Esep-Esep 11

  • Panay brownout dito sa kuta namin. Nagsisimula ng 8am – 5pm. Tuloy, hindi tumitigas ang mass production ko ng yelo!  Naaantala ang pagyaman ko ng dahil sa kawalan ng kuryente. Nyemas!
  • Daming excited dahil long weekend. Eweno naman ngayon? Eh lagi naman long weekdays slash weekend naman ang mga araw ko. 😛 Ang ikinatutuwa ko lang naman pag may holiday ay yung nakakapagpahinga ang pitaka ko sa kabibigay ng baon sa mga amo ko.
  • Sa usapang showbiz, may pinagdadaanan daw ngayon si KC Concepcion. Anong daan o kalye naman kaya yung tinatahak nya? Hehe! Hays, ikaw ba naman mag-bf na alanganin, natural malulukring ka. Pero ok yan, minsan kelangan mo ang magkamali at masaktan para matuto ka sa buhay. May mga aral sa buhay gaya ng kung paano maging madiskarte, hindi yan itinuturo sa school, kasehodang sa magarang eskwelahan ka pa ng France nag gradweyt ng pag-aaral.
  • Anubayan! Naabutan na lang ako ng pagre-resign ni Steve Jobs bilang CEO ng Apple, pero hindi pa rin ako nagkakaroon ng sariling Apple laptop. Hanggang ngayon naka-Pentium 1 computer pa rin aketch. Lol! Speaking of Steve Jobs, pwera biro, parang nalungkot din ako sa nangyayari sa mama kahit hindi kami close. Para tuluyang magbitiw sya, isa lang ibig sabihin nun – hindi na biro ang estado ng health nya. Ang buhay nga naman, biro nga nila mas maraming pera pa ang kumpanyang Apple ngayon kesa sa bansang Amerika, pero aanhin mo naman ang sandamakmak na yaman mo kung waley na sa ayos ang kalusugan mo. 
  • Hindi ako nagtimbang pero pakiramdam ko ako ngayon ay kulang. Kilig naman ang Mamaru at may mga nakapansin na pumayat daw ako. Weee!

 

oOo

One thought on “Esep-Esep 11

  1. haha nakakatawa ka talaga hotmamamaru, ang saya ng sunday morning ko kababasa ng blog mo. sana di na mag brownout dyan ng bumongga ang produksyon ng yelo. ng matapatan mo na si steve jobs. at same reaksyon ako kay kc, shungaers ang atey, pumatol kasi kay papa p. di nya alam, hihingi lang ng pointers un paano maging pretty. kakalurkey!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.