Chuck

Kung may brand ng rubber shoes na kina-inlaban ko mula noon hanggang ngayon, eto at ay ang mga Converse Chuck Taylor All-Stars na shoepatos.

converse2

converse1

Wish ko lang, may koleksyon ako ng iba’t ibang kulay ako ng Chucks shoes. Pero waley-afford ng Mamaru ang mang-hoard in real kaya nangongolekta na lang ako ng piktyurs gaya neto. Hihi! Nakakapanglaway!

 

Gusto ko yung low-cut lang. Yun lang. Yung simple lang.

Buhay pa rin hanggang ngayon ang pinakaunang 2 pairs of Chuck ko. Puro mga kupas nga lang. At halos burado na ang mga tatak. At napalitan na ang mga tali. Nai-post ko na dati ang pic na ‘to sa Friendster blog ko. May sentimental value ‘to sa akin kasi pinag-ipunan ko talaga ang pambili nito noon.

chuckie

At etong pink Chuck na binigay sa akin ng friend kong si Ronnie from Canada.

chuck_taylor

Medyo hirap ako maghanap ng size ko kasi pang-tiyanak ang size ng paa ko. Pag sa adult section ng Converse ako naghahanap -size 1 ako. Pag walang size 1 sa adult, tiyak sa kiddie section ang bagsak ko which is madalas nangyayari. 😛

Natatakam akong magkaroon ng Khaki-colored o brown na Chuck ngayon. Gusto ko bumili pero wala akong makitang available na ganung kulay sa tindahan ng mga Muslim. Bakit sa mga Muslim? Sa madaling salita, naghahanap ako ng japeyk! Pero wala akong makitang IMITATION eh. Hehe! Sori naman, eh imitation na lang ang afford ko eh. Well, kevers ko naman kung peyk!

Happy Friday Everyone!

oOo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.