Tuesday Photos

Eto ang tulugan ni Sang sa gabi.

puppy Sang

Twice ko lang sya tinuruan para pumwesto dito. Napaka-masunurin ng little bitch namin na ‘to kasi pag matutulog na kami, nagkukusa na sya sumampa sa “kama” nya. Kama nya na kelangan na yata palitan agad dahil baka magmistula syang may osteoporosis sa paglaki nya. 

Kelangan palitan ng mas malaki ang higaan nya nang makapag-stretch naman ang mga legs nya. Hays..kelangan ko na yata maghanap. Kasehodang ipagpangutang ko pa o kaya hulog-hulugan ko ang pagbayad sa furniture shop basta magkaroon lang ng bagong kama ang beybi namin. Chos! 😛

  puppy Sang

Nang dumating sa amin dito si Sang, dala-dala nya ang small stuffed toy na yan sa tabi nya. Peborit nya yan sabi nong dating owner na pinanggalingan ni Sang. Medyo maputi pa ang tsura ng toy nya noong dumating sya dito. Sa kakangatngat at kangungudngod nya sa sahig, ngayon ay naging gusgusin na ang tsura ng teddy bear nya.

 

 

oOo

“Huwag mong i-KAMA (,) kung may PERIOD (.)”