Keri Nyo Kaya ‘to?

Aaminin ko, pag umiihi ako sa mga public toilet eh hindi ako umuupo sa toilet seat. Posisyon ko? Nakatuwad! Hihi! Bahala na kayo mag-imagine.

Hindi naman kasi lahat ng public toilet ay malinis. Kaya sa tinagal-tagal kong pagiging babae (meron kasi iba, bago at gawa-gawa lang ang pagiging babae) siempre nagawan ko na ng paraan kung paano umihi ng nakatuwad ng slight para hindi lang lumapat ang luminous at glow-in-the-dark kong wetpaks sa toilet seat. 😀

Mahirap sa umpisa ang ganung posisyon pero sanayan lang naman yan at nagagawan din ng teknik sa katagalan. Kaya wag nyo ko tanungin kung bakit sanay akong tumuwad. Wahaha!

Sa abroad, medyo matagal-tagal ko na rin nalaman ang chika na to na pwede na umihi ang mga girls sa public toilet na nakatayo!

public toilet for women

Paano? PEE-MATE.

Sa pamamagitan ng paggamit ng disposable PEE-MATE na to, pwede na raw magparaos (shet! paraos!) ang babae na nakatayo. Wee!

peemate

Pero hindi ko keri to. Pramis! Tingin ko mababasa lang ang mga hita ko sa imbensyon na to. Kakarampot eh.

Kung iihi ako ng nakatayo hindi ganito kaliit ang kailangan ko. Kelangan ko yung butas ay parang sisidlan ng LARGE french fries ng McDo ang chura! Haha!

Tsaka parang ang sagwa tingnan ng girls pag umiihi na nakatayo. Parang nakakabawas ng pagkababae.

public urinal for women

Kayo, mga kapwa kong may pechay, keri nyo ba to?  Wait! Dapat pala hindi Pee-mate tawag dito – dapat Pee-chay! Pang pechay naman kasi. 😛

P.S.

Hmmmnmay bahid ba ng kahalayan ang post kong to? Well, paalala po sa mga menor de edad kong mambabasa, patnubay ng magulang ay nararapat. Chos!

 

 

oOo

Lahat ng sama ng loob nya ay sa akin nya nilalabas… ano ako inidoro?

6 thoughts on “Keri Nyo Kaya ‘to?

  1. okay lang sa akin umihi ng patayo ang babae basta dapat sa iisang toilet na lang iihi ang lalake at babae hehe. tsaka di na kelangan ang pee-mate. pede naman talaga kayo umihi ng nakatayo, lakihan lang ang bukaka at liliyad ng konti.lalo ka na maru, ayon sa iyong testimonya, di kasya ang peemate sa yo hehe. di nga lang kayo pedeng mag pataasan ng ihi hehe. thats exclusive for men!

    • @jack (slicenuten), ayoko maki-share sa urinal ng mga lalaki. Iba ang amoy ng mga ihi nyo, ang tapang! Masakit sa mata yung panghi ng wewe nyo. Lol!

      Loko ka, naniwala ka naman sa testimonya ko. Bigwasan kaya kita. Pero ang totoo nasubukan ko na umihi ng nakatayo gamit ang isang cellophane. Successful naman. Yun eh pwede pa siguro kesa dyan sa Pee-Mate na yan. 😀

  2. y u kaya ni try umihi ng nkatayo? ska bat cellophane? available resource b yun nung tym ng emergency? :)pero sabi mo nmn succesful kya imajinin ko na lang! hehehe

    • @MINE, nasa second floor kasi ako nun, hatinggabi, at tinatamad bumaba sa banyo. Patayo ako nag wewe para malaman ko agad kung may butas yung cellophane. Hahaha! Sucksesfool naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.