Archive for 4 August, 2011

Organizing Idea 3

Nakakainis minsan tingnan ang sala-salabat na mga kable dito sa bahay. Mga mahahabang cable wires ng laptop, printer, extension outlet, atbp. Para silang mga spaghetting pababa ng pababa. Chos!

Pero hindi na ngayon. Salamat sa mga empty toilet paper rolls dahil kahit papano ay napapakinabangan sila bilang neat cord holder.

TP roll cord holder

Mas OK pag naka-wrap.

cord holder

  Ilalim ng computer table ko.

TP roll cord holder

O ha! Kitams, di na masyadong makalat. :D

 

 

 

oOo

“Hindi mo kailangan maghanap ng rason kung bakit mo mahal ang isang tao. Dahil ang pagmamahal, NARARAMDAMAN hindi INIISIP.”

Keri Nyo Kaya ‘to?

Aaminin ko, pag umiihi ako sa mga public toilet eh hindi ako umuupo sa toilet seat. Posisyon ko? Nakatuwad! Hihi! Bahala na kayo mag-imagine.

Hindi naman kasi lahat ng public toilet ay malinis. Kaya sa tinagal-tagal kong pagiging babae (meron kasi iba, bago at gawa-gawa lang ang pagiging babae) siempre nagawan ko na ng paraan kung paano umihi ng nakatuwad ng slight para hindi lang lumapat ang luminous at glow-in-the-dark kong wetpaks sa toilet seat. :D

Mahirap sa umpisa ang ganung posisyon pero sanayan lang naman yan at nagagawan din ng teknik sa katagalan. Kaya wag nyo ko tanungin kung bakit sanay akong tumuwad. Wahaha!

Sa abroad, medyo matagal-tagal ko na rin nalaman ang chika na ‘to na pwede na umihi ang mga girls sa public toilet na nakatayo!

public toilet for women

Paano? PEE-MATE.

Sa pamamagitan ng paggamit ng disposable PEE-MATE na ‘to, pwede na raw magparaos (shet! paraos!) ang babae na nakatayo. Wee!

peemate

Pero hindi ko keri ‘to. Pramis! Tingin ko mababasa lang ang mga hita ko sa imbensyon na ‘to. Kakarampot eh.

Kung iihi ako ng nakatayo – hindi ganito kaliit ang kailangan ko. Kelangan ko yung butas ay parang sisidlan ng LARGE french fries ng McDo ang chura! Haha!

Tsaka parang ang sagwa tingnan ng girls pag umiihi na nakatayo. Parang nakakabawas ng pagkababae.

public urinal for women

Kayo, mga kapwa kong may pechay, keri nyo ba ‘to?  Wait! Dapat pala hindi Pee-mate tawag dito – dapat Pee-chay! Pang pechay naman kasi. :P

P.S.

Hmmmn…may bahid ba ng kahalayan ang post kong ‘to? Well, paalala po sa mga menor de edad kong mambabasa, patnubay ng magulang ay nararapat. Chos!

 

 

oOo

“Lahat ng sama ng loob nya ay sa akin nya nilalabas… ano ako inidoro?”

SMS Jokes 2011-228

TEACHER: Class, use "veteran" in a sentence…
MANNY: I mam, I mam!
TEACHER: Ok… Manny!
MANNY: When u’re caught by your wife havng SEX w/ ur Girpren… U VETERAN!

At a trial..
JUDGE: “You effected the robbery in a remarkably ingenuous way; in fact, with exceptional cunning.”
ACCUSED: “Now, your honor, no flattery, please!”

A married man was a philanderer. A friend finally took him to task, "When you run around with other women, doesn’t your conscience bother you?"
"Yes, for a certain length of time…. and if I don’t hear from their lawyers, I feel better."

Recipe for Success!
Through sex in the morning, the brain is supplied with blood, and thus boost one’s intellectual capacity.
Kitam, magiging genius ka sa sex!

Trivia:
Each man have five erections while sleeping at night. The "morning glory" is the last of these erections. Would it be a shame if you pass up…? :P Huwag sayangin!

Read more

Cookies and Cream Cookies

Gusto nyo gumawa ng chocolate chip cookies pero wala kayong mahagilap na choco chips sa kusina nyo?

Pwes, eto po ang perpek alternative. Cookies and Cream cookies. Imbes tsokolate, Oreo cookies ay pwede na! Aktwali, kung wala rin kayong Oreo, yung local Cream-O cookie sandwich eh pwede rin gamitin kasi halos di naman sila nagkakalayo ng lasa ng Oreo. Mas mura pa.

Try nyo.

Cookies N Cream Cookies

Cookies N Cream Cookies

Cookies N Cream Cookies

Cookies N Cream Cookies Ingredients  

Cookies and Cream Cookies

  • 1/2 cup butter
  • 1/3 cup sugar
  • 1/3 cup brown sugar
  • 1/4 teaspoon salt
  • 1 teaspoon vanilla
  • 1/4 teaspoon baking soda
  • 1/2 teaspoon baking powder
  • 1 large egg
  • 1 1/2 cups flour
  • 2 tablespoons milk
  • 1 cup crushed Oreos
  1. Preheat the oven to 350°F.  Beat together the butter, sugars, salt, vanilla, baking soda, and baking powder until well combined. Add the egg, beating until smooth.
  2. Add the flour and milk and mix until smooth. Pour one cup of crushed Oreos into the dough mixture and mix again until Oreos are thoroughly incorporated.
  3. Shape cookie dough into balls about 1 inch in diameter and place them on baking sheet about 2 inches apart.
  4. Bake the cookies for 11 to 15 minutes, until they’re a light golden brown at the bottom.

Cookies and Cream Cookies

Cookies N Cream Cookies

 

oOo

“Mas magandang bigyan ng chance yung taong naghihintay sa ‘yo, kesa balikan yung taong kusang lumayo sa ‘yo.”

Pinoy Banat 4 (Cheesy Punchlines)

  • “Sana magtaas din ang presyo ko. Para minsan naman matawag mo din akong Mahal.”
  • “Alam mo ba kung bakit naghihirap ang Pilipinas? Kasi nagmamahalan tayo.’
  • “Alam mo ba na ang salitang ‘Mahal Kita’ ay inimbento para…sabihin ko sa yo!”
  • “Daga ka ba? Kasi ako ang pusang habol ng habol sa yo.”
  • “Kung may mahal ka…Paki ko? Buti sana kung "AKO" yun… Matutuwa pa ako.”
  • “Damit lang ba ako para sa yo? Ambilis mo kasi akong palitan eh.”
  • “Tubig ka ba? Wala ka kasing taste!”
  • “If loving you burned calories, aba! ako na siguro ang America’s Next Top Model.”
  • “Masarap maging TAO, pero mas masarap maging TAYO.”
  • “Sige lang, awayin mo ko. Pag ako naging artista, hindi kita papansinin!”
  • “Akala ko noon, dagat lang ang lumalalim. Pati din pala feelings ko sa’yo ganun din.”
  • “Humanda kang mahilo. Kasi sayo lang iikot ang mundo ko.”
  • “Kung ako ang caterpillar at ikaw ang dahon, pwede ba kitang gapangin? At kagat-kagatin?”
  • “Wag mo na kasing hanapin yung taong magmamahal sayo ng totoo..Baka kasi sa kakahanap mo..AKO ang matagpuan mo.”
  • “Para tayong kwento ni Juan Tamad…ako si Juan at ikaw ang bunga…hinihintay kong mahulog ka sa akin.”
  • “Isda ka ba? Ang tinik mo kasi.”
  • “Kung malungkot ka dahil wala pa siya… Isipin mo na lang… Malungkot din ako dahil wala ka pa.”
  • “Galing ka bang Greenhills? Ang cheap mo kasi.”
  • “Bakit ang guwapo mo ngayon? Pautang naman.”
  • “Alam mo sa tuwing tinetext mo ako…Natatanggap ko naman.”
  • “Race track ka ba? … Ang ganda ng curves mo!”
  • “Miss ang ganda mo naman… UUUUY! Joke lang walang pikon!”
  • “Kung bulkan tong puso ko, malamang pag sumabog ito,Kakalat bawat letra ng pangalan mo.”
  • “May gagawin ka ba bukas? Tara, Pakasal tayo.’
  • “Kaw ba ang nescafe ko?Kasambuhay sa habangbuhay.”
  • “Kung kasalanan maging cute…oh sige na, SORRY NA!”
  • “Genie in a bottle ka ba? Sige nga, pahimas!”
  • “Aanhin mo pa ang paa mo? kung hindi ka din lalakad sa altar na kasama ko!”
  • “Hindi man ako royal prince pero ipapangako ko sa’yo na ako naman ang iyong loyal prince.”
  • “Your eyes are really attractive..they attract each other!”
  • “I’m single…And you’re very much welcome to change it!”
  • “Bibili ako ng feathers.. gagawa ako ng pakpak na isusuot ko para maging anghel mo.”
  • “Hindi naman totoo ang sinasabi nila na bobo ako. May isip din naman ako at Ikaw lang lagi ang nandun.”
  • “Adik man ako sayong paningin. subukan mong tumingin sa akin maadik ka rin!”
  • “Matulog ka na, mamahalin pa rin naman kita bukas eh.”
  • “Quality Control ka ba? Lakas mo mang reject eh!”
  • “Kahit gaano pa kadaming CANDY ang kainin mo, wala pa ring tatalo sa tamis ng Lips ko.”
  • “Ang pangit ng apelyido mo! Gusto mo sa yo na lang apelyido ko?”
  • “Ingat ka lagi ah. Papakasalan pa kita eh.”
  • “Kung may doorbell lang ang puso mo wasak na sa kakapindot ko.Buksan mo na kasi!”
  • “Time traveler ka ba? Kasi you looked like my future wife eh.”
  • “Para kang sembreak…Amboring mo eh.”
  • “Ang pag-ibig ko sayo ay parang tsinelas. Kasi san ka man pumunta, handa akong matapakan, masugatan at madumihan. maingatan ka lamang.”
  • “Nung nakilala kita, dun ko lang nalaman ang sagot sa tanong ng NESCAFE.. "Para kanino ka bumabangon?"
  • “Ang ingay mo ah! Pag ikaw di pa nanahimik tatakpan ko na yang bibig mo.. NG LABI KO.”
  • “Mahilig ka ba sa number 6? Kasi ang “sixy sixy” mo eh!”
  • “Alam mo para tayong pares ng sapatos, Hindi pwede ipares sa iba!”
  • “Pag iniwan mo ako.. isusobsob kita! Isusubsob kita sa puso ko sabay sabing "dyan ka nababagay!"

 

 

oOo