Minsan gusto ko mag-bake kaso mas madalas nauunahan ako ng katamaran lalo na pag naiisip ko na magtatakal pa ako isa-isa ng mga ingredients.
Howel, sinipag ako kanina kaya sinamantala ko na ang mood ko. Naghalo ako ng mga epektos ko para mapagaan ng konti ang buhay ko o ang pagiging diva-divahan ko sa kusina.
1. Una kong pinaghalo ay ang mga epektos ko para sa Fudgy Brownies.
O di vah! Ayan magiging madali na sa akin ang pagluluto ng brownies. Dadagdagan ko na lang ang Brownie Mix ng 1/2 cup na tinunaw na butter, 2 itlog at 1 kutsarita ng vanilla. Ayus na!
Nakapag-bake na ako dati ng Fudgy Brownies at nai-post ko na rin dito sa blog. Para sa paraan ng pagluluto, click mo dito:
http://www.maruism.com/2011/06/28/comfort-food-fudgy-brownies/
FUDGY BROWNIE MIX:
- 1/2 cup Dutch cocoa powder
- 1/2 tsp salt
- 1 cup sugar
- 2/3 cup sifted all-purpose flour
- 1/4 tsp baking soda
2. Ang pangalawang epektos ay ang Pancake Mix. Mula ngayon, ba-bye na ako sa mga commercial pancake mix. Burado na sila sa grocery list ko kasi gagawa na lang ako. Makakatipid pa ako ng malaki. Pwedeng magtagal ang premix na ‘to ng hanggang 6 months.
PANCAKE MIX
- 1/4 cup sugar
- 1 cup dry milk powder
- 4 cups flour
- 1 tsp salt
- 4 tsps baking powder
- 2 tsp baking soda
PANCAKES USING MIX
- 1 beaten egg
- 1 cup of water
- 1 Tbsp oil
- 1 1/2 cups pancake mix
- syrup and other desired toppings
Mix together egg, water, and oil. Add the pancake mix and blend it all up. Preheat a pan with oil and pour about 1/2 cup of batter per pancake. Cook for a few minutes, until bubbles form on the top. flip the pancake and cook for about 1 minute longer. Makes about 6-8 pancakes. Serve with toppings of your choice!
3. Eto talaga hindi nawawala sa grocery list ko, ang Breading Mix. Peborit ng mga amo ko ang fried chicken, kaya importante ‘to sa akin. Howel, tsugi na rin mula ngayon sa listahan ko ang mga commercial breading mix. Gumawa na ako kanina ng homemade. Malakas ang kunsumo ko ng breading mix kasi gamit ko rin ‘to pag nagpi-prito ako ng isda – para hindi madikit sa kawali ang isda habang piniprito.
SIMPLE BREADING MIX
- 1 cup tapioca/cassava flour (or all-purpose flour)
- 1 cup breadcrumbs
- 1 teaspoon paprika
- 1/2 teaspoon salt
- 1/2 teaspoon garlic powder
- 1/2 teaspoon black pepper
Mix all the ingredients in a small jar & seal with a lid.
4. Para naman sa mga sangkap at kung paano maghalo at paraan para makagawa ng shabu, email nyo na lang ako. Jokeeeeeee!
oOo
ako daw madam pa-send…kahit sa fb lang pwede na. 🙂
@Pryss13, di na kelangan. Pansin ko parang bangag ka na lagi. Hehe! Adik!
@MARU, ha? anong connect? hahahah
i mean,gagawa din ako ng mga ganyan. hawaan mo ko ng pagka creative at wais mo lol
Thanks sa recipe. Masarap magluto ngayong long week end. 😀
@Pinay, maraming salamat sa comment at sa pagbisita. 😀
hotmamamaru, pag gawa ba ng perfect na foundation pang fez marunong ka? paturo naman! hihi 🙂
@zaizai, face foundation? Hmmmn…gusto mo yung protein-enriched na pinapahid sa fez? 😀 Nakakakinis daw yung ng fez.