Sew Happy 3 – (DIY: Bedroom Curtain)

Hataw sa pagtatahi ang Mamaru lately. Hindi halatang pressured no? 😀 Eh kasi naman kelangan ko na matapos na ang mga naiisip na DIY at baka kunin na sa akin ang sewing machine na nahiram ko.

bedroom curtain

Just finished this curtain project yesterday at naikabit ko na rin sa kwarto namin. Tuwang-tuwa si Sang na nakatingala sa akin habang nagkakabit ng bagong kurtina namin. Sa tuwa nya, inumpisahan na rin nya ngatngatin ang laylayan ng kurtina. Lech!

DIY bedroom curtain

Sarap sa pakiramdam na naka-save na naman ako ng pambayad sa sastre para magkaroon ng bagong kurtina.

oOo

Sew Happy 2 – (DIY: Pillow and Cushion Cover)

Uy! Hindi ko dinikwat ang punda na to galing sa Conrad International Hotel ha!

Binigyan ako minsan ng brother ko ng isang pagkalaki-laking bathrobe na halos pwede na gawin kumot ko sa laki galing Conrad Singapore Hotel. Bagong-bago! Hindi ko alam kung complimentary talaga ang bathrobe doon as souvenir o complimentary use of bathrobe lang. Shhhh! Wag na lang maingay ha, pero mas duda akong nenok lang to ng bro ko galing dun. Wahaha!

pillowcase

Hindi ko naman nagagamit ang bathrobe kasi super-laki nga. Kaya eto ang nangyari. Tinastas ko lahat at ginawang pillowcase. Ayan at nakagawa lang naman ako ng dalawang punda ng unan namin.

pillowcases

At may ka-ternong dalawang cushion cover din.

cushion (front)

(Front)

cushion (back)

(Back)

oOo

With great POWER comes great. . .electric bill!