Laundry Soap

So, alin sa dalawa ang mas nagustuhan ko?

Sa LIQUID detergent, nakakalinis ng damit siempre dahil may Borax at Soda wash pero parang pampabango lang ang naging papel ng bar soap na inihalo ko. Kunsabagay pampaligo naman talaga ang sabon na ginamit ko. Patuloy ko pa rin ginagamit ang liquid soap ko pero para doon lang sya sa mga hindi heavily stained clothes. Para sa mga pambahay na damit lang at hindi ko mairerekomenda para panglaba sa mga maong na pantalon.

Mas nagustuhan ko ang POWDERED DETERGENT. Dahil na rin siguro sa Zote. Malaking tulong dahil pang laundry talaga ang Zote. Mabango. Pareho sila ng liquid na matipid gamitin pero mas madaling gawin nga lang ‘to kasi magkukudkod lang ako ng Zote.

Dati every week ako bumibili ng sabon panglaba. Ngayon, parang medyo matatagalan pa siguro bago ako mag-refill ng Homemade Powdered Laundry Soap ko. 😀

Dito na siguro ako sa Homemade Laundry Soap na ‘to. Matipid na, nakakatulong pa ako kay Mother Earth. Charot! 😛

oOo

SMS Jokes 2011-236

** Courtesy of Jinky

Bisaya Joke:
One guy shouted inside the church & says:
" Itigil ang kasal! Minyo na ang babaye! "

The people shouted back:
"Estoryaheee!, Bunyag ni! "

Yaw  kahebung nganung  "BHE" ang etawag sa mga lalake ngadto sa elang kauyaban.:
1. BHE-lat ray geapas sa mga lalake,
2. BHE-yaan ra dayun human makuhaang ilang gusto, ug lastly
3. BHE-ga ray permi gehuna huna sa mga lalaki.. Mao nga kamu mga GIRLS "BHE" careful sa mga BOYS nga "BHE"song ray geapas!.

**Courtesy of Mike

Nanuod ng sine ang Bulag, Bingi at Duling..
DULING: “Bakit dalawa ang screen?”
BINGI: “Ba’t walang sounds?”
BULAG: “Puro kayo reklamo! Kita nyo ngang hindi pa nagsisimula.”

  •  

Boy: “Dry ng lips mo ahh.”
Girl: “Talaga?”
Boy: “Halika dito para di mag dry.”
Girl: “Weh? Baka Halikan mo ako?”
Boy: “Gaga! Lalagyan ko lang ng Lipstick. Kaloka! Ambisyosang to!”

MMDA: “sir lisensya nyo?”
JUAN: “ah,, eh,,sir wala po eh… sir id mo?”
MMDA: “ah,,eh wala din..”
JUAN: “oh pano yan quits na tayo.”

The Golden Rule When Reading A Menu In A Restaurant
"If you can’t pronounce it…
You can’t afford it."
😉

Nilalamig ka ba?
Ba’t di mo subukang yakapin ang PLANTSA!

Continue reading

Monday Humor

**Courtesy of Kups

Attitude of Boys
Nanliligaw pa lang: “Pwede ba kitang ihatid?”
Naging sila na: “So pwede na kitang ihatid everyday?”
3-6 months na sila: “Sige na nga, ihahatid na kita!”
6 months – 1 year: “Hatid pa ba kita?”
1 year up: “Text mo na lang ako pag naka uwi ka na.”

Girl 1 : “I call my BF, HONEY, mahilig siya sa matamis!”
Girl 2 : “I call my BF, BOTE.”
Girl 1 : “Mahilig uminom?”
Girl 2 : “Nope, parang bote, may leeg pero walang utak .”

  •                                                                                                        

QUESTION: In which place do women’s hair grows VERY THICK and VERY CURLY???
ANSWER: AFRICA

What is MISUNDERSTANDING??
It is when a girl declares that:”Break na tayo!”
And the boy answered: “Sige nagugutom na rin ako eh”

QUESTION: What did the hurricane say to the palm tree?
ANSWER: Hold on to your nuts. This is no ordinary blow job!

On their wedding night, both husband and wife were claiming virginity
WIFE: “If it was your first time, then how did you do so well?”
HUSBAND: “And if this was your first time how did you know that I did so well?”

Continue reading

Tablet PC

Who would have thought that the time would come when computer users wouldn’t need a keyboard to control their computers anymore. Indeed, the touch screen technology is here and Eee Pad Asus is now joining the competition of the best PC tablet in the market. Eee Pad Asus, just like any other PC tablets is very portable, you can pretty much bring it wherever you go. I still have it in my wish list, to own a tablet computer one day.

Sew Happy 4 – ( DIY: Altered Bed Spread)

Napagdiskitahan ko ‘to last week. My old white lacey bed spread na ginagamit ko noong virgin pa ako. Wa istir! 😛

BEFORE 

DSC04170_2

Matagal ng hindi nagagamit ‘to kasi pang single bed ang size nya. Nanghihinayang naman ako na ang tagal na nyang nakaburo sa baul (kaya amoy-naptalina sya habang tinatahi ko) kaya ginawan ko na ng paraan para mapakinabangan.

DSC04169_2

#1 – pang single bed ang spread, hindi kasya sa bed namin.

#2,3,4,5 – pinagtatastas/inalis ko mga yan.

#6 – ginupit ko sa gitna para madugtungan.

AFTER

DSC04209_2

Sensya na kung hindi ko na nakuhang plantsahin muna bago kinodakan. Hindi naman dahil sa excited ako. Nagtitipid lang talaga ako ng kuryente. Wahaha!

DSC04211_2  DSC04214_2 DSC04213_2

Eto ang mga lace na inalis ko dati sa may laylayan at pinaggupit-gupit ko. Nilagyan ko pa rin ng lace ang bagong laylayan kung mapapansin nyo.

DSC04171_2DSC04172_2

At siempre, gaya ng dati kong punchline…sa pamamagitan ng paggamit ko ng angking-kagandahan, alindog, kabataan at sentido-kumon, ang ibang lace ay ginawa kong bulaklak. 😛

DSC04174_2 DSC04175_2

Nagkataon na marami akong retasong white tetoron na tela kaya nakagawa din ako ng pang-pillowcase at cushion cover to match the altered bed spread.

DSC04200_2DSC04215_2

Hulaan nyo na lang kung saan ko pa pinaglalagay ang mga binutingting kong mga bulaklak at ibang mga tinabas na lace.

DSC04206_2

O ayan! Ready na ang kama. Lalaking maikakama na lang talaga ang kulang. Lalaking mapaglalaanan ko ulit ng virginity ko. Hihi!

oOo

Sew Happy 3 – (DIY: Bedroom Curtain)

Hataw sa pagtatahi ang Mamaru lately. Hindi halatang pressured ‘no? 😀 Eh kasi naman kelangan ko na matapos na ang mga naiisip na DIY at baka kunin na sa akin ang sewing machine na nahiram ko.

bedroom curtain

Just finished this curtain project yesterday at naikabit ko na rin sa kwarto namin. Tuwang-tuwa si Sang na nakatingala sa akin habang nagkakabit ng bagong kurtina namin. Sa tuwa nya, inumpisahan na rin nya ngatngatin ang laylayan ng kurtina. Lech!

DIY bedroom curtain

Sarap sa pakiramdam na naka-save na naman ako ng pambayad sa sastre para magkaroon ng bagong kurtina.

oOo

Sew Happy 2 – (DIY: Pillow and Cushion Cover)

Uy! Hindi ko dinikwat ang punda na ‘to galing sa Conrad International Hotel ha!

Binigyan ako minsan ng brother ko ng isang pagkalaki-laking bathrobe na halos pwede na gawin kumot ko sa laki galing Conrad Singapore Hotel. Bagong-bago!  Hindi ko alam kung complimentary talaga ang bathrobe doon as souvenir o complimentary use of bathrobe lang. Shhhh! Wag na lang maingay ha, pero mas duda akong nenok lang ‘to ng bro ko galing dun. Wahaha!

pillowcase

Hindi ko naman nagagamit ang bathrobe kasi super-laki nga. Kaya eto ang nangyari. Tinastas ko lahat at ginawang pillowcase. Ayan at nakagawa lang naman ako ng dalawang punda ng unan namin.

pillowcases

At may ka-ternong dalawang cushion cover din.

cushion (front)

(Front)

cushion (back)

(Back)

oOo

“With great POWER comes great. . .electric bill!”

SMS Jokes 2011-235

**Courtesy of Mike

May lalaking nasa radio station at sinabing: Nakapulot po ako ng wallet na may lamang 50,000 pesos at saka ID na may pangalang Juan Tinidor.
DJ: "Gusto mo bang isauli?"
LALAKI: "Hindi po, gusto ko pong magdedicate ng sad song para sa kanya."

3 buntis naguusap..
BUNTIS1: "Pari ang magiging anak namin dahil palagi kaming naka-missionary position ng mister ko noong ginagawa namin sya."
BUNTIS2: "Kami gymnast palagi kaming nag-aacrobat ng mister ko sa kama."
BUNTIS3: "Kinakabahan yata ako sa magiging anak namin kasi baka tumahol."

Isang Kano na marunong magtagalog at isang pinay ang nagpakasal at sa gabi ng kanilang honeymoon habang nagsex sila..
KANO: "Sa wakas napailalim na rin ang Pilipinas sa Amerika!"
PINAY: "Sa wakas naipasok na ang Amerika sa loob ng Pilipinas!"

ANAK: "Tay, punta tayong jollibee! doon tayo kumain."
TATAY: "sige, basta ba i-spell mo muna yung word na "jollibee""
ANAK: "Sa KFC na lang pala, Tay. Mas masarap dun."

Continue reading