Sew Happy 2 – (DIY: Pillow and Cushion Cover)

Uy! Hindi ko dinikwat ang punda na ‘to galing sa Conrad International Hotel ha!

Binigyan ako minsan ng brother ko ng isang pagkalaki-laking bathrobe na halos pwede na gawin kumot ko sa laki galing Conrad Singapore Hotel. Bagong-bago!  Hindi ko alam kung complimentary talaga ang bathrobe doon as souvenir o complimentary use of bathrobe lang. Shhhh! Wag na lang maingay ha, pero mas duda akong nenok lang ‘to ng bro ko galing dun. Wahaha!

pillowcase

Hindi ko naman nagagamit ang bathrobe kasi super-laki nga. Kaya eto ang nangyari. Tinastas ko lahat at ginawang pillowcase. Ayan at nakagawa lang naman ako ng dalawang punda ng unan namin.

pillowcases

At may ka-ternong dalawang cushion cover din.

cushion (front)

(Front)

cushion (back)

(Back)

oOo

“With great POWER comes great. . .electric bill!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.