Ipagpatawad nyo kung puro DIY ek-ek na lang ang mga post ko dito sa blog ko. Kasi naman masisisi nyo ba naman ako, sabi nga ni Vice Ganda (sa pinapauso nyang word ngayon), SEVERE na talaga kung magtaasan ang presyo ng mga bilihin ngayon! Kalurkey! Eh isang pobreng alindahaw lang naman ako. Kaya naman kinakarir ko talaga ang paghahanap ng paraan kung saan ako makakatipid sa mga gastusin ko.
Matay man, kung kaya ko nga lang mangitlog tuwing umaga ay ginawa ko na. At kung kaya ko lang gatasan ang sarili kong dede ay ginawa ko na rin para lagi kaming may fresh milk. Haha! Oo, para hindi na ako bibili pa ng itlog at gatas. At kung pwede nga lang magtanim ng palay sa paso namin para hindi na ako bibili ng bigas, ay ginawa ko na rin! Lelz! Exajs!
Heniweys, tama na ang paliwanagan tutal wala naman ako sa presinto.
Sa seryosong hangarin kong mabawasan pa ang mga items na nasa grocery/shopping list ko, nag-ikot ako sa cyberspace kasama si bespren Google para alamin ang mga bagay-bagay sa dako pa roon. (Hanudaw?) At eto nga, napadpad ako sa ibat ibang site ng mga nanay at napag-alaman ko kung paano gumawa ng Homemade Laundry Soap.
Dalawang klase ang homemade laundry soap ang natagpuan ko at pareho kong ginawa – ang powder at liquid. Para malaman ko rin kung alin sa dalawa ang magugustuhan ko.
Para sa POWDERED DETERGENT ang recipe source ko ay DITO.
Tatlo lang ang sangkap para sa POWDERED DETERGENT:
-
1 1/2 cup Borax
-
1 1/2 cup Washing Soda
Medyo mahirap nga lang hanapin ang Zote Laundry Soap kasi hindi to available sa mga supermarket. Swerte ko at may nakita akong Zote sa isang stall sa mall kung saan puro imported items ang mga binebenta nila. P39.00 ang bili ko ng Zote. Laundry soap sya at ambango! Bangong malinis!
Para sa Borax at Washing Soda/Soda Ash, hindi rin to basta-basta makikita sa mga supermarket lalo na dito sa probinsya namin. Sa isang baking supply store sa palengke ko sila nakita at per kilo ang benta nila. Bumili ako ng tig-kalahating kilo lang muna. (Borax: P58.00/kilo; Soda Ash: P38/kilo)
Ayan, paghahaluin lang daw ang tatlong sangkap.
ONE TABLESPOON per load lang ang ilalagay sa washing machine.
Para sa LIQUID DETERGENT, galing DITO naman ang recipe source ko. Ang sabi ng source ko, pwede kahit anong bar soap na kinudkod ang ihalo. Tiempo naman may mga sample bath soap ako galing sa sister ko. ๐
Aktwali, bukod sa 2 gallon na tubig, pareho lang sila ng sangkap at sa klase lang ng bar soap nagkakaiba.
-
1 bar of soap (any kind you want)
-
1 cup of Borax
-
1 cup of washing soda
-
2 gallons of water
Kung sanay ka sa commercial laundry soap, malamang hindi mo magugustuhan ang homemade soap na to kasi hindi to bumubula. Pero pakaisipin mo (at agree ako sa sinabi ng source ko) na SUDS don’t equal clean. Hindi bula ang nakakalinis ng damit. Ang mga commercial laundry soap, may borax at wash soda din na kahalo ang mga yun dinagdagan nga lang ng pabango at sangkap na pampabula.
ONE HALF CUP per load naman sa washing machine ang pag gamit ko dito sa liquid.
Mahigit dalawang linggo ko ng gamit ang parehong laundry soap na to. Hindi ko agad pinost dito sa blog ko kasi inobserbahan ko muna kung talaga bang nakakalinis ang mga ek-ek na to.
Howel, yes! Epektib sila na nakakalinis ng labada at higit sa lahat malaking tipid sa presyo kumpara sa commercial laundry soap. Impernes, tipid din sa consumption ng tubig dahil wala masyadong bula na tatanggalin sa pagbabanlaw.
So, alin sa dalawa ang mas nagustuhan ko?
Sa LIQUID detergent, nakakalinis ng damit siempre dahil may Borax at Soda wash pero parang pampabango lang ang naging papel ng bar soap na inihalo ko. Kunsabagay pampaligo naman talaga ang sabon na ginamit ko. Patuloy ko pa rin ginagamit ang liquid soap ko pero para doon lang sya sa mga hindi heavily stained clothes. Para sa mga pambahay na damit lang at hindi ko mairerekomenda para panglaba sa mga maong na pantalon.
Mas nagustuhan ko ang POWDERED DETERGENT. Dahil na rin siguro sa Zote. Malaking tulong dahil pang laundry talaga ang Zote. Mabango. Pareho sila ng liquid na matipid gamitin pero mas madaling gawin nga lang to kasi magkukudkod lang ako ng Zote.
Dati every week ako bumibili ng sabon panglaba. Ngayon, parang medyo matatagalan pa siguro bago ako mag-refill ng Homemade Powdered Laundry Soap ko. ๐
Dito na siguro ako sa Homemade Laundry Soap na to. Matipid na, nakakatulong pa ako kay Mother Earth. Charot! ๐
oOo
‘wawa ka naman…
@River, huh!? Batet naman wawa ako? Anyare?
trip na trip ko tong mga DIYs mo ateng, sarap basahin! and ang ganda-ganda ng bahay mo! ang galing mong homemaker, gs2 ko din matutong mag bake! take care! mwaaah
@malensky, thank you so much dai malen! Sana makatulong sa yo ang blog ko as reference in the future. ๐
@MARU, biruin mo naman..you have to go through all these lengthy process para lng sa i re invent ang sabon..hahaha! pero saludo ako sa imo madir!
@River Reyes, ganun talaga, manong. Pag may tiyaga, may bulalo. Hehe!:D Ang importante din naman kasi ay yung nag enjoy ako sa mga ginagawa ko.
yun pala un, day! akon akala iba pagkahulugan ni Dudung sa comment ba..pisti! :-“
@bay-a-wak, ako pud langga! Yawa gyud uy! Mali man tang duha. Litsi! ๐
madam,san naman mabibili yang zote na yan dito sa davao? parang wala naman ako nakikita sa grocery. ๐
๐ san kaya merong soda ash at borax d kc ako pamilyar sa mga tindahan d2.gusto ko dn gumawa nyan dahil naloloka na ko sa nagkalat na sabon sa kht saang sulok ng bahay namin ._.
mamaru meron kbang homemade na panghugas ng plate? maka JOy ba. ๐
Di ba halatang LATE masyado ang reply ko? Hehe! Sa mga baking supply store…try mo ask sa kanila kung may borax at ash soda. Naghanap din ako ng pala ra plates pero pang dishwashing machine ang meron. Nag try din ako noon ng pang plates pero di ko maire-rekomend. Hindi praktikal eh.
pareho bang hindi bumubula yung powder at liquid soap?. may idea ka pano sila magagawa na bumubula? salamt
@diana, oo hindi sya bumubula. Pero it doesn’t mean na hindi sya nakakalinis dahil ang totoo yung bula ng sabon ay hindi naman nakakalinis talaga. Nasasanay lang kasi tayo na mabula pag nagsasabon tayo pag naglalaba. May dinadagdag na sangkap para maging mabula ang sabon…di ko lang matandaan kung ano yun. ๐
ah cge salamat sa impormasyon, mabuhay ka. sana sa kung may info ka din kung paano mapapabula yung powder na sabon, tsaka kung paano gumawa ng bareta na panglaba,.
salamat kaibigan
hanggang sa muli
hi @MARU saan po ba pwdeng bumili ng borax powder?ang hirap kasi hanapin.
Hi Maru,
Tuwang-tuwa ako at natagpuan ko ang blog mo, isa kasi akong ama ng tahanan pero katulad mo ay naghahanap ng paraan kung paano makakatipid sa sabong panlaba at hindi lang sa sabon, pati na sa kuryente, tubig, gas at kung anu-ano pa. Alam mo na, sa hirap ng buhay ngayon. Ha ha.
Tanong ko lang sana, saan ka nakabili ng Zote laundry soap. Taga Imus Cavite nga pala ako. Sana matulungan mo ako.
Salamat,
Ruel
ru60hz at gmail dot com
ate bka pwede niu naman ako maturuan sa pag gawa ng sabon kung paano po at ano po mga ingridience para naman po dagdag kita din po para sa anak ko.
ate bka pwede nyo po turuan gumawa ng sabon at anu po ingridience para dagdag kita po para sa anak ko.
ate bka pwede nio ko turuan gumawa ng sabon para maibenta dagdag kita para sa anak ko
maru tlagang namangha ako sa mga nagagawa mo turuan mu naman ako ng paggawa ng sabon para dag dag kita rin para sa anak ko.
bhoszlalab_05@yahoo.com
hindi ganyan ang tamang pagawa ng mga laundry soaps anoba yan, nagmamnufactured ako ng mga sabon gusto niyo bang matutu
pano po maam pls turuan nyo po ako..