DIY Project: Cushion Cover

BAGO ang lahat. . . ako pa rin ang LUMA. Chos! Gasgas na intro ko.

Seryusli, gusto ko humingi ng paumanhin dun sa mga libo-libo kong mga subscribers. Libo-libo? Istir lang. Hehe!

Da truth is, LIMA lang yata ang email subscribers ko. Kaya baka gusto nyo dagdagan, gawin nyo na – NOW na! :D Siempre hindi rin kayo maniniwala na lima lang kasi likas na charotera ako. Heniwey, kung nagkaka-doble man ang delivery ng mga blog post ko sa mga email nyo ay dahil nag-repost po ako kagabi. Nagka-problema kasi kahapon ang blog ko kaya SENSYA na po ha. Yun lang. Bow.

Uy! May bagong mga CUSHION COVERS ang lola nyo!

DSC04412_2

Again, mga retasong tela lang ‘to. By the way, bumibili ba kayo ng mga damit galing sa ukay-ukay? Ako kasi karamihan ng mga damit ko galing sa ukay-ukay. At karamihan ng mga dress galing ng UK eh may mga lining na tela na parang silk pero hindi naman sila silk. Lol. Sori na, di ko kasi alam ang namesung ng mga tela na yun.

Minsan inaalis ko yun kasi ang init nun sa wankata lalo na pag palda. Ayokong pinagpapawisan ang mga luscious singit ko.

Madaming naipon na mga lining ang lola nyo at ni-recycle ko sila bilang cushion cover.

cushion cover1

Ang naging gastos ko lang sa apat na CUSHION COVERS na itetch ay:

  • Rick-rack trimmings (4 yrds x P3.00) = P12.00
  • Zipper (4 pcs x P5.00) = P20.00

Bale P32.00 lang lahat ang nabawas sa limfak-limfak kong salafi.

Bah! Kung bibili ka ngayon ng cushion cover sa depatment store, pinakamababa na yata ang P50.00 bawat isa.

cushion cover2

Aber! Sino may sabing puro pang-kama lang ang mga taglay kong God-given talent/skill? Chos!

cushion cover3

Ayos ba? *wink*

 

 

oOo

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

CommentLuv badge