Nang Mag-Uwi Ng Babae Ang Anak Ko

Noong Monday, nag-uwi ng BABAE ang anak kong lalaki.

Sa sorpresa ko, nai-tweet ko agad yun at na-stat sa FB ko.

Mega-react naman ang mga ka-FB ko. May nag-LIKE at may napa-comment.

8-8-2011 2-53-53 PM

Mga ka-FB! Sorry naman at hindi ko nabanggit na HINDI babaeng-tao ang inuwi ng anak kong si Kevin.

Eto siya!

Introducing…SANG! She’s the girl!

Ang bagong miyembro ng pamilya ko.

cross-breed cockapoo

Oo, Sang ang name nya. Ambaduy no?! Bakit, Sang? Abah! Ewan ko sa anak ko. Basta sabi nya, Sang o Sang-Sang daw namelalu nya. Ok ‘kako, WATEBER!

Born May 17, 2011, kaya mag-3 months pa lang ang Cockapoo naming ‘to. A Cockapoo, it is a cross-breed,  not a purebred, between the Cocker Spaniel and the Poodle.

Super-excited kaming tatlo sa bago namin alaga. Proud ako sa dalawa kong anak kasi nasa puso  talaga nila ang mag-alaga ng aso. Gustong-gusto nila. Di nga ba, may kasabihan na mas masasalamin mo o malalaman kung anong klaseng ugali meron ang isang tao sa paraan o kung paano siya mag-aruga sa alagang hayop niya.

Praktis na rin ‘to para sa mga anak ko kung paano maging responsable sa iba bukod sa mga sarili nila. Dalawang araw pa lang sa amin si Sang pero labs na labs na agad namin.

Cockapoo

Medyo maSangSang ang amoy ngayon ng bagong beybi namin. Hindi pa namin mapaliguan kasi hindi pa raw pwede dahil bagong bakuna siya. Sa daming vaccine na kelangan para sa alagang aso, isang bakuna na lang ang kulang ni Sang ngayon, yung anti-rabies na lang. After a month pa siguro namin siya bibigyan ng turok.

Nang dumating si Kev bitbit ang babaeng ‘to noong Lunes….mistulang PG (patay-gutom) ang chura ng aso. Abah, pinagbuksan agad ng anak ko ng kornbip! Ako naman, naghanap agad ng bowl na bagay sa beybi namin, yung kulay-PINK! 😛

Sang

Ayan, sa ngayon hindi na ako muli magso-solo dito sa bahay pag nasa school ang mga amo ko. May makakasama, makakalaro, makakausap at taga-bantay na ako. Palaging nakasunod sa akin si Sang kahit saan man ako umikot ng bahay. As of this writing, nakabulagta siya sa ilalim ng computer chair ko. Panay tulog din ang hitad! Nagpapataba ng pekpek!

Mas prefer ko sana ang boy na aso. Kaso girl ang inuwi ng anak ko pero OK na rin. Wag lang sana magbuntis agad. Haha! Pinag-iisipan ko nga rin, since Pro-RH Bill ako, ipa-ligate ko kaya si Sang? 😀

 

oOo

SMS Jokes 2011-230

**Courtesy of MIKE

REPORTER: “Ano po ba ang nangyari?”
IMBESTIGADOR: “Ninakawan ang ofis ni Cong. Curacot.”
REPORTER: “Malaki siguro ang natangay. Ngayon ko lang nakitang nagalit nang ganyan si Congressman.”
IMBESTIGADOR: “Maliit lang. Pero talagang ganyan ang buhay. Ang magnanakaw, galit sa kapwa Congressman!”

  •  

SIR: "Yaya, sobrang init nitong kape, ilagay mo naman sa platito."
Kumuha ng platito, ibinuhos ang kape sa platito.
YAYA: "Sir, eto na po ang kape! Refil na lang po pag ubos na ang nasa platito. Dahan-dahan lang po inom, baka mabuhusan po kayo."

Yaya was asked where the Netherlands is located. She answered, "Di ba dun nakatira si Peter Pan?"

On Migz resignation…
JUAN PONCE ENRILE: "An unselfish act…"
Ed ANGARA: "A brave decision that will change the course of politics.."
LITO LAPID: "Bakit siya nag-resign? Puwede namang mag-absent!"

Continue reading