Archive for 10 August, 2011

Nang Mag-Uwi Ng Babae Ang Anak Ko

Noong Monday, nag-uwi ng BABAE ang anak kong lalaki.

Sa sorpresa ko, nai-tweet ko agad yun at na-stat sa FB ko.

Mega-react naman ang mga ka-FB ko. May nag-LIKE at may napa-comment.

8-8-2011 2-53-53 PM

Mga ka-FB! Sorry naman at hindi ko nabanggit na HINDI babaeng-tao ang inuwi ng anak kong si Kevin.

Eto siya!

Introducing…SANG! She’s the girl!

Ang bagong miyembro ng pamilya ko.

cross-breed cockapoo

Oo, Sang ang name nya. Ambaduy no?! Bakit, Sang? Abah! Ewan ko sa anak ko. Basta sabi nya, Sang o Sang-Sang daw namelalu nya. Ok ‘kako, WATEBER!

Born May 17, 2011, kaya mag-3 months pa lang ang Cockapoo naming ‘to. A Cockapoo, it is a cross-breed,  not a purebred, between the Cocker Spaniel and the Poodle.

Super-excited kaming tatlo sa bago namin alaga. Proud ako sa dalawa kong anak kasi nasa puso  talaga nila ang mag-alaga ng aso. Gustong-gusto nila. Di nga ba, may kasabihan na mas masasalamin mo o malalaman kung anong klaseng ugali meron ang isang tao sa paraan o kung paano siya mag-aruga sa alagang hayop niya.

Praktis na rin ‘to para sa mga anak ko kung paano maging responsable sa iba bukod sa mga sarili nila. Dalawang araw pa lang sa amin si Sang pero labs na labs na agad namin.

Cockapoo

Medyo maSangSang ang amoy ngayon ng bagong beybi namin. Hindi pa namin mapaliguan kasi hindi pa raw pwede dahil bagong bakuna siya. Sa daming vaccine na kelangan para sa alagang aso, isang bakuna na lang ang kulang ni Sang ngayon, yung anti-rabies na lang. After a month pa siguro namin siya bibigyan ng turok.

Nang dumating si Kev bitbit ang babaeng ‘to noong Lunes….mistulang PG (patay-gutom) ang chura ng aso. Abah, pinagbuksan agad ng anak ko ng kornbip! Ako naman, naghanap agad ng bowl na bagay sa beybi namin, yung kulay-PINK! :P

Sang

Ayan, sa ngayon hindi na ako muli magso-solo dito sa bahay pag nasa school ang mga amo ko. May makakasama, makakalaro, makakausap at taga-bantay na ako. Palaging nakasunod sa akin si Sang kahit saan man ako umikot ng bahay. As of this writing, nakabulagta siya sa ilalim ng computer chair ko. Panay tulog din ang hitad! Nagpapataba ng pekpek!

Mas prefer ko sana ang boy na aso. Kaso girl ang inuwi ng anak ko pero OK na rin. Wag lang sana magbuntis agad. Haha! Pinag-iisipan ko nga rin, since Pro-RH Bill ako, ipa-ligate ko kaya si Sang? :D

 

oOo

SMS Jokes 2011-230

**Courtesy of MIKE

REPORTER: “Ano po ba ang nangyari?”
IMBESTIGADOR: “Ninakawan ang ofis ni Cong. Curacot.”
REPORTER: “Malaki siguro ang natangay. Ngayon ko lang nakitang nagalit nang ganyan si Congressman.”
IMBESTIGADOR: “Maliit lang. Pero talagang ganyan ang buhay. Ang magnanakaw, galit sa kapwa Congressman!”

  •  

SIR: "Yaya, sobrang init nitong kape, ilagay mo naman sa platito."
Kumuha ng platito, ibinuhos ang kape sa platito.
YAYA: "Sir, eto na po ang kape! Refil na lang po pag ubos na ang nasa platito. Dahan-dahan lang po inom, baka mabuhusan po kayo."

Yaya was asked where the Netherlands is located. She answered, "Di ba dun nakatira si Peter Pan?"

On Migz resignation…
JUAN PONCE ENRILE: "An unselfish act…"
Ed ANGARA: "A brave decision that will change the course of politics.."
LITO LAPID: "Bakit siya nag-resign? Puwede namang mag-absent!"

Read more

Bagsik Ng Tinola

Last June 17, nag-message sa akin ang isang FB buddy ko. Hindi ko na babanggitin ang real name at ibang pang detalye tungkol sa kanya kasi sabi nga nya…pribadong tao sya.

Hmmmn…teka, ano ba i a-alias ko sa kanya para maitago? Hmmmn…

Pwes, itatago na lang natin sya sa pangalang MR. SINGIT – para tagong-tago talaga! O di ba, bagay! Kasi ang singit natin ay hindi ini-expose, dapat iniipit at itinatago lang. :D Heniweys, char-char lang yun. Itatago ko na lang si charming friend ko from FB sa initials na K.S.

 

17 Jun
K. S.

@maruism salamat sa tinola recipe from your blog. girlfriend loved it.

17 Jun
Maru Ism

@K.S., tel ur gf marry ka na nya at dabest na ang tinola mo.

 

Kanina, pagbukas ko ng FB ko:

10 hours ago
K. S.

   hi mamaru mukhang magkakatotoo yung sinabi mo about sa tinola wehehe
    i hope youre doin fine :)

2 hours ago
Maru Ism

ha? what do u mean?
   Ur getting married na?

about an hour ago
K. S.

    i cant wait na nga e. lols kaso my rock is still under certification sa belgium. definitely i’m proposing before this world, este, year ends. isa kang anghel, dahil meron kang dilang anghel. wihi. salamat. :) musta na?
    i hope you’re doin fine. basta pag nakita mo yung visitor mo sa live traffic feed mo sa maruism na may flag ng S**** A*****, ako yun, or yung mga naimpluwensyahan ko dito na naging fan mo na rin, haha. God bless at ingats. keep inspiring people. and stay pretty :)

4 minutes ago
Maru Ism

    OMG! Sing-laki ba ng olive ang bato na yan at manggagaling pa ng Belgium? Ang bonggacious. Shet! Bigla akong nainggit. Sana kahit bato na panghilod man lang ay may magbigay din suckin. Wee!
    Di nga, diyaske ka! Pinaganda mo ang Monday ko. Hays…sarap isipin ng mga kwentong-PAG IBIG ng gaya ng sa ‘yo. Goodluck, dear. Basta pag nagtuloy-tuloy yan, promise me to take good care of your woman ha? Don’t ever break her heart.
    Keep me posted ha? :D

 

Grabe! Ay kent bilibit! Buhay pa pala ang PAG-IBIG sa mundo. At ang bagsik ng Tinolang Manok Na May Mais ko ha! Chos!

Netong weekend lang, panay basa ko ng mga news tungkol sa lugmok na ekonomiya ng US at iba pang bansa ng Europe ngayon. Nakakabahala kasi siguradong may domino effect yan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya naman, ang makatanggap ng medyo naiibang email galing kay K.S., is kinda refreshing. :D

Kinilig lang naman ako sa email ni K.S. na may halong inggit din. Sori naman, magandang tao lang po ako, marunong din ako mainggit pero siempre mas lamang yung haplos sa na-feel kong SAYA kasi imadyin, hindi magtatagal eh matutupad na rin ang gusto ni friend K.S. para kay ineng nya – ang makapag-honeymoon agad magkasama sila habangbuhay.

Sana invited ako pag umabot na sa kasalan. Joke!

 

oOo

love is in the air

LOVE is in the air!

 

Idaan Sa Musika

Lab lab lab ko si Kate Voegele at halos lahat ng music nya.

At eto ang Top 3 sa mga peborit ko sa kanya na para bang wala akong kasawa-sawa sa paulit-ulit na pag-play, na kahit na siguro lugain pa ang tenga ko sa pakikinig – eh quever!

I have no shy to admit (have no shy daw o!) na napapa-emote ako pag pinapakinggan ko ang mga ‘to. Korni. Kaya idinadaan ko na lang ang nararamdaman ko sa musika lalo na . . .

1.

. . .pag gusto kong patuloy na magmahal at UMASA pang muli (pero sana ay mauntog na rin ako).

2.

. . . pag gusto ko ngumiyaw ng hustisya at katarungan para sa nararamdaman kong LAB dun sa ‘ayuf na lalaking mahal ko. Charot!

3.

. . .at pag gusto ko palakasin ang nanghihina kong dibdib at trip na magtapang-tapangan kahit sawimpalad. Shet!

 

oOo

“Ang totoong NAGMAMAHAL kahit nasasaktan, LUMALABAN.”

SMS Jokes 2011-229

** Courtesy of Mike

Chinese ambassador (galit): "Ba’t Sona ni PNoy, lahat problema ng Pilipinas sa China isinisisi?"
Lacierda: "Spratlys lang sinabi nya sa SONA ah."
Chinese Amb (lalong nagalit): "Anong Splatlys lang!? E si WANG  WANG? Chinese din yun, ah!!"

PACMAN: "Inay, este Mommy, ano po sa english ang pantog?"
ALING DIONY: "E di bladder."
PACMAN: "Ah. ok. E ano naman po sa english ang pantog ng bayaw mo?"
ALING DIONY: "Tanga tanga mo talaga anak! Congressman, ka pa naman!
E di Bladder-in-law"

After launching his own line of perfume, Manny will launch a line of female perfume in honor of Mommy Dionesia with two scents:

Amoy Lupa & Amoy Patay!

Very Interesting and Valid Thought..
No matter how much a woman criticizes her husband on each and every judgement. . .
She NEVER questions his CHOICE of WIFE!

Doc: "Do exercise daily for good health."
Patient: "Doc, I play football, tennis daily."
Doc: "How long do you play?"
Boy: "Until my phone’s battery goes low."

Read more

Chocolate Chip Oreo Cookies

Matagal ko na ‘tong na-bake at matagal na rin tunaw sa mga tiyan namin ang mga cookies na ‘to. Pero ngayon ko lang ibo-blog kasi nakalimutan kong i-publish. Hays…musta naman ang tumatanders at naging malilimutin na. Natingga lang naman dun sa mga draft post ko ang entry na ‘to.

Heniweys, mga momsies, worth a try ang mga cookies na ‘to. With matching fresh milk na panulak para sa mga bagets nyo – winnur sigurado!

VERSION 1: Chocolate chips tsaka vanilla-filled Oreo sandwich cookies ang ginamit ko dito.

chocolate chip oreo cookies

oreo  choco chips 

VERSION 2: Strawberry-flavored chocolote chip tsaka strawberry-filled Oreo sandwich cookies naman ang inihalo ko ditetch.

Matagal na kasi ‘tong strawberry-flavored choco chips sa ref ko at sa wakas nagamit ko rin siya. 

choco chip oreo cookies

oreo strawberry chip choco

Pareho lang naman ang mga sukat ng ingredients at ang paraan sa pagluluto ng dalawang version.

Ingredients:

  • 1/2 cup softened butter
  • 6 Tablespoons white sugar
  • 6 Tablespoons brown sugar
  • 1 egg
  • 1 teaspoon vanilla
  • 1 ¼ cup all-purpose flour
  • ½ teaspoon baking soda
  • ½ teaspoon salt
  • 11 broken pieces Oreo Cookies
  • 1 cup chocolate chips

DSC03673_2    

Procedure:

1. Preheat oven to 350 degrees F. Cream butter, and sugars until well combined. Add egg and vanilla until mixed well.

2. Place flour, baking soda and salt into a large bowl, stir to combine. Slowly add dry ingredients to wet ingredients then stir in Oreos and chocolate chips until just combined.

3. With a medium cookie scoop, scoop onto baking sheet. Bake for 10 minutes or until cooked, but still soft. Let cool on baking sheet for 3 minutes before transferring to cooling rack.

Cream butter, sugar, egg and vanilla  until well combinedPlace flour, baking soda and salt into a large bowl. 

stir in Oreos stir in chocolate chips

combine thoroughlyscoop onto baking sheet

 

cool on baking sheet for 3 minutes before transferring to cooling rack    

choco chip oreo cookies

HAPPY WEEKEND EVERYONE!

 

oOo

Regular Exfoliation

body scrub Once a week, I always make sure that I exfoliate my whole body. My regular body scrubbing is my way of removing all the dead skin off my body, to expose a better glow of my skin.

And since I can’t afford the luxury of going to SPA saloon weekly, what I normally do is make my own homemade body scrub and just do my skin-care treatment here at home.

Most spa clinic uses coarse granules like deadsea salt to polish the body. I wish I have, but since I don’t have that said product here at home, so I opt to use my own mixture of brown sugar, ground coffee and olive oil as substitute.

Body scrub don’t have to be expensive to give great result. Most of the body scrub ingredients are actually easy available in your kitchen.

I Can Diet

diet I think I’m gaining weight. Though I’m getting conscious of my body lately, I’m not yet there to the extent that I have to seek the immediate help of the manufacturers of slimming pills. Not yet. I know I can still diet – easily.

Speaking of slimming pills, in today’s world where there are many people looking for a quick and easy way to shed some pounds off their waistline, as interest in losing weight increases, so do the number of slimming scams. People, please be aware of the broad range of fraud nowadays. Be informed and not ignorant. Know what is real vs. fake.

Well, these are just my thoughts of concern.

RFID

RFID RFID – stands for Radio-Frequency IDentification, it refers to small electronic devices that consist of a small chip and an antenna. Hmmn… I think I need a device like this for my future husband.

However, good thing I don’t have a husband right now because maybe to keep my spouse from cheating on me, I will impose to have his body be implanted with rfid – for easy tracking of his location, you know. Ha ha! Of course, I am just exaggerating. The truth is, I’m not a jealous type of woman. Also, I believe that if a man really wants to cheat, he will cheat.

Organizing Idea 4: Label It!

Walang tanggap na labada si Mamaru sa araw na ‘to at day-off ko din sa pagsa-sideline as barker sa paradahan ng mga jeep dito sa amin.

Kaya naman bisi-bisihan ako kanina sa paggawa ng mga sticker labels. Matagal ko na ‘to gusto gawin kaso laging postponed ang project ko dahil lagi akong nauunahan ng katamaran.

sticker labels

Heniweys, sa pamamagitan ulit ng taglay kong alindog, natural na kagandahan, kabataan, pagiging sariwa at konting kaalaman sa MS Office-Word, ay natapos ko rin ang project kong pagle-label ng mga dapat i-label. Siempre sa tulong na rin ‘to ng mga gamit: sticker papers at pinking scissors.

sticker labels canisters spice jar labels DSC03915_2

DSC03913_2

Oist! Baka isipin nyo itinatabi ko talaga ang Soda Ash (washing soda) at Borax sa mga lagayan ng papkern at kernstarts namin ha! Siempre inihiwalay ko talaga mga yan. Mahirap na at baka mapagkamalan ko pang asukal mga yan. Pinagtabi ko lang sila ngayon diyan dahil sa photo shoot. :D

flour container

Ngayon na nalagyan ko na ng mga label ang mga anik-anik, siguro naman hindi na magtatanong ang dalawang amo ko ng…”Ma, nasan ang sugar?…’Ma, ano ‘to?…’Ma, nasan ang asin?” …blah! blah! blah!

toothpick

organized pantry

Hindi ako nagpapaka- O.C. ha? Enjoy lang talaga ako gawin ang mga ganito. Tsaka aminin natin na maaliwalas talaga sa pakiramdam at kaaya-aya sa mata pag nakaayos ang mga bagay-bagay sa bahay.

Isa pa, may anak akong babae. Gusto kong nakikita ng anak ko ang mga ginagawa kong mga organizing ideas para balang araw, mag-expire man ang pagiging diyosa ko dito sa mundong ibabaw (charot!) eh may matutunan sya sa akin na mga matitinong diskarte sa pamamahay, kahit na ang nanay nya ay isang – on and off lucresia. :P

 

oOo