Tuesday Photos

Eto ang tulugan ni Sang sa gabi.

puppy Sang

Twice ko lang sya tinuruan para pumwesto dito. Napaka-masunurin ng little bitch namin na to kasi pag matutulog na kami, nagkukusa na sya sumampa sa kama nya. Kama nya na kelangan na yata palitan agad dahil baka magmistula syang may osteoporosis sa paglaki nya. 

Kelangan palitan ng mas malaki ang higaan nya nang makapag-stretch naman ang mga legs nya. Hays..kelangan ko na yata maghanap. Kasehodang ipagpangutang ko pa o kaya hulog-hulugan ko ang pagbayad sa furniture shop basta magkaroon lang ng bagong kama ang beybi namin. Chos! 😛

  puppy Sang

Nang dumating sa amin dito si Sang, dala-dala nya ang small stuffed toy na yan sa tabi nya. Peborit nya yan sabi nong dating owner na pinanggalingan ni Sang. Medyo maputi pa ang tsura ng toy nya noong dumating sya dito. Sa kakangatngat at kangungudngod nya sa sahig, ngayon ay naging gusgusin na ang tsura ng teddy bear nya.

 

 

oOo

Huwag mong i-KAMA (,) kung may PERIOD (.)

2 thoughts on “Tuesday Photos

  1. You’re so lucky you have your Sang. Mine are going to their second home tonight after 3 months of taking good care of them. I will MISS them so much.. 🙁

Leave a Reply to boy_himud Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.