4 thoughts on “Coffee and You Addiction

  1. Hi Maru, Avid reader ako ng blog mu at hindi kumpleto araw ko kng hindi ako maopen to..I know hindi ito site pra humingi ng advise pro wala talaga akong makausap ngayon eh. Im 3 months married and expecting our first baby.long distance relationship kami ng husband ko since naging kami more than 2 yrs ago…once a month lng kami ngkikita pro sa awa ng Diyos ay ngsurvive naman relasyon namin. naiinis ako sa sarili ko kasi ngseselos ako sa cousin ng husband ko.. she is 18yo at maganda..nakatira sya at pinag-aaral ng family ng husband ko.. inggit ako sa closeness nila.. yong tipong,c 1st cousin ay natutulog sa kwarto ng husband ko at mgkatabi cla at magkayakap..I dont know if malisyosa lang talaga ako dahil 1st cousin din naman, baka ganyan lng talaga cla ka close or my kailangan akong ipagbahala..
    kinausap ko husband ko about this and he assured me na wala talaga akong dapat ipagbahala pro hindi ko maiwasang maging paranoid eh.. hindi ko alam kng selos ako dahil baka type sya ng husband ko or selos lng ako sa attensyon na binibigay ng husband ko sa kanya knowing na long distance kami at cla palagi mgkasama,, either way, hindi ako makatulog kakaisip nito… huhuh

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Niko’s mom, Ateng, dederatsahin na kita ha? Worried ako sa yo. Sabi mo nga pregnant ka, eh hindi maganda sa isang buntis ang problemado kasi baka makaapekto kay baby. Please iwasan mo ang mag isip ng todo o maging praning.

    Tungkol dun sa cousin ng husband mo, naiintindihan kita. Ako man ang nasa sitwasyon mo, pramis magkakaroon din siguro ako ng malisya sa closeness ng dalawa. Hindi naman kasi maganda tingnan na yung 18yo na pinsan eh nagtatabi pa o nagyayakapan pa sila ng mister mo. Hindi na yun bata noh? Matay man, may libog na yun sa katawan. Kaya hindi pwedeng ipagwalang bahala lang. Lol!
    Kung ako sau, kausapin mo ulit si husband. Ok, siguro nga natural na sa mister mo at cousin nya ang closeness nila mula noon pa. Explain mo, tell him iba na siempre ngayon – mag asawa na kayo noh! Deretsahin mo na. Sabihin mo nagseselos ka, period! Wag kang mahiyang umamin na nagseselos ka sa kanila para makapag isip-isip din si mister na umiwas na rin alang-alang sa yo at sa sitwasyon mo ngayon. Karapatan mo rin naman ang magselos dahil misis ka.

    Pero eto ang importante sa lahat. Please, kung pwede wag mo na lang muna intindihin yung mister mo at yung cousin nya sa ngayon. Mas isipin mo muna yung kundisyon mo sa ngayon. Importante na stress-free ka while preggy. Think of other things, kung pwede yung positive and happy thoughts lang. Kung happy ka, masayahin din tiyak ang baby mo. Take it from me, wag mong hayaan na singilin ka ng bata sa paglabas nya. I mean, pag di mo yan inalagaan while nasa loob pa, chances are magiging sakitin yan paglabas. Gusto mo ba yun?

    Heniweys, pasensya ka na kung yan lang nakayanan kong adbays as your “Ate Charo” ha? Pero wag ka mag alala at baka may ibang readers na makabasa nito eh malay mo magbigay din ng input nila. Sana nga eh meron din.

    Thank you nga pala sa pagiging avid reader ng blog ko ha? Tsaka kung meron ka pa gustong sabihin o i-share…feel free lang ha? Tsaka na lang kita sisingilin, ateng. Hehe!

    Hope to hear from u again.

    Again, be strong, be happy.

    God bless you.

    [Reply]

    bay-a-wakNo Gravatar Reply:

    Dear Ate Charo(t),

    Mapagpayuhan nyo sana ako sa aking suliranin. Mula pa noong bata pa ako ay suliranin ko na ito. hanggang ngayon ay hindi ko pa nahahanapan ng kasagutan.

    Bakit kaya kapag natutulog ako ay pumipikit ang aking mga mata? Kahit naaantok lang ako ay hindi ko mapigilan ang pumikit. Kahit sa aking paghikab ay pilit pumipikit ang akong mga mata. Bakit kaya, Ate Charo(t)?

    Sana ay mapagpayuhan mo ako sa aking suliraning ito.

    Maraming salamat, Ate Charo(t).

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @bay-a-wak, oten mo!

    Pero seryoso, mag wori ka kung natutulog kang dilat ang mga mata mo. Sa isang banda mabuti rin siguro ang ganun…hindi ka makukupitan ng katabi mo o ng misis mo kung saka-sakali dahit nakadilat mata mo kahit tulog.

    Pansin ko, antukin ka. Matanong nga kita, hindi ka ba napupuyat sa katutulog?

    Pucha ka! Kala ko naman tutulong ka sa pagpapayo kay Niko’s mom. Pero naalala ko…walang wenta nga pala magbigay ng advice ang mga lalaki lalo na pag tungkol sa ibang babae ang problema. Hehe! Kampihan kayo eh. Hays…litsi!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *