Pissbook

Hindi naman sa nagmamaasim ako o nag-aastang akala mo kung sino, pero sa Maruism Facebook account ko, 98% na nagpapa-add sa akin ay hindi ko kilala personally. Hindi ako namimili ng pag aksep ng friends request. Pag may nagpapa-add sa akin, accept lang ako ng accept kasi ina-assume ko na reader sila ng Maruism.

At pag may nakikipag-chat sa akin sa FB, kung libre din lang ako, sumasagot naman ako dahil gusto kong panindigan ang matagal ko ng suot-suot na SASH na may naka-print na Miss Friendship. 😛

Heniweys, kagabi habang bisi-bisihan ako, biglang may pop-up na ganito sa FB chat ko. Nagulat ako.

8-30-2011 7-04-38 PM

Aminin ko, nairita ako!

Walang pinagkaiba ‘to sa eksenang may unfamiliar number na tumawag sa cellphone mo tapos ni “Hi o Hello!” man lang eh wala, tapos yung caller pa ang may ganang magtanong kung sino ka samantalang sila ‘tong tumawag sa ‘yo. Imbyerna di vah?

Hindi naman sa gusto ko magtaray ha, pero unang-una, HINDI KO SYA KILALA. Siguro naman ay maiintindihan ako sa naging pabarang sagot ko dito sa kumausap sa akin. Patawad. Pero umangat talaga ng 180 degrees ang kanang kilay ko at sa  medyo nagpanting ang mga tenga ko.

Nagplano pa naman ako na lektyuran ko sana siya tungkol sa ETIKETA sa social networking, kaso di na nagreply si ateng. Sayang! 😀

oOo

2 thoughts on “Pissbook

  1. pag pasensiyahan mo na minsan Ateng yang mga ganyan..feeling niya siguro eh..PLDT na rotary dial pa gamit niya..at napagkamalan kang partyline..wahaha!

Leave a Reply to River Reyes Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.